62 : His Side

15 2 0
                                    


The Truth


"Just wait me here. May bibilhin lang ako." Sabi nito na ikinatango ko lang. Ilang linggo bago na isipan ni IM na kontakin ako.

I choose Inori over her. Pero kaibigan ko pa din siya kaya hindi ko tinanggihan ang pag-aya nito na samahan siya mamasyal.

Ngumiti lang ako at tinignan lang ito habang naglalakad papasok sa isang shop.

Napahawak ako sa dibdib. Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit wala akong nararamdaman kay IM. Dahil someone owned my heart.

Napangiti naman ako. Hindi ko idedeny ulit si Inori. Yes IM was my childhood sweetheart. Pero iba pagdating kay Inori. I love her.

Sa malalim na pag-iisip hindi ko namalayan na may nakabangga pala ako.

Dahil siguro sa lakas ko kaya nabuwag ko ito at natapon ang mga dala nito. Agad ko naman tinulungan ang babae.

Nakita ko kasing pinupulot nito ang mga dalang....libro.

Tumulong naman ako dito. Kaya lang natigil ako ng makita ang mga klaseng libro dala nito.

Nakatitig ako sa isang librong hawak ko.

Pamilyar na pamilyar yun sa akin.

Bekeng pumapag-ibig.

Napatingin ako sa iba pa nitong hawak. Nakita ko ang pagkatulala ng babae. Pero hindi ko na muna pinansin yun.

Lahat ng libro alam ko. Dahil iisa lang ang author na yun. It was IM.

" Hi!" Bati ko sa babae at sinauli yung hawak kong libro. Natauhan naman ito.

Agad naman tinanggap ang libro nito.

" By the way I'm sorry earlier. Hindi ko sinasadya." Sabi ko dito. I saw her blushed.

" A-ayos lang. May kasalanan din naman ako." Sabi nito.

" Nawiwili ako sa mga librong to. Kaya hindi ko nakitang may tao pala. Sorry din." She said.

" No worries." Sabi ko naman. Hindi ko maiwasang mapatingin sa ilang librong hawak nito.

" Hindi naman sa nangingialam ha? Pero bakit ang dami mong dalang ganyan?" Tanong ko sa kanya.

Naguluhan man ito sa una kong sinabi pero agad naman itong nakuha makalipas ang dalawang minuto.

" Ah ito ba. Well I love reading books. Lalo na kung yung Lodi kung manunulat ang may gawa." Masayang sabi nito.

" So sinabi mong Idol mo si IM na isang sikat na manunulat?" Tanong ko ulit.

Natigilan to.

" Paano mo nalaman?" Siya. At nakita ko sa mukha nito ang kaba.

" Hey Don't worry Miss. Mali ang na isip mo. I'm not stalker okay. Alam ko lang na si IM yung Lodi mo dahil sa mga hawak mo." Ako.

" Hindi man maniwala. Pero isa din akong masugid na fan ni IM." At isa na din sa Close friends nito. Sabi ko sa kanya.

Nawala naman ang kaba sa mukha nito.

" Ganoon ba. Sorry." Sabi nito.

" Alam mo I really love how IM create her story. Ang galing niya." Sabi ko.

Umaliwalas ang mukha nito.

" Sinabi mo pa. Kaya nga I really I idolize her." Segunda naman nito.

Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon