57

26 2 1
                                    

Ilang araw na ang nakalipas. At ilang araw na din ako ginagambala ng lalaking yun. Mabuti na lang kanina at nagawa kong makawala sa pangungulit niya.

Maaga akong nagising at naisipan na mamasyal.

Plano ko talaga umalis ng maaga ng walang bubuntot.

I enjoy roaming around. Makakasalamuha ang madaming tao. Na iba-iba ang lahi. At mapupuntahan ang ibat-ibang souvenir shop. Ibat-ibang restaurant at coffee shop. Maaliw ka din sa unique na pagkuha ng atensyon ng bawat hotel or ibang establisimento.

Well ang isla kasing to parang Boracay lang ang peg.

Kaya talaga marami rami din ang turistang bumibisita to.

Ang swerte nga nina Simon at Yesha at nakabili ng bahay bakasyunan. Sulit yung pera.

*Sigh

Mabuti naman at isang araw din na walang nangulit.

Naisipan kong maupo sa buhangin. Malapit na pa lang lumubog ang araw. Kaya naisipan ko na manood na lamang nun.

Bigla kong naalala ang bruha.

Happily married na yun.

Napatitig ako sa ulap.

Biglaang sumulpot ang mukha ng bruha.

Ikaw? Kailan ka naman balak magpakasal? Kapag pumuti na yang buhok mo. Yan ang sinabi nito. Na wala din agad sa paningin ko.

Kailan nga ba?

May mahahanap ba akong lalaki na pupuno ng puso ko.?

May dadating ba sa buhay ko?

Hindi ko mapigilan isipin yun. Paano nga kapag pumuti na lamang ang buhok ko kakahintay sa taong yun. Tsk.

Biglaang sumulpot naman sa isip ko si Mason.

Napa iling iling naman ako.

" NO WAY." hindi makapaniwalang saad ko sa sarili. At isa pa. Taken na yun noh.

Huwag mo na masyadong saktan ang puso mo IM.

Hindi na pwede si Mason okay.?

Nagmumukha ka naman desperada na hanggang ngayon nangangarap ka pa din na siya talaga para sayo.

Mali yun.

Pero hindi ko kasi maiwasang alalahanin ang mga araw. Ibang-iba na Mason ang kasama ko.

Ano ba ito?

" Your joking right?" Hindi ko maiwasang itanong yun.

Napatingin ito sa akin. Halata sa mukha nito ang pagtatanong.

" The Courting thingy." Saad ko.

" I'm not." Seryosong saad nito.

" You are." Diin kong sabi dito.

" I'm not." Saad din nito.

" You are." Hindi papatalong sabi ko.

" Hindi mo alam ang nilalaman ng pusong to Inori." He said at kinuha ang kamay ko para ilagay sa dibdib nito.

Naramdaman ko ang malalakas nitong heartbeat.

Namumulang binawi ang kamay ko dito.

" Kaya you whether like it or not. I'm going to court you." May pinaledad na sabi nito.

" Eh paano naman kung ayoko? Sa unang pa lang basted ka na." Matapang kong saad.

Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon