"Sino namang may gawa nun?!" nandidiring sigaw ko habang palabas ng girls' cr.
Mabuti na lang at palagi akong may dalang alcohol kaya halos paliguan ko ang mga kamay ko dahil sa kumapit na dugo mula sa shoe box. Sunod kong kinuha ang tissue at agad naghanap ng basurahan upang itapon 'yong mga nagamit ko.
Nakatunganga lang ako sa klase ko at parang wala akong naririnig na boses kahit nagdidiscuss ang prof sa harapan ko. Bumalik lang ang wisyo ko after niya mag discuss at sinabing pwede na kaming umuwi.
Tulala pa akong sumakay ng jeep habang iniisip ang nangyari kanina. Wala talaga akong kaide-ideya kung sino ang gumawa nun dahil wala naman akong taong kaaway. Nagtataka rin ako kung bakit yung picture na sinend ko ang nakalagay do'n sa shoe box.
Katahimikan sa dorm ang bumungad sa akin nang makauwi ako. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbubukas ng pinto ng unit ko nang bigla akong huminto. Bakit nakabukas ang pinto? Nakalimutan ko bang i-lock ito kanina?
Pinili ko na lang na balewalain ito. Baka nga naman nakalimutan ko lang isara dahil sa pagmamadali kanina. Sa sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko na lang inalala ang mga nangyari at kumain na lang ng hapunan. Hanggang sa mapatigil ako nang makatanggap ng text mula kay Devon. Nagpapabili siya ng gamot dahil wala raw siyang kasama ngayon sa bahay.
Pumara kaagad ako ng taxi pagkatapos kong bumili ng gamot. Sobrang dilim ng eskinita papasok sa bahay nila, at dalawa lang ang ilaw sa kanto, kaya't ingat na ingat ako sa paglalakad dahil baka matapilok na naman ako. Tama na ang isang katangahan kanina.
Lumabas naman kaagad si Devon nang makarating ako kaya inabot ko sa kaniya ang mga binili ko. Hindi ko na naisip pumasok dahil kailangan ko na ring umuwi kaagad, lalo na't may curfew sa dorm.
Devon smiled, "Thank you rito, ha. You didn't bring your phone ba? Nagtetext ako sa iyo, e."
"Sus, ikaw pa! Wala 'yon. Oo hindi ko dala, wala na ring baterya, e." Inaya pa niya akong pumasok sa loob, ngunit humindi ako.
"Baka dakdakan pa ako ni Ate Badet kung lumampas ako sa curfew. Hindi ako nakapagpaalam, e. Magpagaling ka," ngumiti ako.
Naghintay muna ako ng tricycle baka sakaling may dumaan pero wala talaga kaya mas pinili ko nalang maglakad upang makarating agad sa sakayan ng jeep. Nakalagay lang ang kamay ko sa may bulsa ng jacket ko. 8 o'clock na ng gabi kaya siguro ang tahimik na. Napahinto naman ako sa paglalakad ng may makita akong isang shadow sa gilid ko. Natatakpan ito ng street light sa taas kaya iba ang dating neto sakin.
Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko dahil ganito iyong mga napapanuod ko sa horror movies. Even though I wasn't sure if it was a ghost, I still ran like I was in a marathon.
Napatigil lang ako sa pagtakbo nang may mga tao na akong narinig sa daan. Muntik na akong atakehin, kaloka!
Napatingin ako sa likuran ko at wala na 'yung shadow na nakita ko. Pakiramdam ko ay nagiging oa lang ako dahil sa nangyare sa school kanina kaya ang dami kong naiisip na mga bagay bagay. Buti nalang at may huminto kaagad na Jeep sa may waiting shed kaya nakasakay kaagad ako.
"Shit! Buti na lang at wala pang curfew," saad ko nang tignan ang wristwatch ko. Muli akong natigil sa paglalakad nang marinig ang malalakas at mabibigat na hakbang sa hagdan papataas sa second floor. Gawa lang kasi iyon sa kahoy. Ano ba naman itong dorm ni Ate Badet, mukhang horror house tuwing gabi!
Dahan-dahan akong tumingin sa likuran.
Shit!
Muntik na akong mapatalon sa gulat.
"Zhavieeee!" Ang katabing unit ko lang pala na si Rhea, iyong laging lasing, akala ko kung sino na!
"Ano 'yon?" nag-aalalang tanong ko, dahil hindi na siya matino maglakad sa kalasingan.
Inaaya niya akong uminom, ngunit humindi ako dahil mukhang wala nang paglalagyan pa ang alak sa katawan niya dahil sa kalasingan. Inalalayan ko na lang siyang maglakad at ako na rin ang nagbukas ng pinto sa unit niya dahil nasa kamay niya ang susi.
Kasabay ng pagpasok ko sa unit ko ang pagtunog ng phone ko na naka-charge pa rin hanggang ngayon. Napatakbo agad ako upang sagutin iyon, ngunit nagkumutok ako nang makita ang isang unknown number.
"Hello, sino 'to?"
"Masayang gabi, Zhavie." Pagsasalita ng nasa kabilang linya. Hindi ko naman marecognize ang boses dahil sobrang lalim neto at parang radio anouncer ang boses sa sobrang lalim. Hindi ko rin malaman kung babae siya o lalaki dahil parang edit 'yung boses.
"Uhm.. sino 'to?" ulit ko.
"Kumusta ka?" Kaloka! Ang creepy talaga ng boses.
"Ayos lang. Pero sino ka nga?"
"How about your day? Maayos rin ba?"
"Oo, medyo maayos naman. Pero teka! Sino nga 'to? Puro ka tanong pero hindi mo naman sinasagot tanong ko," iritang tanong ko.
"Eh 'yung sapatos mo? Maayos na?"
"Ha? Anong... paano mo nalaman? Sino k—hello?! Hello!"
Sinubukan ko namang tawagan ng number niya dahil sobrang nacucurious ako kung sino siya at kung paano niya nalamang sira ang sapatos ko.
The number cannot be completed when dialed, please check the number and dial again.
Loko 'to! Iyang number naman na 'yan ang ginamit niyang pang-call sa'kin. Wala naman sigurong sira itong phone ko?
Send message Call
Your number cannot be completed when dialed, please check the number and dial again
Ano ba problema neto????
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series #1)
Mystery / ThrillerGroup Chat tells the story of Zhavie Fuentes, a girl who was living a mundane life until she was added to a mysterious group chat named σκοτώνω. Little did she know that becoming a member would change the course of her entire life. ARE YOU READY TO...
