Inori's POV
Sa limang araw pinilit kong kalimutan si Mason.
Yeah. Natauhan na din siguro ako.
Well masaya na siya. Kaya masaya na din ako.
Hindi ako magmumukmok dahil lang sa kanya.
I don't deserve him. Siguro may nakalaan talaga para sa akin.
Naligaw lang siguro o di kaya na traffic kaya hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakikita.
Well kung kailangang maghintay. Gagawin ko.
Kung gusto ko talagang dumating si Mr. Right. Syempre. Marunong din akong maghintay.
At sa mga ilang araw nakalipas. Palagi kong kasama si Simon. Yeah. Sa oras na naging panyo ko ito.
Tinanggap ko ang paghingi nito ng paumanhin at binalik ang dati naming samahan. Nakakasama na din ito ni Yesha.
Nga pala. Naglulunch pala kami ngayon. Nag-aya si Simon kaya gora na.
Ang sama naman kung aayawan kaya tinanggap na lang namin.
" Boss it's time." Paalala ni Yesha. Kaya tumango lang ako dito. At napatanging hinging paumanhin kay Simon.
" Sorry for the busy sched Simon. Gusto man naming makipagtuwaan pa sayo. Kaya lang may gagawin pa kami ngayon. I'm really sorry." Ako.
Tumingin lang ito sa akin.
" It's okay. I'll understand ganyan talaga pag nagtatrabaho. " sagot naman nito.
" Sorry talaga. And thank you for the treat." Ako at nginitian to.
" Oo nga Simon. Parang sasabog nga yung tiyan ko dahil sa naparaming kain. Thanks by the way." Segunda naman ni Yesha na ikinangiti lang ni Simon.
Agad kun nasilayan ang pamumula ni Yesha.
Gusto ko sanang tuksuhin to.
Pinalagpas ko na lang.
" Wala yun. Basta kung hindi kayo busy just call me. I tetreat ko ulit kayo." Malokong sabi nito.
Napangiti na lamang kaming dalawa ni Yesha.
" Hahaha. Naku baka masanay kami niyan." Biro ko.
" Oo nga. At yan pa ang maging dahilan ng pagkabank crupt mo. Hahaha." Natatawa naman saad ni Yesha.
Napa iling iling na lang si Simon.
"
Worth it naman dahil nagawa kong pakainin ang magagandang dilag na nasa harap ko." Simon habang nakangisi ng maloko.
Napa iling iling na lang ako. Habnag si Yesha ayon namumula pa din.
Hahahaha. Pambihira talaga ang epekto ni Simon dito.
Pero bagay naman silang dalawa.
Para yatang gusto ko maging cupid.
Hindi ko maiwasang mapangisi sa naiisip.
BINABASA MO ANG
Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )
RomanceWalking down the aisle is one of my dreams. Nakasuot ng pinamagandang damit sa buong mundo habang slow motion na binabagtas ang daan papunta sa harap ng pari. Habang naghihintay ang taong magmamahal sa akin ng taos puso. At tatanggapin ako ng buong...