Dedicated to SweetCrazy23
•••••••••••••••••••••
" Ano? Marami ka bang naku nang magagandang view?" Hindi ko maiwasang itanong kay Hunter. Kasama ko ito ngayon.
Naisipan ko kasing maglakad lakad. Tamang tama naman nandoon si Hunter. Sumama na ang Loko. Dahil kukuha daw ng magagandang tanawin dito.
" Yes. Pero sa dinami dami may isa akong nagandahang kuha ko." Sabi nito habang nakatingin sa camera. Tinitignan at sinusuri ang kuha ng camera nito.
" Patingin." Sabi ko at lumapit dito. Nalaman kong magaling to kaya nacucurios ako sa mga kuha niya.
" Hindi ko sasabihin kung saan dito. Ito tignan mo na lang ang mga kuha ko." Sabi niya. Agad ko namang tinanggap.
Wow. Ang gaganda ng kuha ng Loko.
" Ang galing. Ang gaganda." Sabi ko at patuloy na tinignan ang mga kuha nito.
Merong mga tanawin sa ibat ibang anggulo pero ang gaganda pa din ng kuha. Parang halatang profesional ang kumuha.
Meron din isang kuha na kasama ako. Nag eenjoy kasi ako kanina na nagtatampisaw. Bitbit yung tsinelas ko.
Para akong bata dahil sa pinaglalaruan ko yung tubig.
" Ang ganda diba?" Tanong nito. Napatango na lang ako.
" Kung gusto mo ipapasa ko to sayo." Sabi niya.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ko dito.
Tumango tango lang to.
" Sige ba. Ang ganda. Gusto ko ngang gawing wallpaper. Remembrance na run." Sabi ko naman. Ngumiti lang ito.
Napa isip ako.
" Kung gusto mo kunan din kita ng litrato. Hindi nga lang kasing galing mo." Sabi ko dito. Nakakahiya naman kong ako lang. Dapat meron ding remembrance to.
Pumayag naman ito.
Nanlaki ang mata ko ng maghubad ito. Hindi ko inaasahan yun.
" Teka teka anong gagawin mo?" Naghehestyerical natanong ko pero ang Loko tumawa lang. Abat?
Pagtawana ba naman ako.? Sino ba naman ang hindi kakabahn sa weirdong kilos nito.
" Gusto kong magpakuha ng litrato. At dahil summer ngayon. At sa beach ako dapat makibagay ako. Tamang naka suot ako ng summer short. At gusto kong hubad sa taas ng makita yung abs ko. Masaya ba yun?" Sabi nito.
Napa atras ako ng nakangising lumapit to.
" Bakit ano ba yang iniisip mo?" Dagdag pa nito.
" G@go. Wala ah." Depensa ko naman dito.
" Talaga lang ha." Nagawa na nitong matanggal yung suot na T-shirt.
Ang hindi ko inaasahan ang paglapit nito kaya napigil hiningang napatingin ako sa kanya. Abat? Inaasar talaga ako ng lokong to.
" Anong gagawin mo?" Hindi ko maiwasang mautal. Ang Loko ngumisi lang.
" Bakit ka nauutal.?" Tanong ko dito.
" Paki mo naman." Sabi ko.
" Asuus. Tinatablan ka yata ng abs ko." Mayabang na sabi nito.
And speaking of abs. Agad kong tinignan to.
Oh my God. May ipamamalaki din naman ang mokong na to kaya pala nagkakandarapa ang mga kababaihan at pati na din ang kabaklaan dahil sa katawan ng Loko.
" Eyes up here baby." Nanunuksong sabi pa nito.
Umiiwas ako ng tingin at Pilit na tinatago ang hiya. Namumula din ako. Pero tinago ko yun. Baka ano pa ang isipin ng baliw na to.
Napasinghap ako ng lumapit ang Loko.
" Pwede mong hawakan kong gusto mo." Lalo akong namula at tinulak ito.
Imbis na magalit ang Loko Loko ayon pinagtatawanan ako. Ang lakas ng trip nito.
" Walanghiya ka Hunter. Huwag ka ngang malandi. Baka anong magawa ko sa tulad mo. Daig mo pa ang babae. Tsk." Sabi ko dito.
Inis na inis na ako dito habang siya ayon enjoy na enjoy akong I bully. Nakakainis. Well hindi man katagalan ang pagsasama namin nito. Pero alam kong maging malapit na kami sa isa't isa.
And I treat Hunter as one of my friend.May papadyak padyak pa ako. Eh sa naiinis na talaga ako. Tawang lang naman ang ginawa nito.
Lumapit ako dito at binigay yung camera. Binalik ko sa kanya.
" Kunan mo ang sarili mo t@rantado ka." Sabi ko at naglakad palayo sa kanya.
May pa sipa sipa pa ako sa buhangin na nalalaman. Kawawang buhangin. Nadamay sa inis ko sa lokong yun.
Nariring ko pa din ang tawa ng Loko. Bahala siya sa buhay niya.
Akala ko tantanan ako nito.
Pero nagawa akong maabutan ng Loko. Pinigilan ako nito." Sorry na." Sabi nito. Hindi nawala ang ngiti nito sa mukha.
Gwapo sana pero naiinis pa din ako sa ginawa nito kanina.
" Ang pikon mo talaga." Siya at piningot yung ilong ko.
" Tsk. Hindi ako pikon. Bully ka lang talaga." Sabi ko dito. At kunwaring inis na tinapik ang kamay nito sa iling ko.
" Sorry na." Siya
Nagkatitigan kami.
At Oh oh. Walang malisya to.Remember I treat him as a friend. At isa pa isa siya sa mga kaibigan nito.
" Fine. Akin na yang camera mo. Baka iiyak ka pa ng hindi ka kunan." Sabi ko dito. Napangiti na lang siya.
Marami rami ding shot ang ginawa ko sa kanya. Sa ginawa namin marami akong natutunan. Dahil habang kinukunan ko siya ng litrato. Tinuturuan at binibigyan ako nito ng mga advice na lalong gumanda ang kuha ko.
Masaya ako dahil baka magamit ko din yun. Hindi man professional at least may alam. Hahahaha. And thanks to him.
Sabay kaming umalis kaya sabay din kaming umuwi. At ang Lolo nyo hindi man lang isinuot yung pangtaas na damit. Walanhiya.
Naasiwa pa naman ako. Kaya lang hindi ko yun pinahalata. Baka lalong lumaki ang ulo nito.
" Oh nandiyan na pala kayo." Bungad ni Yesha.
Tumango lang ako dito.
Ngayon ko lang napansin na kami lang yung wala dito.
Maya maya'y napansin nilang nakahubad si Hunter.
" Anong ginawa mo sa kaibigan namin Inori? Ni rape mo?" Si Leon. Kunwaring gulat na gulat.
" Baliw.!? Sa mukhang to pag-iisipan nyong rapin ang baliw na lalaking yan.? At bakit nagkabaliktad? Ako dapat ang matakot dahil wala akong panama sa lalaking to kung may gawin man siya." Sabi ko naman.
" Sabagay may point ka. Parang halimaw pa naman yan lalo na sa kama." Wika ni Leon.
" G@go huwag mo nga akong gawan ng kwento." Sikmat naman sa kanya ni Hunter.
Na ikinatawa lang ng mga kaibigan nito. Napa iling iling na lang ako. Namataan kong tahimik yung isa hindi ko na lang pinansin yun.
BINABASA MO ANG
Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )
RomanceWalking down the aisle is one of my dreams. Nakasuot ng pinamagandang damit sa buong mundo habang slow motion na binabagtas ang daan papunta sa harap ng pari. Habang naghihintay ang taong magmamahal sa akin ng taos puso. At tatanggapin ako ng buong...