Day 8

1.1K 37 2
                                    

XYION POV

Pagkatapos kong kunin ang mga damit ay nagmaneho na ako pabalik. Mahirap na baka anong katangahan at ka-ignorantihan ang gagawin ng babaeng yun.

Nasa Public Bath na ako. Pagpasok ko nakaharap ko agad ang isang babae na nasa front desk.

"Miss? Kay Ryianella. Okay na ba?"

"Ikaw po ba yung tumawag?"

"Yes"

"Okay na po sir. Binayaran niya nga lahat ng nasa Room-SC." Sabi ng babaeng to na nakangiti, ngumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Anong sabi niya?. Siya nagbayad sa lahat?! Gamit ang credit card ko? Ano na naman bang ginawa ng babeng yun!

"Okay salamat" sabi ko at naglakad na dito sa hallway at hinanap ang Room-SC.

Maya-maya lang ay nakita ko na ang silid. Pumasok na ako at lahat sila nakatitig sa akin.

Nakapalibot silang lahat na pabilog at sa gitna ay si Ryianella.

"Nandiyan na po kasama ko. Nagagalak ko po kayong lahat na makilala." Sayang sabi niya at nakatayo lang ako rito sa may pinto.

"Boyfriend mo ba iyon, hija?"

"Ang gwapo ah! Bagay kayong dalawa."

"B-boyfriend? A-ano po yon?" Tanong niya sa lahat at pinagtawanan naman siya ng lahat.

"Kanina ka pa nagpapatawa sa amin hija."

"Ryianella?" Hinahon kong tawag sa kaniya at kumaway naman siya don bago lumapit sa akin.

Naglakad na siya papalapit sa akin.
Mukha na siyang tao ngayon. Malinis na siya. Nakalugay ang straight niyang buhok. Maputi ang balat di katulad kanina kulay itim, matangos din ang ilong at singkit na mga mata at ang labi niya mapupula. Napaka-bait ng mukha niya kung titignan mo. Yung ngiti niya na nakakahawa. Aish!

What the heck! Did I just describe her?! Well, ginawa ko yun para malaman niyo kung ano itsura niya. Mukha siyang angel. Pero anghel naman talaga daw siya, at di lang basta angel, guardian ko pa. Mahirap talagang paniwalaan eh. Sino bang may matinong isip na maniwala sa kaniya.?

"Bakit Xyion?" Tanong niya.

"Magbihis ka na. Gumagabi na o!" Seryoso kong sabi

"Di ba to pwede? Ang ganda kaya?" Tanong niya sa akin sabay turo ng damit na suot niya ngayon. Isang bath robe.--»___«--

"Hindi yan pwede. Pagmamay-ari yan dito! Magbihis ka na nga.! Hihintayin kita sa labas ng silid na ito. Bilis" sabi ko sa kaniya sabay abot sa kaniya ng paper bag na naglalaman ng damit niya.

Lumabas na ako at hinintay siya. Mga ilang minutos ang nakalipas ay lumabas na siya. Naka suot siya ng isang dress na hanggang tuhod at floral ang design. Pinarisan niya ng isang brown flat sandals at yung buhok niya na hanggang beywang ay nakalugay.

"Tinatarantado mo ba ako.? Ganon ka ba talaga ka-ignorante? Baliktad yung pagkakasuot mo ng sandals mo. Para kang bata!" Inis kong sabi sa kaniya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon