THE END IS NEAR ❗
FAREWELLS ARE READY ✔Vincent Arcelles POV
"Zhavie. Time to eat you breakfast, gumising kana diyan. Ang pangit mong matulog oh. Hahaha!" Pang aasar ko sa kanya. Ang pangit matulog nakanganga pa. Tang inang mukha yan haha!
I let out a sigh as I scanned her face. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang dinala ko siya rito matapos siyang kunin kay Axiel.
"Axiel? Axiel ikaw na ba 'yan?"
"Shhh. Itatakas kita rito," bulong ko sabay alis ng nakatali sa kamay niya. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to, parang kinain ko rin lahat ang sinabi ko. This wasn't supposed to happen. We shouldn't be friends, or even get closer to each other. But there was something about her, ngayon naglalaban ang utak at puso ko.
"Hmm? Nasaan ako?" she asked as she opened her eyes.
"Nasa sogo nga. So clean so good! Hahaha joke! Nasa bahay nga kita hehe. Tinakas kita kay Axiel kagabi. Bad siya eh." Saad ko tsaka umupo sa kama.
"E, ikaw? Sino ka ba talaga?"
"Alam kong 'di ka na makapaghintay malaman kung sino 'tong gwapong kaharap mo, pero mamaya na ako magpapakilala. Tara muna sa labas, let's eat."
"Inggit ako sa kamay mo, ang puti." Aniya.
"Of course, maputi ako eh. Alangan namang maitim ako tapos kamay ko lang maputi? Haha ano yun half half?" Pagtawa ko habang palabas kami ng kwarto.
Sumilay ang ngiti sa mukha niya nang makita ang nakahain sa lamesa. "Ang sarap! Beef steak with mushroom gravy? Niluto mo 'to?"
"Oo. Paborito 'yan ng kapatid ko," nakangiti kong sagot.
"Artwork mo ba 'yang mga nakasabit?" tanong niya habang pinagmamasdan ang mga nakadikit sa pader.
"Hindi, sa kapatid ko 'yan. Pero marunong din akong mag-drawing. Ayoko lang sumali sa contest kasi baka hindi manalo 'yong mga kalaban ko, hehe."
"Che! Ang hangin mo. Ano nga kasing pangalan mo?" she asked as she put some rice on her plate.
"Why don't you give it a try and guess?"
"Bobo ako pagdating sa hulaan, e." she replied, pouting.
"Bobo ka naman sa lahat hehehe. Pero, kahit bobo ka. Ikaw pa rin ang kasama ko na BOBOo ng pamilya. Ayieee! Hahaha!" Pang aasar ko.
"Tss! Ang corny mo. Para kang si 11th, walang pinipiling araw at panahon sa pagiging corny."
"Ba't naman ako pipili ng oras at panahon? Kung ikaw naman ang pinili ng oras at panahon upang makasama ko sa buong magdamag at dapit hapon? Hahaha! F*ck! Corny nun bwahaha!" Pag tawa ko. "Sino pala si 11th?" Dagdag ko.
"Buti naman alam mong corny ka! Hmm.. si 11th, isa sa member sa GC na nasalihan ko. Pinaglihi talaga sa mais pero approachable naman at gagawin talaga ang lahat mapasaya ka lang kaso nakakatakot magalit."
"Pogi ba yun?" Tanong ko sabay subo ng pagkain.
Nagkibit-balikat siya, "Ewan, hindi ko pa nakikita pero lagi niyang sinasabing pogi siya."
"Pogi naman talaga ako hahaha! Hi, 20th. Are you happy because you're with hottest and handsome 11th right now?" Saad ko.
"Ha? ikaw si 11th?!"
"Yeah! Hahaha! Welcome to my life, Zhavie Fuentes." Saad ko sabay kindat.
"Talaga? Sige na nga, agree na ako sa poging sinasabi mo tuwing nasa GC ka. Grabe! Nananaginip ba ako? Pero bakit tayo napunta sa ganito?"
BINABASA MO ANG
Group Chat (GC Series 1)
General FictionWelcome to the GC! There's only one rule here. Once you're in, don't leave this group chat or else you'll perish in a grievous death. If you don't want me to cut your body into pieces, take note of this: STAY! Enjoy being here. -Admin ...