48

46 2 1
                                    


" Here" Nag-angat ako ng tingin ng may sumulpot na barbeque sa harap ko.

" Thanks but No need that. Meron na ako." Binigyan kasi ako ni Yesha kani-kanina.

Nasa labas ako ng rest house. Mabuti na lang may isang cottage kaya doon ko na lang naisipang gawin ang trabaho ko.

Napagdesisyunan nina Yesha ng mag barbeque sa labas. At mag swimming. Wala naman ako sa mood kaya naisipan ko na lang magtambay sa cottage. Naintindihan naman ako ni Yesha dahil imbis na sumama ako inuna ko pa yung trabaho. Kaharap ko ang laptop at nagtitipa.

Kitang kita ko silang nag-eenjoy sa pagpapaligo. Ewan ko na lang sa lalaking to bakit pumunta pa siya dito. Halatang lumusong na din to sa tubig dahil nakita kong basa pa ito.

" Ah. Ganoon ba. Sige." Sabi nito at siya na lang kumain.

Akala ko aalis na ito ang hindi ko inaasahan yung nanatili ito dito at nararamdaman ko ang mga titig nito.

Ano naman ang ginagawa ng lokong to?

Kahit na gusto kong singhalan ito sa ginagawa. Mas pinili kong tumahimik at magpokus sa ginagawa ko.

Awkward sa sitwasyon ko dahil may halong spg yung ginagawa kong kwento. F@ck. Bago naman po ito. At excited kong I-publish.

" Ay Kiss." Gulat na sabi ko ng matantong binabasa na pala ng Loko ang sinusulat ko. Nasa gilid ko ito.

Dali dali kong sinara yung laptop.

" Ano ba? Huwag ka ngang manggulat." May inis na sabi ko.

" Sorry." Sabi nito at lumayo na muna. Mabuti at baka anong magawa ko pa sa kanya.

" Hindi ka ba babalik dun?" Bastos man. Hindi ko na iwasang maibulalas yun.

" Mamaya na." Siya at nag-iwas ng tingin.

Hindi ko na lang pinansin to. Hanggang lumipas ang oras. Naisipan din ng lokong umalis. Mabuti at nagawa kong ibalik ang pokus ko sa paggawa ng kwento.

" Wow. Hindi ko akalain na ganyan ka galing magsulat." Kagaya kanina. Hindi ko namalayang may asungot na dumating.

Si Hunter.

" Pwede ba. Umalis alis ka nga. Ginugulo nyo ang trabaho ko." Sabi ko dito.

" Ang sakit nun ha. Bakit ba puro tranaho yang ginagawa mo. Kung sumama ka kaya sa amin maligo dun. Mag eenjoy ka." Sabi nito.

" Tsk. Wala ako sa mood." Na sabi ko na lang. At pinagpatuloy ang ginagawa.

" Ang ganda siguro basahin ang mga gawa mo." Sabi ng loko.

" Ewan ko sayo." Ako at mabilis na nagtitipa.

" Bumalik ka na nga dun." Sabi ko pa.

" Pinapaalis muna ako. Kararating ko lang ah." Sabi naman nito.

" Tsk. Kahit na. Busy ako." Sabi ko ng hindi man lang tumitingin dito.

" Hindi ako aalis kung hindi ka maliligo." Sabi nito.

Napatingin ako dito.

" You heard me. Wala ako sa mood ang maligo." Sabi ko dito at bumalik s ginagawa.

" Kahit na baka magbago ang isip mo." Sabi nito.

" No. Hindi na talaga." Tumigil ako sa pagtitipa at hinarap to.

" Talagang talaga?" Tanong nito. Tumango ako.

" Kahit na may gawin ako.?" Dagdag nito.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.

Alam kong may naiisip na kalokohan ang lokong to. Hindi siya si Hunter kung wala siyang gagawin.

" Ano naman?" Tanong ko dito.

" Iisipin kong naasiwa ka sa katawan kong may abs." Nakangising sabi nito.

" Loko sino namang naasiwa. Eh parang wala yan sa pandesal nang kilala ko." May pagmamalaking sabi ko.

" Kanina? Kay Mason ba?"

Nanlaki ang Mata sa sinabi ko.

" Hindi kaya." Depensa ko naman ng hindi makatingin sa kanya.

" Kay Leon? Kay Damom o kay Simon.?" Siya.

" T@rantado. Wala sa kanila. Lalong lalo kay Simon. Loko may fiance na yun baka sabunutan pa ako ng magaling kong kaibigan dahil sa selos." Sabi ko naman.

Tumawa lang ang loko sa sinabi ko.

" Eh Sino naman kaya?" Natanong nito.

" Wala ka na dun." Na sabi ko na lang.

" Asuus. Gumagawa ka lang ng kwento eh. Sabagay writer ka nga. Pero baka ako talaga ang tinutukoy mo." Sabi nito at lumapit sa akin. Lumayo naman ako.

" Oh bakit ka lumalayo?" Nakangising sabi nito.

" Kahit na sabihin mong hindi ka naasiwa. Yung kilos mo ang nagsasabi ng totoo. Sabi nga nila action speak louder than words." Sabi nito.

" Hindi ah. Lumalayo lang ako dahil baka mabasa ako. Kung ano ano naman sa isip mo." Paliwanag ko naman.

" Look nagtatrabaho ako at mahirap na at baka mabasa pa." Dagdag ko pa.

" Tignan natin. Kung hindi ka pumayag na makipag swimming kasama namin. Naasiwa ka. But if you accept my offer. Meaning walang binatbat ang abs ko sayo. Deal?" Lokong sabi nito at lalong lumapit. Kaya umisod naman ako. Pero ang g@go lalong lumapit sa akin.

" Tsk. Hindi ako papatol sa offer mo." Mailing turan ko dito.

" Why not? Eh ang ganda kaya ng offer ko na yun." Sabi nito.

" Tsk. Umalis ka na lang Loko. Wala kang mapapala sa akin." Sabi ko dito.

" Na uh. Hindi ako alis dito kong hindi ka papayag." Sabi niya.

Hindi ko na pinansin ang Loko. Pero napahampas na lang ako ng noo ng tinotoo talaga nito ang sinabi.

Mga ilang oras na pero and ito pa rin. Okay lang sana ng tahimik to pero ang Loko. Nagmukhang masugid na fans. Dahil binabasa nito.

Ang problema dahil ang lakas lakas a nun. Hindi to patigil sa pagkomento kaya nawawala ako sa pokus.

Gusto ko na sang sapukin to. Pasalamat siya at nagtitimpi na lamang ako.

Tsk.

Napuno ako at malditang hinarap to. Paano ba naman? Naka akbay na ang kamay nito sa inuupuan ko ah.

Abat? Chansing ang Loko.

" F@cking remove it or your going to face sequences." Nagbabantang sabi ko.

" Sabi ko naman kasi sayo. Accept my offer. Mag-eenjoy ka at hindi kita guguluhin." Sabi nito.

Napabalik ang tingin kila Yesha.

" Ang sarap ng dagat. Pero hindi mo man lang pinapansin at isa pa hindi work ang pinunta mo dito. Plinano ito ng kaibigan mo. Why not waste it. Alam namin na gusto ka ding makasama yan.." Sabi pa nito.

Napa isip ako. I came here not for my work but because of Yesha.

Bakit ko nga ba sinasayang ang oras na makasama ang kaibigan ko.

Isipin mo Inori. Once na maikasal Yang kaibigan mo. May mag-iiba na. Hindi na single si Yesha. But a married Yesha. At alam mong hindi lang ikaw ang kailangan nito sa buhay pati na din si Simon.

Baka ito na yung huli mong makakasama yang kaibigan mo.

Napa buntunghininga ako.

Napaligpit ako ng wala sa oras.

" Fine. Maliligo na ako. I just need to bring my things in my room. Just wait me here. At magpapalit ako." Sabi ko dito. Nakangisi naman ang Loko. Dahil nagawa nitong papayagin ang tulad ko.

Beke Noon Adan na Ngayon ( Love Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon