Epilogue

63 2 1
                                    

Walking down the aisle is one of my dreams.

Nakasuot ng pinamagandang damit sa buong mundo habang slow motion na binabagtas ang daan papunta sa harap ng pari.

Habang naghihintay ang taong magmamahal sa akin ng taos puso. At tatanggapin ako ng buong-buo.

I am Mason Bucklehead. And once dreaming that fairytale of mine.

Yes. Bata pa lang ako. Naimulat ko na ang sarili sa pagiging bakla.

Akala ko yun na talaga ang totoong Mason na makikilala ng lahat.

Isang batang lalaki naglalaro ng manika.

Nagkakagusto sa kapwa lalaki.

Ka tropa mga babae.

Yan ang buhay ko.

Pero nang makilala kita.

Parang naimulat ang sarili sa totoong pagkatao ko.

Sa bawat oras na magkasama tayo nagagawang pukawin ang natutulog kong pagkatao. Nagawa kong maging lalaki sa harap mo.

Naging close tayo sa isat-isa.

Nakakasama tayo, hindi lang sa masasayang pangyayari kundi ang pagluha na pilit tayong pinagdikit.

Biglang naisilang ang totoong pagkatao ko at yun ay ang maging lalaki. Maging Isang Adan.

Akala ko maayos na ang lahat. Pero napasakit na nalaman mo sa iba ang totoong pagkatao ko. At hindi ko naisip na yun ang huli nating pagkikita.

Ngayon na nagawa ko nang maging successful sa buhay.

I spend my time to find you. I hire a lot of people to find you.

Kahit pera ko pa ang winawaldas. I'm eager to find you. Hindi ba Simon?" Napatingin ako kay Simon at tumango tango naman ito.

Napatitig ako sa IM ko. Naluluha hindi dahil sa nasasaktan kundi sa sobrang kasiyahan.

At nagpatuloy ako sa pagsasalita.

" At sabi nga nila.

Kapag may tiyaga may nilaga.

Sa wakas na hanap din kita. Pero hindi ko inaasahan na maling IM ang mahahanap ko.

Isang impostora. I know you as a friend of Simon's girlfriend. And also a CEO of company of yours. But hindi ko inaasahan na sasabihin mong ikaw si IM. I don't believe you. At yun ang pinagsisihan ko." I bite my lips. Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Parang kinakausap ako na 'ayos lang'. Napatango at nagpatuloy sa pagsasalita.

" I don't believe you na kaya naging miserable ang buhay ko. Muntik ko na pakasalan ang babaeng yun. Ang babaeng umagaw ng identity mo. Mabuti na lang nalaman ko. Pero sa totoo lang.  I'm really happy na kahit hindi ko pa alam about that she's somewhat impostor. Ni-reject ko na siya una pa lang. Napagtanto ko talaga kung sino ang totoong laman nitong puso ko." I smiled at her.

" And again I need to find you just what I did. Humingi ako ng tulong sa lokong Simon. Pero ni awa hindi man lang siya tumulong alam mo ba yun." Sumbong ko dito at sinamaan ng tingin si Simon.

" Sabi ko naman sayo hindi ka awa awa. At isa pa ang unfair nun kay Inori." Pagtatangol naman nito sa sarili. Na ikinatawa na lang ng guest.

" Shut up." I hissed. Lumambot lamang ang mukha ko when I saw my love smiled widely.

" Good Job Mr. & Mrs Lastimosa at hindi niyo ako sinuplong sa Adan na to. Ang unfair talaga. Tsk. Broken hearted ako nun noh. Pinagtabuyan mo ang Gandang tulad ko." I frowned when my love said it. Ayon napatawa na lang ulit ang guest.

Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon