Day 3

1.3K 36 2
                                    

                    RYIANELLA POV

Biglang bumukas yung ilaw at may nakita akong lalaki na walang suot na damit pang-taas. Napatakip naman agad ako ng mata ko.

Huhuhu. Ang bad! Yung mata ko! Waaah! Anong akala niya sa akin? Ha? Malaki na kaya kami.

"Shit! Why are you here in my room?" Mura niyang sabi

"Nagmumura ka ba? Ha? Tumigil ka sa pag-mura mura mo diyan.! Atsaka--ma-magdamit ka!" Sabi ko sa kaniya ngunit kumunot lang ang noo niya.

Katakot naman. Nakakatakot talaga siya. Wag mo ako titigan ng ganyan! Iiyak ako sige ka.

"Shut up! Why are you here in my room? Answer me kung ayaw mo barilin kita!" Galit niyang sabi.

Pinuno? Nakakatakot po talaga siya. Kahit Guardian niya ako at sabay kaming lumaki nagiging nakakatakot na siya. Hindi ko na siya kilala. Nasaan na yung Xyion nong 5 years old kami parehas. He changed simula nong nangyari sa magulang niya. And my mission is, ibabalik ko ang dating siya.

"E-eh kasi ganito yun, nagising ako na nasa tabi ng--" putol kong sabi dahil nagsalita siya, ay mali sinigawan ako.

"So ikaw yung babae na nasa gilid ng daan.?!" Sigaw niyang tanong at napapikit ang isa kong mata dahil sa sigaw niya. Sakit sa tenga.

"Oo. Patapusin mo muna ako" sabi ko sa kaniya. Nakatayo ako dito samantalang siya nasa malawak niyang kama. Nakatakip na ang kumot sa buong katawan niya. Buti naman. Yung innocent eyes ko kasi. Kawawa sila.

"Dinilaan ako ng asong t--" putol ko na namang sabi dahil sumingit na naman siya.

"That's not a dog" sabi niya

"Ha? Aso to"

"Pusa yan!"

"Aso to. T-tumahimik ka muna" sabi ko. Ang talim ng tingin niya. Sigurado ako na patay na ako sa mga titig niya.

"Ayun nga nagising ako dahil sa ASONG to. Naglakad ako sa madilim na daan ng may tatlong lalaki na humarang sa daan ko. Sinabihan pa akong white lady.  Pagkatapos, hinigit niya kamay ko dahil sasama daw ako sa kanila pero sumigaw ako at humingi ng tulong ng nakapikit, pagbuka ng mga mata ko nandito na ako nakatayo sa harapan mo. TA DA!.."

"..hiningal ako don ah."

"Tss! Get out!" Sabi niya sabay turo sa pinto.

"Ano yung GET OUT? Hehe" tanong ko sa kaniya.

Eh kasi naman hindi ko siya maintindihan, yung lengwahe na ginagamit niya. Naririnig ko ito sa kaniya noon, ganito siya magsalita nong bata pa kami. Nong anghel ako hindi ko naman siya naiintindihan. Binabantayan ko lang siya at pinagmamasdan. Ngayon na tao na ako at nakikita na niya ako, kinakausap pa talaga kaya heto ako ngayon, dugo ang ilong ko.

Ang mga guardian na tulad namin ay yung alaga lang ang nakikita namin. Hindi ko nakikita ang nasa paligid niya. Tanging siya lang. Kaya nakakasawa na yung mukha niya. Yung mga sinasabi niya ay di ko naiintindihan kung minsan. Kapag nasa taas naman kami, sa kaniya parin ako nakabantay. Ngayon na tao na ako, kailangan kong malaman ang mga bagay bagay para hindi ako ignorante sa paningin niya. Kawawa naman ako pagganon.

"Seriously?" Seryoso niyang sabi

*tango*

"Hindi ka nakakaintindi ng english?" Tanong niya ulit habang hinihilot ang noo niya.

"Hindi masyado. Kaunti lang ang alam ko. Wala naman akong paki kung ano ang mga sinasabi mo noon, yung sa akin ay yung bantayan ka. Paki ko ba sa English na iyan." Sabi ko.

"Bantayan ako?"

"Oo, guardian mo ako.."

"..isa akong angel. Guardian Angel. Kuha mo?"  Tanong ko sa kaniya at tinapunan niya lang ako ng unan.

"Get out! Out!".inis niyang sabi sabay bato ng mga unan sa akin.

"Oo na!" Sigaw ko rin ngunit napahinto ako.

"Xyion?" Tawag ko

"Fuck! How do you know my name? Ha?"

"Sabi ko sayo Guardian Angel mo ak--" putol kong sabi ng biglang may kinuha siyang baril sa anumang tawag don at kinasa ito. Napalunok naman ako ng malaki.

"If you don't want to leave then-- I'll kill you" sabi niya ng seryoso

Hindi ka dapat ganyan, Xyion. Hindi ito ikaw. Please.

Isang Xyion na binabantayan ko noon, ay palangiti, palaging nakatawa. Masayahin sa buhay. Puno ng positibo, malapit sa mga tao, hindi ganito Xyion. Iba ka na talaga. Naging masama ka na. At hindi ko hahayaan na tuluyan ka ng lamunin ng galit mo. Hindi ako papayag na tuluyan ka ng maging masama.

"A-alis na ako"  ngiti kong sabi sa kaniya at itinaas sa ere ang kamay.

Paglabas ko sa kwarto niya ay napabuntong-hininga agad ako ng malalim.

Ang dilim na naman! Bakit patay na ang mga ilaw sa bahay na to? Wala atang pangbayad ng kuryente eh.!

Nakaupo lang ako sa sahig at isinandal ang likod sa pinto ng kwarto niya.

Teka! Bumibigat yung mata ko. Wala naman itong dala na mabigat eh! Anong nangyayari sa mata ko?

Yumuko nalang ako at isinubsub ang mukha ko sa tuhod ko.

*******

Waaaah! Natulog ako? As in? Hindi kaya natutulog ang isang tulad kong Angel. Ay wait! Tanga! Tanga! Tanga! Tao na pala ako ngayon.

Tumayo na ako at muntik pa akong matumba dahil sa anumang tumutusok-tusok binti ko.

"Aish!"

Tumayo na ako ng mabuti. Nilibot ko ang paningin ko. Buti naman hindi na madilim. Umaga na pala.

Humarap ako sa pinto ng silid niya. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng silid niya at pumasok. Malawak itong silid niya. At ang ganda rin ah. Kulay puti, abo at itim ang kadalasang kulay na nakikita rito.

Pumunta ako sa sofa at umupo sabay talon-talon kahit nakaupo. May magasin rin rito. Nang binuklat ko to nakita ko ang lalaki na walang anumang suot kundi yung maliit lang na tela na nasa baba ng lalaking to.

"Aaaaahh!".sigaw ko at tinapon yung magasin.

Yung mata ko. Bakit nakahubad yun? Bakit?!

"What the hell you're still doing in my house!".sigaw niya. Ang gulo ng buhok niya. Nagising ko ata. Patay ka na naman, Ryianella.

"Ha? Ah- amf- ehee. K-kasi diba s-sabi ko sayo Guardian Angel mo ako?"

"So what do you think?! I'll believe in your nonsense things you said? Ha? Tell me? Are you one of my girls? Or a stalker?" Tanong niya at tumayo na. Bigla naman napunta yung mata ko sa baba. Dahil sa gulat napatakip naman ako sa mga mata ko.

"What?!"

"May b-bukol ka sa baba. Napano yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Fuck! You wait here!" Mura niyang sabi.

Nagmura na naman. Kainis ang lalaking to. Haist!

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon