GC 42

29.3K 1.4K 4.1K
                                    


"Ha? Good luck? Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ko kay Devo

"Halika rito," tawag niya. "7, right? Bilangin mo sa kamay mo."

"Ha? Hindi ko gets." Sagot ko.

Wala siyang nagawa kundi ipaintindi ulit sa akin kung paano niya nakuha ang 'good luck'. Nagulat na lang ako matapos ma-gets ang ipinaliwanag niya. "Oo nga, no? Pero bakit ako pinagkamalan ni sir na nangongodigo? Ibig sabihin ba 'yan din ang posibleng sagot sa exam natin?"

"Ewan ko doon. Sino kaya nag goodluck sa'yo? Ang creepy niya ha. Baka may stalker ka?" Makahulugang tanong niya.

"Stalker? Wala naman siguro. Ay teka!" napatigil ako nang may maalala. "Noong isang araw pala may nag-chat sa akin tapos nag-send ng picture niya kaso natakpan ibang part.. then sa huling message niya nag-good luck siya sa akin."

"Omg! Sino kaya 'yun? Patingin nga ako. Nasaan 'yung phone mo?" Binigay ko naman sa kanya ang phone ko para makita niya 'yung sinasabi ko. "Ay ano 'to? Arabo?
Esaelp Eid? Pota. Paano ba ipronounce 'yan?" Tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko rin e, pero hindi naman siya mukhang arabo. Tignan mo 'yong sinend niyang picture."

"Hala bessy! Ang gwapo! Mata pa lang hahaha. Pero ba't natakpan? Wet look si kuya haha. Kilala mo ba 'to?" Tanong niya.

"Hindi nga, e. Wala nga akong ideya kung sino siya."

"Luh? Teka lang!" Aniya sabay lapag ng phone ko sa mesa. "E.s.a.e.l.p? Omg! Please die?! Please die 'yung name niya kapag binaliktad?" Sigaw ni Devon.

"Ha? Patingin!" Napamura na lang matapos makumpirma ito.

"Zhavie, bakit please die?" halata kay Devon na kinakabahan rin siya katulad ko, pero hindi ko na pinahalata ang akin dahil walang mangyayari kung magtatakutan lang kaming dalawa.

I faked a laugh. "Baka nantitrip lang 'yan."

"Hindi kaya p-pinagtitripan ka ng mga members sa GC? Hmm.. pwede ring tinatakot ka o may kaaway ka."

"Wala akong kaaway, saka wala naman akong maling ginawa sa GC para magalit sila. Pero alam mo? Nang umalis 'yong may nickname na '14th' doon na si Aeron, ang weird nang nangyari kasi pagkalipas lang ng mga ilang linggo natagpuan siyang patay sa car park."

"Y-yung binalita? Si Aeron Villareal? Hala ka! Baka isunod ka na!" Aniya. Ewan ko kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o nakikipag lokohan lang.

"Alam mo kahit isipin ko yan lalo lang akong mababaliw. Dahil lang sa nag leave siya papatayin siya? Parang ang babaw naman nun. Kahit siguro ganun yung mga members do'n hindi siguro nila magagawa 'yun. Baka nga nantitrip lang sila eh." Sagot ko.

"Diba may rules do'n?" Aniya.

"Oo, p-paano mo alam?" tanong ko. Sa akin daw niya ito nalaman kaya lalo akong nagulat.

"Ha? Sinabi ko ba? Wala naman akong sinabi ah."

"Meron kaya. Ako ang natatakot para sa'yo eh. Nawalan na tuloy ako ng gana kumain. Pero kung ako sa'yo magleave kana sa GC na 'yan." Aniya.

"Ako rin nawalan ng gana. Pero hindi dahil sa takot. Dahil sa'yo. Oa mo kasi hahaha! Oo aalis din ako sa gc na 'yun. Hintayin mo lang. Tsaka hindi rin ako naniniwala sa rules do'n."

"Good. Tsaka totoo naman kasi. Ang creepy kaya! Biruin mo igogoodluck ka ng ganun ganun lang? Tapos hindi mo pa siya kilala. Sige mauuna na ako. Ingat ka dito ha? Magrereview pa ako. Alam mo na, hindi pa natatapos ang exam natin."
"Ihatid na kita." Saad ko.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon