Day 44

897 29 2
                                    

                      XYION POV

Nagmamaneho ako ulit, samantalang siya ay tahimik lang. Nakatingin lang siya sa harap at ganon din ako. Pareho kaming nasa daan ang  mga mata namin. Nakakailang buntong-hininga na rin siya.

Bakit? Mali ba na sinabi ko kung ano ang nararamdaman ko?. Baka kapag hindi ko nailabas at sinasabi sa kaniya, ikakasabog yun ng puso ko. Maayos na rin naman ang lahat.

Alam ko naman na walang pag-asa tong nararamdaman ko sa kanya. Bakit pa kasi ako nagkagusto sa guardian ko? I'm trying to stop and deny this feelings that I felt for her but its no use. It was like a deadly venom who keeps poisoning my heart and my mind everyday that had passed.

"Kalimutan mo nalang yung sinabi ko kanina" sabi ko sa kaniya, nasa daan parin ang mga mata ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nakatitig sa akin at yumuko.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

                  RYIANELLA'S POV

Masaya ako sa mga nangyayari ngayon kay Xyion. Hindi ko akalain na matatapos na lahat, ang paghihiganti niya. Pero kahit ganon kailangan kong siguraduhin ang lahat bago ako umalis.

Kanina pa ako di mapakali. Nakakailang buntong hininga narin ako. Nalilito at naguguluhan kasi ako sa mga sinasabi niya. Hindi naman kasi pwede pero bakit niya ako minahal.?

Naisipan ko na kausapin si Pinuno sa isipan ko.

"Pinuno? Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin."

"Maayos na po siya, pinuno pero hindi pa talaga buo. Kailangan ko munang siguraduhin ang lahat."

"Pinuno?"

"Kausapin niyo ako"

"Kailangan ko nang tulong niyo"

"Ryianella? Naririnig kita. Sa nakikita ko sa alaga mo ay unti-unti na siyang bumabalik. Malapit ka na makabalik rito. Pwede ka nang umalis kahit hindi aabot ng 100 araw. Pwede ka nang bumalik kahit anong araw basta maayos na talaga ang lahat..."

"....pero Ryianella yang nagpapagulo sa isip mo? May nararamdaman ka ba sa kaniya di bilang alaga mo ngunit bilang isang lalaki? Mahal mo na siya katulad ng nararamdaman niya?"

"H-hindi ko po alam, Pinuno. Naguguluhan nga po ako. Pero pwede ba na ang isang tulad ko ay maging tao?"

"Pinarinig sa akin ang dasal ni Xyion. Siguro sa pagkakataong to hindi na hahayaan ni Boss na maiwan na naman si Xyion dahil mahal ka daw niya. Pero na sayo yan Ryianella kung maging guardian ka o maging isang tao. "

"Hindi ko po alam"

"Kahit anong oras, sabihin mo lang ang gusto mo, si Boss na ang bahala sayo. "

"Siguro po kailangan ko ng oras para mag-isip kong nais ko ba na tuluyang maging tao o mananatiling guardian niya."

"Kalimutan mo nalang yung sinabi ko kanina" Biglang sabi ni Xyion na di man lang ako tinapunan ng tingin. Tinignan ko siya, ang seryoso ng mukha niya. Humarap ulit ako at yumuko.

Mahalaga si Xyion sa akin. Hindi ko lang talaga alam kung parehas ba kami ng nararamdaman, kung mahal ko ba siya. Oo, mahal ko siya bilang alaga ko. Naguguluhan ako ngayon.

"X-Xyion?" Tawag ko sa kaniya

"Bakit?"

"Tandaan mo na mahalaga ka sa akin, kahit anuman ang magiging desisyon ko ay nasa tabi mo parin ako. Huwag mong isipin na iiwan kita, dahil nasa tabi mo ko lagi." Seryosong sabi ko sa kaniya. Nasa harap parin ang tingin niya.

"Kung ganon ay piliin mo na manatili sa tabi ko, yung nakakausap kita, nakikita kita, nahahawakan kita at higit sa lahat ang mahalin ka." Sabi niya ng di nakatingin sa akin. Yumuko ako at bumuntong-hininga ng malalim.

"Huwag mo munang madaliin ang lahat."

"Hindi ako nagmamadali, sobrang nagmamadali ako dahil hindi ko alam na baka paggising ko mawala ka na lang. " sabi niya ng seryoso at nakatingin na siya sa akin. Yung mga mata niyang seryoso at malamig, kitang-kita ko ang pagsusumamo niya.

"Xyion? Hindi ko gagawin sayo yan. Hindi kita bastang iiwan. Guardian mo ko. Binigyan ako ng 100 na araw para ayusin ka. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Kailangan ko munang masigurado ang lahat" sabi ko at di na siya nagsalita.

Maya-maya ay huminto na ang sasakyan. Bumaba siya at ganon rin ako.

Anong lugar to? Amusement park? Grabe! Ang ganda. Ang dami ring tao. Ngayon lang ako nakakita nito at nakapunta rito.

"Bakit tayo nandito Xyion?"

"Nandito tayo para pasayahin ka, gusto ko magsaya kasama ka. Ayaw mo ba?" Tanong niya sa akin at nagkatitigan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kaniya.

"Gusto" simpleng sagot ko at hinawakan niya ang kamay ko. Naglakad kami ng magkahawak kamay.

Maraming tao rito. Sa gilid may mga pagkain.

"Xyion ano yun?"

"Cotton candy"

"Ang ganda naman. Iba iba pa ang kulay. Makakain ba yan?" Tanong ko sa kaniya ngunit kinunutan niya lang ako ng noo.

"Tss!"

Hinila ko siya papalapit sa lalaki na gumagawa ng cotton candy.

"Hello po" bati ko sa lalaki

"Hi, bibili ka ba?" Tanong ng lalaki at hinila ko ang laylayan ng damit ni Xyion.

"Ano?!"

"Galit ka ba?" Nakangusong tanong ko.

"Hindi. Anong gusto mo?"

"Bili tayo niyan" sabi ko sabay talon-talon dahil sa saya.

"Dalawa po" sabi ko at binigyan na kami. Ibinigay ko na rin ang bayad.

Binigay ko kay Xyion ang isa. Kinain ko na to pero di ko pa nga nilulunok nawawala na sa bibig ko.

Huhuhu. Ano ba to?

"Xyion?"

"Hmm?"

"Nawala"

"Ang alin?"

"Yung cotton candy sa bibig ko. Hindi ko pa nga nginunguya eh" malungkot kong sabi.

"Akin na yan sayo. Palit tayo" sabi ko at nagpalit kami pero ganon parin.

Tinignan ko si Xyion, tumatawa siya.

Teka? Tumatawa si Xyion? Totoo ba to? Tumatawa na ulit siya. Ang ganda niya tuloy.

"Hahahaha" tawa niya. Mangiyak-ngiyak pa siya sa tawa

"Masaya ako dahil tumatawa ka na ulit kaso yung binili natin na cotton candy Xyion, may problema" sabi ko pero tumawa ulit siya.

"Ano ba?! Tinatawanan mo ko? Hoy!"

"Ignorante ka talaga. Cotton Candy nga eh. Kapag kinain mo, di mo man nginunguyan matutunaw siya, ayan lang sa dila mo o! Nakadikit. Hahaha. Baliw!" Sabi niya at tinuro ang bibig ko. Nilabas ko naman yung dila ko.

"Kahit kailan talaga" sabi niya at naglakad na. Dali-dali ko naman siyang sinundan.

Kyaaah! Tumatawa na ang alaga ko. Hihihi. Dapat pala kakain ako ng cotton candy lagi.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon