42

60 5 3
                                    

Hindi ko maiwasang maging masaya ng malaman kay Yesha na nagkausap na sila ni Simon at ang Good news

Nagkaayos na ang dalawa.

At halatang masaya ang loka loka ng i-kwento nito.

Well I'm happy for them. At isa pa deserve nila ang kasiyahan na yun.

Ngayon Yesha is excused. Ano pa nga ba?

May date lang naman sila ni Simon. Hindi naman ako umangal. Ayaw kong putulin ang pagiging masaya ng loka loka kong friend.

At syempre naiwan akong mag-isa. Alangan naman sumama ako kina Yesha. Edi nasira yung date ng dalawa. At dahil wala naman masyadong gagawin sa kompanya. Naisipan kung magliw-aliw.

Agad akong nagtungo sa parking lot. At hinanap ang sasakyan.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maisip ang pupuntahan ko.

Hanggang sa nakarating ako dun. Naisipan kung kunin sa likuran ang isang paper bag.

Nang makita ang laman. Ano pa nga ba?

It is my pen and notes. Agad na nakaagaw ng pansin sa akin ang nakalagay sa dalawang bagay.

May Initial ng pangalan ko.

IM.

Agad akong nag-ayos at nasa isipan kong ipark sa maayos na lugar ang kotse ko. Hanggang sa tinunton ko ang lugar na isa sa mga comfort place ko.

Nang marating ang lugar na yun. Kahit na ilang ulit ko nang nakikita at nasisilayan ang lugar. Hindi ko pa din maiwasang humanga sa lugar na yun.

Umupo ako sa lilim ng isang puno. Maganda ang paligid. Kaya ng maramdaman ko ang pagsalubong ng hangin. Napapikit na lamang ako. At dinama ang paghaplos nito sa pisngi ko.

Dahan dahan akong nagmulat ng mata. Tumambad sa akin ang napakagandang tanawin. Kaya hindi ko maiwasang mapangiti at mainspired.

Inilabas ko ang isang tela at nilapag ito sa sahig para gawing upuan. Nang maayos na ang lahat. Inilabas ko ang mga bagay na kasa-kasama noon pa maliban kay Yesha.

Napasandig ako sa puno at nagsimulang magsulat ng kakaibang kwento.

Gusto ko sanang lumikha ng bagong kwentong papatok sa mga tao. Kaya lang hindi maalis sa isip ko ang sinulat kong kwento. Yung sarili kung kwento na akala ko katulad din sa mga naisusulat ko na magiging masaya sa huli.

Nagkamali yata ako. Napangiti ako ng mapait.

Kahit kaya kong itago sa iba na okay na ako. Sa sarili ko kahit pilitin ko. Alam kong hindi ako okay.

Napatingin ako sa dala kong bag.

Agad kong inabot yun at naghalukay. Nagulat ako ng makita yung kwentong iniisip ko lang kanina.

Beking Pumapag-ibig

Yan ang nakalagay na title sa librong hawak ko ngayon.

Agad kong iniscan ang laman. Kaya lalo akong napangiti ng mapait.

Napagdesisyunan kong gawan na lamang ng Book 2 ang kwentong to. And Syempre gusto ko mang maging masaya ang katapusan ng kwento.

Pero hindi pwede. The ending is a sad one.

Kinuha ko ang kwaderno at panulat. At nagsimulang magsulat.

Habang nagsusulat napatigil ako ng pumatak sa kwadernong hawak ko. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

Bakit nangyari to?

Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon