After 2 years...Napapikit na lamang ako ng maramdaman ang pagtapik ng hangin sa pisngi ko.
Dinama ko muna yun. Bago tuluyang buksan ang mga mata ko.
Nasa pilipinas na talaga ako.
Hindi ko maiwasang ngumiti isiping nasa pilipinas na ako. Pero hindi ko din maiwasang malungkot. Mamimiss ko ang ginagawa ko.
For 2 years. I travel around.
Madami dami na ding bansa ang napuntahan ko. Hindi dahil sa nagbabakasyon ako. Pero kasama na din yun sa trabaho ko.
Bilang manunulat. Kailangan kong maging malawak ang imahinasyon ko at dapat inspired akong writer.
Nababagot ako kapag walang na iisip. Lalo na kapag nanatili ako sa isang lugar.
Kaya napag isipan kong mag travel around the world. Dahil gusto ko maghanap ng magagandang topic at kakasabi ko lang ma inspired.
Ang saya saya kapag nilibot ang mundo. Hindi lang sa magaganda ang lugar kundi pati na din sa mga taong makakasalamuha at makikilala.
Napabusangot na lamang ako ng ma mimiss ang ginagawa ko.
Umuwi na muna kasi ako at stop muna sa paglalakbay. Dahil kailangan.
Hindi ko na namalayan na nakababa at nakalabas na pala ako ng Airport.
Boooossssss
Natauhan ako dahil sa sigaw na yun.
Pamilyar yun kaya nagtataka akong napatingin dun. Nang tignan ko ito nakangiti at kumakaway na Yesha ang nakita ko.
Ang saya saya ng loka. Hindi ko napigilang ngumiti at dali daling lumapit dito. Nakita ko din tumakbo ito patungo sa akin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero parang walang pakialam kaming dalawa. Dahil miss na miss namin ang isa't-isa.
Sabihin na nating hindi nawala ang komunikasyon naming magbestfriend pero iba pa rin talaga kapag sa harap harapan na.
" I miss you Boss." Sabi nito agad nang mayakap ako. Yumakap naman ako pabalik pero hindi ko natigilang sapukin to.
" Aray naman Boss. Kakakita lang natin. Batok agad ang natanggap ko. Ang sadista mo." Maktol nito.
" Nababagay lang yan sayo.Gusto mo isa pang batok ng mawala agad yang Boss thingy mo. Tsk." Sabi ko dito. Natigilan ito at parang naintindihan ang gusto kong sabihin.
" Si Boss talaga ilang taon na pero hindi pa din nagbabago pagdating sa pagtawag ko dito." Bulong na sabi nito. Alam ko namang pinariringgan ako nito.
Umangat ang isang kamay ko.
Nakita nito kaya agad siyang tumakip ng bibig.
" Oo na. Sorry okay." Sabi nito at niyakap ako.
" I miss you." Napangiti ako dito. Walanhiyang babae to.
" I miss you." Balik naman na sabi ko.
" Mabuti at dumating ka. Kung di magtatampo ako sayo ng tuluyan." Sabi nito.
Kumalas kami sa pagkakayakap.
Napa buntunghininga ako.
" Baliw. Pasalamat ka at dumating ako." Sabi ko dito.
" Kung hindi mangyayari ang importanteng event na to sa bahay ng bestfriend ko, sa buhay mo. Hindi talaga ako uuwi. Alam mo naman gaano ako ka busy." Dagdag ko pa.
" Tsk. Bakit kasi kailangan mo pang maglibot para makagawa ng kwento. Pwede namang pokus ka na pang sa kompanya mo. Ang taas na ng na abot ng kompanya mo best. Pwede ka ng tumigil at maging CEO ng kompanya mo. Hindi nitong nagpapakahirap ka maglakbay." Sabi naman nito.
" Ngayon kailangan pa yung kasal ko ang magiging rason ng pag-uwi mo. Paano kung natagalan ang kasal ko. Paano kung umabot ng limang taon o sampu? Ganoon din ang uwi mo." May halong pagtatampo sabi nito. Napangiti na lang ako.
" Asuus. Alam ko namang ang rupok mo. Kaya ikakasal ka ka agad." Tukso ko dito. Nakita ko namang namula ang loka.
Abat?
Inlove na inlove kay Simon ah.
" Oy namumula siya." Tukso ko pa lalo.
"Che. Iniiba mo ang pinag-uusapan natin." Pagmamaldita nito. Pero wala yun epekt sa akin.
" Asuuus. Hindi mo ako madadala sa pagkukunwari mo diyan Yesha." Sabi ko dito. Napabusangot na lamang ito.
Hindi ko maiwasang tumawa. Hanggang ngayon hindi pa din to nananalo sa akin.
Napatingin kami sa taong tumawa. Hindi ko namalayan na may katabi kami. At may kasama pala ang loka loka. It was Simon.
Ang fiance ng kaibigan ko.
" Babe oh bully tong kaibigan ko." Sumbong nito kay Simon. Lumapit ito at humilig sa dibdib ng lalaki. Maagap naman nilagay ni Simon ng kamay nito sa bewang ng kaibigan ko.
Ang sweet nilang tignan. Ang swerte nila sa isa't-isa.
Lalong tumawa si Simon habang nakatingin sa nakabusangot na si Yesha.
" Pfft. Hindi ka na nasanay Babe. Kailan ka ba nanalo diyan?" Tukso lalo ni Simon dito.
Nakita ko ang pagngiti nito sa akin. At pagbati. Tinanguan ko lang ito.
Lalo akong napangisi sa tinuran ni Simon. Ngayon nakatingin na si Yesha sa akin. Nakita nito ang ngisi ko kaya lalong bumusangot.
" Wala pa. Tsk." Tugon na lang nito.
" O? Huwag ka nang bumusangot akala ko ba magtatampo ka kapag wala ang brides maid mo. Nandito na siya tapos sisimangutan mo lang." Simon.
Napangiti na lamang ako.
" Oo nga. Parang ayaw naman nito. Sige Simon kailangan ko yatang magpa book ng ticket ulit. Uuwi na lamang ako." Sabi ko sa kanila. Kunwari lang naman yun. Tinutukso ko lang si Yesha.
Maagap naman itong umalis sa dibdi ng fiance at hinawakan ang bag ko.
" Subukan mo. Tsk. Hindi matutuloy ang kasal ko kung walang brides maid." Sabi nito.
" Ikaw na. Ikaw na yung may forever." Sabi ko dito. Napangiti na lang ang dalawa. Magkahawak kamay ang mga to. Katabi ako ni Yesha. Habang yung gamit ko. Tinulungan ako ng isa sa mga staff. Madami kasi. Naka sunod ito sa amin habang tulak tulak ang ma bagahe ko.
Narating namin ang kotse ni Simon. Agad na nilagay ang mga gamit ko.
Nalaman kong bumili sila ng isang rest house. Pagdating nun hindi ko maiwasang humanga. Ang ganda ng lugar.
Naisipan ng dalawa na beach wedding ang gagawin. Well sa susunod may magaganap ding church wedding. Sa ngayon beach wedding na muna.
Inalok ko ito ng pwedeng maitulong. Ang sabi ng lokang loka kong friend yung presence ko lang daw kapag kinasal siya. Malaki na yung ruling. Walanhiyang babae.
Nagawang ma iakyat ang mga dala kong gamit. Malaki ang rest house. Kaya kailangan din ng maninilbihan dun.
Nang tanungin ko kung paano at kailan binili ng mga to ang rest house. Nagtulong tulong silang dalawa para mabili to. Hindi ko maiwasang mapahanga sa dalawa.
" Ok na ba to sayo Inori?" Napatingin ako kay Simon ng magawa nila akong mahatid sa kwarto.
Agad kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Maganda yung silid.
" Yeah. Alam na alam talaga ng kaibigan ko ang gusto ko." Nakangiting sabi ko at nakatingin kay Yesha.
" Ako pa." Mayabang saad naman ni Yesha.
" Naku Babe baka kailangan na maging iwan na muna si Inori. Kakarating lang niyan. Mahaba haba yung byahe. Kaya kailangan nitong magpahinga." Simon
" Gustong gusto kung makipag-usap sayo Boss. Pero tama si Simon. You need to take your rest." Sabi nito.
Tumango na lang ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
" I thin I need to." Na sabi ko na lang.
Nagpaalam ang dalawa.
Kaya nagbihis na muna ako at humiga sa kama.
Nakakapagod.
BINABASA MO ANG
Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )
RomanceWalking down the aisle is one of my dreams. Nakasuot ng pinamagandang damit sa buong mundo habang slow motion na binabagtas ang daan papunta sa harap ng pari. Habang naghihintay ang taong magmamahal sa akin ng taos puso. At tatanggapin ako ng buong...