Napatayo kaagad ako nang makitang palabas na si Lander sa cafeteria.
"Aish! Kailangan ko na palang pumunta ng library para gawin 'to," saad ko nang mapatingin sa wrist watch ko.
Kahit wala akong ideya kung saan pupunta si Lander, sinabayan ko muna siya sa paglalakad. Naiwan kasi ang mga kasama niya sa cafeteria kaya confident akong lapitan at kausapin siya.
"Hi Lander hihi!" Pagbati ko sa kanya.
"Hmm?" Aniya ng hindi man lang tumitingin sa'kin dahil mukhang busy talaga siya sa paggamit ng phone niya.
"Wala lang, hehe. Baka madapa ka ha. Naglalakad ka tapos ginagamit mo phone mo." Saad ko tsaka pasimpleng sinabayan siya sa pag lalakad.
"It's ok, i can manage." mahinang sabi niya tsaka itinago ang cellphone niya sa bulsa niya. "By the way, where are you going?" Dagdag niya.
"Sa Library, hehe. May kailangan kasi akong gawin. Ikaw saan punta mo?"
"Library," he smiled.
Hearing that, I pressed my lips together and looked away. Destiny ba ang tawag dito?
"Talaga? Sa library ka rin pupunta?"
"Yup. Kakasabi ko lang, Zhavie." Aniya tsaka kinuha ulit sa bulsa niya ang cellphone niya.
"Ahh oo nga pala ang tanga ko haha. Sabay na tayo hehe. Do'n rin naman natin ang punta nating dalawa." Saad ko. "Pero sana sa susunod eh sa simbahan na." Mahina kong sabi habang kinikilig.
"Sure." Tipid na sagot niya. Omg! Narinig niya ba sinabi ko?
"Sure saan? Hehe. Sa'n tayo pupunta?"
"Library. Saan pa ba?" Seryoso niyang tanong habang gamit nanaman ang phone niya.
Sabay kaming nagsulat ng pangalan nang makarating sa library. Sunod akong naghanap ng available na spot dahil sa ibang direksyon siya pumunta. Ano kayang hinahanap niya? Libro? Mukhang wala naman sa hitsura niya.
Kung alam ko lang na makakasama ko siya rito sana nag-ayos man lang ako. Ang hirap pala nito lalo na kapag dalawa lang kayo ng crush mo. Paano ba magpigil ng kilig? Iyong hindi mahahalatang crush na crush ko siya.
"Ano 'yan? Hehe." tanong ko nang huminto siya habang inilalabas sa bag ang mga kailangan kong gawin.
"Libro." Mahinang sagot niya tsaka umupo.
"Sabi ko nga, hehe." Napakamot na lang ako sa ulo. Ang obvious naman masyado ng tanong ko, baka mahalata niyang kinakabahan ako.
"Sige, Lander. Gawin ko una 'to." Hearing that, Lander nodded twice. He seemed preoccupied with his book kaya nagpatuloy lang ako sa pagsusulat.
Hays! Ilang lunok ba ang kailangan kong gawin para mapigilan itong kilig ko?
Naalala ko tuloy nang unang pasok ko rito sa university, I saw him playing basketball. Masyado akong na-amaze kaya ang ending, hindi ako pumasok sa unang klase ko at nanuod na lang. Aksidente pa nga niya akong natamaan ng bola, e. Ang sakit nun pero keri lang! Kung siya naman ang babato sa akin ng bola, why not? Ako pa ang magso-sorry!
"Saan ka pupunta? Aalis ka na kaagad?" tanong ko nang bigla siyang tumayo.
"I'll be back," he smiled. Iniwan niya ang bag niya kaya mukhang babalik pa talaga siya.
After a few minutes, I stopped writing when someone placed a can of soda in front of me. Si Lander pala kaya agad akong nagpasalamat. He sat down and picked up the book he was reading earlier. Palipat-lipat lang siya ng pahina kaya hindi ko alam kung nagbabasa ba talaga siya.

BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Ficción GeneralWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...