41

37 3 0
                                    

Inori's POV

" Are you okay?" Nag-alalang tanong ni Simon. Sa tabi ko si Yesha tahimik lang din pero alam kung nag-alala din to.

Hinarap kung ngumiti ang mga to.

" The truth is I'm not. But someday I will." Sabi ko naman dito.

Ngumiti naman ang mga to.

Ano ba ang nangyari?

Flashback...

" Oh ano na? Pumili na kayo ng kakainin. Treat ko kaya." Nakangising saad ni Simon.

" Asuuuus. Yan ka na naman sa treat treat mong yan Simon. Baka mamulubi ka niyan." Pangloloko ko naman.

" Oo nga Simon. Iniispoil mo naman kami." Dagdag naman ni Yesha.

" Hahaha. Basta kayo kahit na mamulubi nandiyan naman kayo."  Simon.

Napa iling iling na lang kami ni Yesha.

Umupo na kami sa napiling pwesto. Agad ding nagtawag si Simon ng waiter.

Lumapit ito at may ibinigay na menu sa aming tatlo.

Nakangising napatingin sa amin si Simon.

" Mag order na kayo."  Simon.

Wala namang kaming nagawa kundi sundin ang kolokoy.

Pero sa gitna ng pag oorder. Hindi namin inaasahan ang dalawang taong makikita namin.

Okay na sana nang nahagip lang ng mata ko. Tsk. Pero plano yata ng bruhildang paselosin ako. Tsk.

Paano ba naman? Lumapit pa sa mesa namin.

" Hi!" Bati naman ng bruhilda ng makalapit ang mga to sa gawi namin.

Nagkatagpo ang aming mata ng kasama nito pero binalewala ko na lang yun.

Nag-alalang napatingin naman sina Yesha at Simon sa akin.

At para hindi naman mag-alala ang mga to. Binigyan ko ito ng isang ngiti. Na ayos lang ako.

" Hi?"  Nag-alangan na pabalik na bati ni Simon. Agad naman itong tumango bilang bati kay Mason.

Tumango na lang din si Mason bilang pabalik na bati kay Simon.

" Your here pala. Hindi ko alam. Dito din kasi naming naisipan ni Babe na mag date." Saad ng bruhilda.

Ang sarap tirisin nito. Tsk. Huwag kang paapekto Inori.

Kaya ang ginawa ko naghanap ng masasarap na pagkain sa menu. Mabuti na yung pagtuunan ng pansin yung pagkain.

" Yeah. Na isipan kong e treat sila." Si Simon lang yung kumakausap dito. Tsk. Ano siya FC lang ang peg kapag na kami yung kinausap niya.

Naramdaman kung may sumundot sa akin. Napabaling ang tingin ko kay Yesha.

Akala ko tutuksuhin ako ng lokong to. Hindi pala. Palihim na muna nitong simaan ng tingin ang bruhilda.

Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon