9 more chapters to go! Keep safe and stay alive, everyone.
Zhavie's POV
"Shit! May gusto sa'kin si Axiel?" bulong ko sa sarili. Kahit gustuhin kong ipagtapat ang katotohanan, may parte sa aking nag-uudyok na itago muna sa kanya na ako ang batang babaeng nakilala niya noon. Everything is still a mess, especially in the skotóno, and there are unresolved issues that need to be settled first.
Anong susunod na mangyayari kapag nalaman niyang ako ang batang babae 'yon? Magliligawan kami? Magiging kami na ba agad? Napakabilis naman! Kahit gaano pa siya kagwapo, ayoko munang umeksena.
'Di bale, hindi naman ako marupok, hehe.
At isa pa, kahit anong gawin kong ipagsawalang-bahala o itanggi ito, parte na talaga ako ng mga nangyayari sa GC. A lot of people I know are involved, lalo na ang pinsan kong si Stacey na nagdala sa'kin dito. The situation is so tangled that it feels impossible to separate myself from it. I wish I could just step back, but I know I can't escape the connections I have to this GC.
"Hmm, Zhav?" tawag ni Axiel.
"Ano 'yon?" agad akong nag-iwas ng tingin.
Axiel cleared his throat, umusog pa siya ng kaunti upang mapalapit sa akin dahil masyadong awkward ang pagitan naming dalawa.
"Anong sasabihin mo, 1st?" pag-uulit ko.
"It's fine if you don't want to answer. It was just a confession, kaya ayos lang. I just really like you and I hope you can accept my feelings. Kahit hindi ngayon, Zhav. I can wait, basta ikaw."
Pinigilin ko ang ngiti ko, uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Huhu, Zhavie akala ko ba hindi tayo marupok?
"Seryoso ka talaga sa s-sinabi mo? Gusto mo talaga ako?" Sa wakas, nagawa ko nang tumingin sa kanya.
Axiel smiled. "Of course, Zhav. Why would I lie to you?"
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng ito. Kaloka! Si Axiel talaga 'yong batang nakilala ko noon? At hinintay niya ako? Kahit kailan hindi sumagi sa utak ko na posibleng magkagusto siya sa'kin. Madalas nga kaming aso't pusa sa GC.
Sa bagay, sa ganda kong 'to aarte pa siya? Hmp!
The way he looks at me revealed a softness in his eyes that he doesn't show to others. Iba rin ang kilos at asal niya kapag kami lang dalawa kumpara sa kapag kasama namin ang iba. Why did it take me this long to notice? Ganoon ba ako kamanhid? O hindi ko lang talaga inisip na magkakagusto siya sa akin?
"Axiel, sabihin na nating gusto mo nga talaga ako, pero paano kung bigla mong mahanap 'yong babaeng nakilala mo rito?"
Hindi ko maiwasang itanong 'yon dahil paano kung hindi ako ang batang nakilala niya noon? Naghintay siya sa kanya ng ilang taon, habang ako sandali pa lang.
"If we meet again?" he laughed. "Then it would be awesome."
"Eh? Matapos kang umamin, it would be awesome kaagad? Bwisit na 'to," irita kong sabi at humarap sa kaniya.
"It would be awesome because finally, I can meet her after a long time, but no one can change the fact that I'm already inlove with this girl in front of me." Pinisil pa niya ang pisngi ko matapos siyang magsalita kaya natulala ako ng ilang segundo.
"T-talaga? Paano kung magkagusto ka ulit sa kaniya?"
Umiling siya. "Malabo 'yon, Zhav."
"Tss! Paano ka naman nakakasigurado?"
"Your name is already tattoed here, in my heart, permanently."
Nagtakip ako ng mukha dahil sa biglaang kilig na naramdaman ko. Bakit ang rupok natin ngayon Zhavie? Ako na ata ang papalit kay Rhea.
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
Novela JuvenilWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...