Day 21

1K 38 0
                                    

                      XYION POV

Hila-hila ko parin si Ryianella hanggang sa nakarating kami ng cafeteria. Nasa amin ang mga mata nila or let's just say na kay Ryianella ang mga ibat-ibang titig nila.

"STOP STARING AT HER!" Sigaw ko at pumunta na sa pwesto namin. Nakita ko ang tatlo na halatang nagulat sa nakikita. Tss.

"Ryianella?! Woah! Ang ganda talaga natin ba"

"Bakit ka nandito? Gez! Ang tanga ko, suot mo uniporme namin so dito kana nag-aaral?"

"Oo. Hehe. Pinapasok ako ni Xyion dito."

"Haha..umupo ka muna" sabi ni Rodjan at umupo na si Ryianella sa tabi ko.

"Ang saya naman nito. May babae na tayo sa grupo" sayang sabi ni Cerian.

Itong dalawang to halatang dumadamoves eh! Pagsisipain ko yang pangit nilang mukha.

"Stop it!" Sabi ko.

"Grabe naman ang mga tao rito kung makatitig kay Ryianella"

"Pansin mo rin Cerian?"

"Oo naman Rod! Ang ganda kasi ni Ryianella. Parang anghel na bumaba sa langit..insecure mga babae o!" Tawang sabi ni Cerian.

"Subukan lang nila awayin si Ryianella." Sabi ni Rodjan.

"Proprotektahan natin si Ryianella sa kanila." Sabi ni Cerian sabay taas ng kamao niya at ganon rin si Rodjan. Binatukan naman sila ni Vler.

"Tss. Noisy!" Sabi ni Vler.

"Umorder na kayo" utos ko sa tatlo at tumango lang sila.

**********

May pair activity kami ngayon kaya sinabihan ko si Ryianella na partner kami kahit may kaniya-kaniya kaming partner. Sila nalang kaya ang mag partner para masaya.

"Partner tayo ha?" Sabi ko

*tango*

Sinabihan na kami na pumunta sa kaniya-kaniyang partner pero hindi kami pumunta ni Ryianella. Busy rin naman siya sa pagguguhit niya.

Lumapit yung partner ko na babae. Naiinis ako sa itsura niya dahil halata na nagpapcute lang to sa akin. Sana di nalang to nagdamit. Ang iksi ba naman. Pag guguntingin ko yan natitirang damit niya ngayon! Psh!

Nakatayo siya sa gilid ko. Hindi ko siya hinarap. Kinalabit niya ako sabay sabing...

"Xyion my dear, don na tayo sa pwesto namin gumawa ng reaction paper" sabi niya sa akin at tumingin naman ako sa sinasabi niyang pwesto kuno. May grupo ng mga babae na  parang witch kung makatawa. Masyadong ipit!

"Get lost!" Sabi ko sa kaniya ng seryoso

"Xyion, halika na kasi" pagpupumilit niya.

"Xyion, punta ka na sa kaniya" biglang sabi ni Ryianella at nginitian ako.

Shit! That's smile. Nagiging abnormal na naman tong puso ko. Ano ba to?

"Look! She's my partner, my one and only so get lost in a count of three or you'll be dead..."

"One.."

"..two"

"Thr--" putol kong pagbibilang dahil umalis na siya at bumalik sa pwesto niya. Rinig ko pa siyang padabog na naglakad.

"Tss"

"Ano pala ang gagawin?" Tanong niya

"Magguhit ka nalang diyan. Ako na gagawa" seryoso kong sabi sa kaniya at tumango lang siya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon