Day 23

1K 34 2
                                    

                  RYIANELLA POV

Grabe ang araw na ito. Pinasok ako ni Xyion sa tinatawag nilang paaralan. Ang galing nga dahil makapag-aaral na ako. Sa langit non iba naman yung pag-aaral namin, ang paglipad. Hehe.

Hindi ko rin maiwasan na di mapatitig sa kaniya lalo non lumalapit ang mukha niya sa akin. Kasalanan ko ba na mali-mali ang pagsuot ko sa uniporme nila.

Flashback..

Paglabas ko sa CR ay wala na si Xyion.  Kanina pa ako naiiyak dahil hindi ko naman kung paano suotin ang mga to.

Paglabas ko ay may mga taong nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako.

Bakit sila tumatawa?

Naglalakad ako sa mahabang pasilyo na ito, sa paglalakad ko ay dinala lang ako ng sarili ko sa isang silid na kung nasaan si Xyion. Inis siyang tumitig sa akin.

Bakit ba? Ano na naman bang kasanalan ang nagawa ko? Siya nga yang nang-iwan eh. Pasalamat siya binalik ni pinuno ang kapangyarihan ko.

"Miss?.dito ka ba sa klase ko"

"Hindi po Miss ang pangalan ko. Ako po si Ryianella. Nandito po ako dahil kay Xyion" ngiting sabi ko sa kanila ngunit tawa lang sila ng tawa sa akin. Naiiyak na talaga ako ha! Lagi nalang silang tumatawa. Naiiyak ako kasi hindi ko alam kung ano ang pinagtatawanan nila. Para naman tumawa rin ako.

"Nagpapatawa ba yan?"

"Oo nga no! Parang sira! Haha"

"Yung itsura niya nakakatawa"

"Ganiyanin din kaya natin ang uniporme natin? Hahah"

"Like duh! She's so ewan! "

"Grabe! Yung necktie nasa ulo niya tinali, di naka tuck in, unbutton pa ang blazer niya"

"Yeah! ang mas nakakatawa ay yung medyas sa kamay niya sinuot samantalang ang sapatos inipit niya sa gilid ng palda niya. Hahahah"

Sabi ng mga tao na nandito sa loob. Kita ko pa na hawak na hawak nila yung tiyan nila. Pati yung guro nakikitawa na rin. Pinupuna nila ang suot ko.! Tama naman to eh. Huhuhu

Biglang tumahimik ang klase dahil sa pagsigaw ni Xyion

"Shut the fuck up! All of you! Anong nakakatawa? Ha?"

"PAG HINDI KAYO TITIGIL GIGILITAN KO KAYO NG LEEG. YOU DON'T HAVE THE RIGHTS TO LAUGH AT HER OR I'LL KILL ALL OF YOU!"

"Halika na dito!" Sabi niya at dali dali na akong lumapit. Mahirap na baka sigawan din ako nito. Nakakatakot talaga tong alaga ko. Hays.

Pagkaupo ko sa kaniya at agad niya akong tinitigan sa mata at ginulo ang buhok ko. Para naman nagkagulo rin ang tiyan ko. Gutom na ata ako.

End of Flashback...

Pagkatapos non ay pumunta kami sa silid sa taas at don inayos niya yung itsura ko. Sinigawan niya pa nga ako dahil bakit daw ako maghuhubad. Sabi niya kasi eh! Tapos na gagalit. Sabi niya pa "Kung may magsabi sayo na huhubad ka maghuhubad ka rin? " Kitams? Ang gulo ng lalaking to.

******

Iniwan niya ako dito sa kwarto niya. Ayaw niya nga akong lumabas eh. Kaso matigas ang ulo ko kaya lalabas ako.

Nandito kami sa headquarter nila. Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo at bumaba. Nagtago ako sa poste at pinakikinggan ang pinag-uusapan nila.

"May kumontra talaga sa amin, bro. Parang may alam na napasok na namin ang systems ng bawat CCTV dito sa atin at bigla lang nabura yung record kung saan sila namataan." .sabi ni Vince at kita sa mukha ni Xyion ang galit.

"FUCK! THIS IS STUPID!" Galit niyang sigaw at tinapon yung baso niya na may laman na kung ano.

May alam na rin ako kahit papaano dahil mga tutors ko. BWAHAHA. Oh diba? Tutors? Tama ako no? Pero bakit pa pumasok aa isip kong to? Dapat ang iniisip ko ay si Xyion lang dahil galit na naman siya.

"Huminahon ka bro, minalas tayo don pero hindi sa Wankun" sabi ulit ni Vince at hinarap siya ni Xyion, yung tatlo tahimik lang pwera kay Vler, tahimik naman yun lagi.

"What do you mean?"

Ayan na naman! Sinasabi na nga hindi ako masyado nakakaintindi pa! Huhu.

"Piloto si Dad and we owned a famous International Airlines. May record sila sa lahat ng airport kasama na ang bagong airport na Wankun. Malakas ako kay dad kaya pinayagan niya ako ma e check ang Wankun at ang lahat ng nakaregister. Hinack ko na rin ang systems nila don kaya alam ko na kung saan sila pupupunta" nakangiting sabi ni Vince.

"Ayos ka talaga tandang Vince. BWAHAHA" tawang sabi ni Rodjan

"Oo nga. Iba ka talaga. Akala ko bad news ang dala mo. Magagalit talaga ng tuluyan si bossing natin".sabi ni Cerian na may pahawak-hawak pa sa dibdib niya.

Kinabahan ba sila kaya ang tahimik ng dalawa?.sabagay, nakakatakot naman talaga si Xyion lalo na pag nagagalit. Nawawala kasi siya sa sarili. Parang kaya ka niyang patayin sa isang iglap lang. Iba na talaga siya.

"Then?" Sabi niya sabay sindi ng sigarilyo.

Noon pa siya nagsisigarilyo. Pati ba naman ngayon ay nagsisigarilyo parin? Ang tigas ng ulo niya.

"Base sa nakaregister sa kanila ay papunta sila sa, Gorgia, Senmori, Belborn, at Dapins" sabi ni Vince.

Parang di maganda to. Naku naku! Natatakot na ako para kay Xyion.

"Good. Burahin mo ang record nila don. Tanggalin mo ang nakaregister sa kanila para hindi sila makaalis. Aabangan natin sila don." Seryosong sabi ni Xyion

"Huwag kang mag-alala don. Ang mga tauhan na ni Dad ang bahala at mga alalay ko. Babantayan namin sila. " sabi ni Vince

"Ang laki talaga ng tulong mo Vince. Haha" sabi ni Rodjan.

"Sinasabi ko sa inyo, I HAVE MY WAYS. Hahaha" tawang sabi niya sabay inom ng nasa baso niya.

"Naiingit na ako sa ways mo na iyan" sabi ni Cerian at nagtawanan na sila. Si Xyion naman ay papunta sa direksyon ko kaya dali-dali na akong naglaho papunta sa taas.

Agad akong humiga sa kama. At nagtakip ng unan. Nakakatakot kaya. Baka mahuli ako nito putulan pa ako ng ulo.

Narinig ko yung paa niya na papalapit sa kama at umupo. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya kasi nga nakatakip yung unan sa mukha ko.
Hindi niyo lang ako kung gaano ako nanginginig ngayon.

"Hoy!" Sabi niya ng dahil don nagulat ako. Ang tahimik niya kaya tapos biglang nagsalita.

"Bumangon ka diyan! Kunwari ka pa na natutulog! Bangon na kung ayaw mong mabalibag diyan" pagkasabi niya non ay agad akong napabangon at nakangiting nakaharap sa kaniya.

"Huwag mo kong ngitian. Sa susunod na makikinig ka sa may usapan at di sinusunod ang utos ko malilintikan ka talaga sa akin" sabi niya na sobrang seryoso. Wala naman talagang kahit anumang emosyon ang makikita mo sa mukha niya, pwera nalang kung sisigaw siya, nakakunot ang noo ibig sabihin non galit siya o di kaya naiinis. Ang lamig din ng titig niya, minsan parang pinapatay ka na dahil sa sama at talim ng tingin niya sayo.

Nakayuko lang ako habang nakanguso at nilalaro ang mga daliri ko. Tumayo siya bago nagsalita.

"Bumaba ka na para kumain. Nandon sila sa baba"

"Ikaw?"

"Huwag ka ng matanong. Pagkatapos mong kumain magbihis ka. May damit ka diyan sa sofa nakapatong" sabi niya at tumango lang ako. Siya naman pumasok sa banyo. Pagkapasok niya sa banyo ay bumaba na agad ako. Nagugutom narin kasi ako. Hehehe.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon