19

37 4 0
                                    

Inori's POV

" Blooming si ateng oh."

Hindi ko na lang pinansin ang loka loka kong kaibigan.

" Naku? Hindi man lang namansin. Tsk. Ganyan talaga kapag may love life na. Hindi na magawang alalahanin ang naiwang kaibigan." Parinig pa nito.

Nagtaas ako ng kilay at hinarap ito.

" Anong drama naman yan Loka?" Ako.

Napaismid naman ito. Hindi sa tinanong ko. Kung hindi sa Loka.

" Tsk. Forget it." Siya at hindi na namansin.

Tinuon ko naman ang pansin sa nakapatong na mga dokumento.

Sumasakit na ang ulo ko. Sa dami ba namang kailangang gawin.

Napahilot na lang ako dito. Pero natigilan ako ng makaramdam ng kamay.

Hinawakan ko yun at nilingon ito.

Yun. Tumambad sa akin ang loka loka kong kaibigan.

" Masyado kang nagbabad sa trabaho mo Bossy. Yan tuloy sumasakit ang ulo. Pero huwag kang mag-alala. Nandito ako. Babawasan natin yang pananakit ng ulo mo." Sabi nito at nagsmirk pa.

Wala naman akong nagawa kundi ang ngumiti.

Minabuting minasahd nito ang ulo ko.

Hindi ko naman nagawang magreklamo dahil may tinatago din palang galing ang lokang to.

" Thanks." Ako.

" Asuus. Oo na. Pasalamat ka at mahal ka ng lokang to." Yesha.

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kahit minsan ang ibaang turing ko dito. Yesha is Yesha.

Iba talaga kapag nahanap mo ang totoong kaibigan mo. Sa hirap o Saya. Nandiyan siya palagi. Kasabay mo sa mga hapon na dapat mong harapin.

Malaki ang pasasalamat ko sa maykapal dahip binigay nito ang loka loka kung kaibigan. Kahit na ganyan yan. Mahalaga rin naman siya sa akin.

" Sige na. Umidlip ka na muna. Ako na ang bahala dito." Sabi nito.

Tumango naman ako. At nagpunta sa malaking sofa dito din sa opisina ko.

Umupo ako dun. At naramdaman kong may inilapag ito sa sofa ng isang unan.

" Dali na. Nang maka beauty sleep ka." Tukso nito.

Napa iling iling  na lang ako.

" Paano ka.? Alam kong pagod ka din. Sa dami ba naman nating ginawa." Ako.

" Asuus. Ayon oh. Doon na lamang ako. Magagawa ko pa namang pagtiyagaan yun." Yesha.

Seryoso naman akong napatingin dito. Tsk. Alam kong mahihirapan ang lokang to.

May kinuha na muna ako sa bag at may ibinigay dito.

" Ano to?" Nagtataka itong napatingin sa akin.

Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon