Zhavie's POV
"Mamaya na lang 'yong bayad sa renta, Ate Badet!" sigaw ko bago lumabas ng gate. Pumara kaagad ako ng bus upang dumiretso sa university.
Payapa ang lahat sa mga nagdaang buwan. I've been busy with the new semester kaya hindi rin ako masyadong naging active sa GC. Marami akong nalaman sa mga nangyari roon at sa mga ibang kasama sa grupo ngunit sigurado akong wala pa sa kalahati 'yon. Marami pang sikreto at misteryo ang hindi pa nadidiskubre.
Nakakapanibago lang talaga na wala na si 6th sa GC, ngunit hindi pa rin siya maiwasang pag-usapan ng mga ibang miyembro. Blaster removed Yna's account at mukhang hindi na bago sa mga tao roon ang nangyari. Siguro nasanay na rin sila dahil hindi lang naman si 6th ang nawala sa GC.
Pinaalalahanan ako ni Blaster na huwag i-kwento kahit sa ibang GC members ang mga napag-usapan namin. Wala na rin akong nagawa kundi sumang-ayon dahil hindi pa naman sigurado ang lahat. Hindi ko pa rin matukoy kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo at ang nagpapanggap kaya kailangan ko munang sumabay sa agos.
Kinuha ko kaagad ang phone ko dahil sa sunod-sunod na notification. Galing 'yon sa GC kaya napagdesisyonan ko munang tumambay doon habang nasa byahe.
-σκοτώνω-
Zhavie: hilu gudmurning!
13th: hi 20th.
9th: goodmorning din.
2nd: wassup
11th: Gusto niyo ng joke? hehe!
8th: Hindi.
21st: sige hahaha!
16th: huwag na tangina pakiusap.
1st: 20th, where are you?
10th: in your heart hehehe!
1st: Stfu. 'Di ka si 20th.
10th: hahaha bakit wala ba talaga siya sa puso mo?
Zhavie: Papasok ako ng University ngayon. Why?
1st: Gusto mong basagin ko yang pagmumukha mo 10th? nasa living room lang ako gago!
7th: Kaiyak may moment kayo diyan admin di niyo 'ko sinama tsk!
10th: three some hehe. juk biglaan lang, tanga.
1st: 20th, see you later.
Zhavie: huh???
11th: May date kayoooo? hahaha!
1st: Pakialam mo?
11th: nagtatanong lang eh psh!!! HAHAHAHAHA!
"Good morning," I greeted the guard as I arrived at the university. Dumiretso muna ako sa cafeteria dahil mamaya pa naman ang klase ko, maaga lang talaga akong pumasok. Si Devon naman, mukhang tulog pa.
"Isang carbonara at bottled water," I smiled to the person at the counter and handed her the payment for my breakfast.
Kukunin ko na sana ang tray nang bigla akong mapatigil matapos makita si Lander kasama ang isang babaeng may mahaba't kulot na buhok. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko unang nakita.
Hindi dito nag-aaral 'yong babae dahil may suot siyang visitor's pass id. Naka-akbay si Lander sa kaniya habang nakaupo silang dalawa. Bakit ganun? Parang nasasaktan ako. Dapat happy crush lang naman 'to.
Inayos ko na lang muna ang suot kong necklace, iyong ibinigay ni Vince nang mapaharap ako sa salamin. Hanggang sa ilibot ko ang mata ko upang maghanap ng available na table nang biglang may magsalita sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Mystery / ThrillerWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...