GC 71

21K 926 1.6K
                                        

"Shit!" napamura ako sa gulat nang makita ang pagtawag ni Axiel sa phone ko. Patuloy pa ring tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Rexord kanina kung saan hindi daw ako ligtas kay Axiel at baka ako pa ang isunod na patayin niya.

Bahala na! Kailangan kong kitain si Axiel upang mapatunayan kung totoo man ang sinasabi ni Rexord pero kailangan ko ring magdoble ingat. Sinabihan ko na lang si Rexord na makikipagkita pa rin ako kay 1st upang kahit papano ay malaman niya kung sakaling may mangyaring masama sa'kin sabay delete ng chat niya sa phone ko.



"Where the hell are you?!" Sigaw ni Axiel sa kabilang linya.

"Teka! Malapit na."

Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil agad akong tumakbo papunta kay Axiel na nakabusangot ngayon ang mukha. Baka ma-ibaon niya ako bigla sa lupa!

"Wow. Who is this beautiful creature in front of me?" Natatawang sabi ni Axiel tsaka ako tinignan pataas pababa. Nang aasar nanaman!

"Okay na sana e, kaso may creature!"

"You look good today, Zhav." Aniya tsaka itinaas ang off shoulder na suot ko.

Sandali akong natahimik nang dumikit ang daliri niya sa balikat ko. Tila ba'y may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko kaya patago akong napasampal sa sarili ko. 

"Bakit mo ibinaba?"

"You're exposing your skin eh." Mukhang tanga niyang sagot habang itinataas naman ang kabila. Sabog ba siya? Eh off shoulder nga 'to.

Dapat ay kinakabahan ako dahil sa sinabi ni Rexord lalo na't kaharap ko na si Axiel. Pero bakit kalmado ang nararamdaman ko? I scanned him secretly. Ito ba 'yong tinutukoy ni Rexord na posibleng pumatay sa akin? Axiel was staring at me innocently, no trace of ill intention.

Is he really a bad guy?

"Ganyan talaga 'yan, kaya nga off shoulder," saad ko saka muling inayos ang suot ko. Nakuha ng atensyon ko ang isang milktea shop sa kabilang kalsada at nanlaki ang mata nang makitang may promo sila.

"You wanna buy, Zhav?" tanong niya nang mapansin kung saan ako nakatingin.

I pulled his arms. "Oo. Tara libre kita."

Axiel made a face. Tila'y hindi nagustuhan ang ideyang naisip ko na ilibre siya.

"Bakit, 1st? Ayaw mo bang i-libre kita?"


"No need. Money's on me. Always."

I shook my head, laughing. "Libre ko na, may promo naman, e."

"It doesn't matter, besides I can buy the whole shop for you."


Umirap ako, "Yabang!"


"Here," he said, showing his black card.


Napanganga na lang ako nang makita ang hawak niya. Ang ending, wala na rin akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya dahil sa pamimilit niya.


The staff greated us as we entered Amteato. Hindi ko naman alam kung anong flavor ang gusto ni Axiel kaya pinagpili ko na lang siya sa best-sellers.


"Axiel, Thai tea or Honey dew?" I wasn't looking at him when I asked that question. Nakadalawang ulit pa ako pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya kaya tumingin na ako sa direksyon niya.


Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansing matalim ang mata ni Axiel sa tatlong lalaking nasa isang table. Pansin kong malagkit ang tingin nila sa akin pero binalewala ko na lang.


I tugged his black Ralph Lauren polo shirt and asked, "Axiel, anong gusto mo?"



"You." Aniya tsaka napangisi.

Group Chat (GC Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon