GC 75

17.3K 648 903
                                    

Rexord's POV

"Sino ba 'yan? Teka lang, atat na atat, e!" Napasipa akong bumangon sa sofa matapos marinig ang malakas na pagkatok. Dito na ako natulog dahil madaling araw na ako nakauwi galing sa TZ Club. Naparami pa ako ng inom kaya halos tatlong oras lang ang tulog ko.

"Rexord, open the f*cking door!" Sigaw ni Axiel.

Nang makumpirmang si Axiel nga ang nasa labas, aligaga kong kinuha ang shorts ko dahil boxers lang pala ang natirang suot ko.

I was really wasted last night, halos ubusin ng kupal na Blaster na 'yon ang mga mamahaling alak na akala mo'y wala ng bukas kung gumatos. Hindi raw pwedeng umuwi hanggang hindi nauubos. Wala naman na akong nagawa kundi sundin siya, kailangan din kasi niya ng karamay lalo na't death anniversary ni 5th kahapon.

Muntik pa tuloy kaming magsuntukan ni Clydeur, ayoko talaga sa ugali ng hinayupak na 'yon pakiramdam ko maraming tinatago.

"Wait lang, Axiel my lord!" saad ko nang lalong lumakas ang pagkatok niya.

"I don't give a f*ck if you're hiding something inside your house," bungad ni Axiel matapos ko siyang pagbuksan.

"Luh? Issue ka," pagtawa ko. "Ano namang itatago ko? Never naman akong nag-uwi ng babae rito."

"Tss, tagal mong buksan, e." he said as he walked inside.

"Hehe. Nag shorts kasi ako, baka kasi makita mo yung, alam mo na hehe! Jumbo hotdog kaya mo ba 'to?" Pagtawa ko.

He raised his middle finger at me, "Shut up."

Kinuha ko ang isinuot ko kagabi na nasa couch nang titigan niya iyon bago umupo. I wanna ask him about Zhavie, lalo na kung nahanap niya ba ito kaso mukhang kailangan kong i-timing, masama pa naman ang timpla ng mukha niya ngayon.

Hindi bale, nagawa ko naman na ang pinapagawa niya sa aking report kaya wala muna siyang karapatang sungitan ako.

"Coffee?" I asked, yawning.

"Yeah. Black," he said as he fixed the collar of his black Ralph Lauren polo, paired with white trousers. Nanatili ang mata ko sa suot niyang limited edition silver wristwatch.

Nanliit ang paningin ko sa sarili nang mapagtantong mukha akong basura ngayon dahil sa hitsura ko. Tang'nang hangover 'to, kailangan ko na talagang maligo!

Dumiretso na lang muna ako sa kusina upang magtimpla ng kape naming dalawa. Once in a blue moon lang kung bumisita si Axiel dito. I know he has something important to discuss since he prefers talking about serious matters in person.

Seryosong nakatingin si Axiel sa laptop niya nang makabalik ako. Nahanap na kaya niya si Zhavie? Baka iyon ang dahilan kaya siya nandito. Mukhang hindi pa naman niya kailangan iyong isang report ko.

"Anong atin, Axiel my lord?" I asked, handing him his coffee.

Axiel spoke in a serious tone, "Remember Vincent Arcelles?"

Mahigpit akong napahawak sa sariling tasa matapos marinig ang pangalan na iyon, "Anong mayroon sa kaniya?"

"Nabalitaan mo na bang patay na siya?"

"A-anong patay? Seryoso yan?! Kailan pa?! Eh nakita ko--" Napatigil naman ako sa sinabi ko at ibinababa ang hawak kong kape.

"Nakita?" he asked, confused.

"Ang ibig kong sabihin, nakita mo ba na p-patay na siya?"

"You said, ko not mo. Are you hiding something?" seryosong tanong ni Axiel.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon