//Axiel Pheorez's portrayer on the multimedia\\Zhavie's POV
"Rhea! Ang tagal, masamang pinaghihintay ang maganda!"
Sandaling humarap sa akin si Rhea bago muling ibalik ang tingin sa salamin, "Teka lang! Kailangan ko ring magpaganda. Date ko rin 'to, ano!"
Lihim akong natawa. Ngayon ko lang siya nakitang sobrang bagal kumilos, samantalang noon mas nauuna pa siyang matapos kaysa sa 'kin.
Ganoon niya ba talaga kagusto si Blaster?
"Useless 'yang ganda mo kasi kasama mo ako kaya dalian mo na riyan!" biro ko.
"Ulol, asa ka!" she showed her middle finger. "Saglit lang kasi!"
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. She is dressed in a black halter dress that complements her vibe and style. Siguradong mapapanganga si Blaster kapag nagkita sila.
Sana effective!
I wore a white off-shoulder with tattered denim jeans that perfectly matched my white shoes. My hair is styled in a messy bun with a few strands framing my face. Hindi ko naman iniisip na magde-date kami ni Axiel kaya hindi na ako nag-ayos ng bonggang-bongga.
I was in the middle of fixing my hair when my phone rang. Devon called, asking me to come over dahil may importante raw siyang sasabihin.
"Friend, mauuna na ako. Dadaan pa ako kina Devon, e." Isinuot ko kaagad ang bag ko matapos magpaalam kay Rhea sabay lagay ng phone sa bag. Hindi pa ako nakakabili ng bago matapos akong manakawan kaya iyong spare phone na lang muna ang gamit ko sa ngayon.
"Go lang. Ayoko rin naman ng double date, no. Gusto kong masolo si Blaster," kinilig na tugon niya.
"Date? Gagala lang naman kami ni Axiel, hindi kami magde-date. Ingat na lang talaga si Blaster sa iyo. Bye!"
Axiel Axiel • active now
Zhavie Fuentes
Axiel.Axiel Axiel
Hmm?Axiel Axiel
I'm on my way.Zhavie Fuentes
May dadaanan ako saglit. Importante lang hehe, medyo malelate ako.Axiel Axiel
Samahan kita?Zhavie Fuentes
Huwag na. Kita na lang tayo doon. Hindi ko kasama si Rhea hehe.Axiel Axiel
That's good. ;)Axiel Axiel
Take care. Don't forget to message me. Ok?Binalewala ko na ang huling message niya dahil pasakay na ako ng jeep. Hanggang sa mapatigil ako sa pagtago ng phone ko matapos makaupo nang makita ang bagong chat mula sa kaniya.
Axiel Axiel
Hoy.Zhavie Fuentes
Bakit?Axiel Axiel
Hindi mo man lang ba sasabihin na mag ingat din ako? Tss!Zhavie Fuentes
Baka sila pa nga mag-ingat sayo, e. Ba't kailangang mag-ingat? Alam ko namang kaya mo na sarili mo.Axiel Axiel
Dumb. Syempre paano kapag namatay ako edi maaga kang nabiyuda?Axiel Axiel
Charot. Hehe.Zhavie Fuentes
CHAROT??? OMG HINDI IKAW YAN AXIEL!!!Axiel Axiel
Lmao. Rexord taught me, it's a cute expression, right? How was it? Am i cute now?
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Teen FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...