Day 68

685 21 2
                                    


                      XYION' S POV

"Ba't ba ang tagal niyo?" Bungad na tanong sa amin ni Rodjan.

"Ryianella? Oh my! Where have you been? Saan ka ba nagpunta?" Alalang tanong ni Herea sa kaniya.

"Nagandahan kasi ako sa lugar tapos ang daming tao. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa nakita ko yung kulungan ng isda".paliwanag ni Ryianella.

Kumunot naman ang noo ni Herea sa mga pinagsasabi ni Ryianella. Ganon rin ang tatlo.

"Kulungan ng ano?" Tanong ni Rodjan na halata sa mukha na naguguluhan.

"Kulungan ng isda." Pag-uulit ni Ryianella. Napahilamos nalang ako sa mukha ko saka umiling-iling.

"Anong kulungan ng isda? Meron ba?" Tanong ni Rodjan kay Ryianella.

Pambihira! Isa pa tong tanga!

"Meron" sagot ni Ryianella.

"What is she talking about?" Pabulong na tanong sa akin ni Vince.

"Don't mind her. Punta na tayo sa mga kwarto natin." Sabi ko at hinila na si Ryianella palayo kay Rodjan. Pumasok na kami sa elevator at pinindot ang 17. Nasa 17th floor kasi ang mga kwarto namin.

*******

Pumasok na kami sa kwarto namin. The room is fully furnished. There's a King-size bed. Beside the bed is the drawer with a lamp on top of it. A coffee table with a magazine on top, a sofa, a flat screen television and such.

Pagulong-gulong si Ryianella sa kama. Ako naman hinawi ko ang kurtina upang makita ang tanawin sa labas. Kita mo talaga rito ang dagat. Mga tao na nagbibilad sa araw and cottages. Sa gilid ng dagat ay mga puno na.

The sky is blue just like the sea. The Sun never ashamed to brighten itself more. Ah. What a nice view.

"Kyaaah! Ang ganda!" Tili ni Ryianella habang patakbo na lumapit at tumabi sa akin. Pareho kaming nakatayo at tinitignan ang magandang tanawinn

"Xyion? Punta tayo don!" masigla niyang sabi.

"Mamaya na. Tinatamad ako. At isa pa, masyadong mainit. Mamayang hapon na lang" sabi ko sabay gulo sa buhok niya. Ngumuso naman siya.

"Gusto ko lang kasi maranasan yung sinasabi nilang d-date ba iyon? Oo, date nga! Katulad nong sa napapanood namin ni Herea. Yung babae at lalaki naglalakad sa tabing dagat habang kumakaway ang araw sa kanila dahil nagpapaalam na siya at pumapalit na ang buwan. Kay gandang pagmasdan non.".parang ewan niyang sabi.

"You want to experience those things? Yung sinasabi mong date?" Tanong ko at tumango siya bago nagsalita.

"Oo! Gusto kong maranasan. Yung date natin don sa park masaya rin yun. Pero gusto kung maranasan yung napapanood namin ni Herea." Sabi niya.

"Talaga lang ha. May nalalaman ka na sa mga bagay na ganiyan.Hahaha" tawang sabi ko sa kaniya.

"Kay ganda mo talagang pagmasdan kapag tumatawa ka, lalo na sa malapitan. Kapag tumatawa ka tulad nong dati hindi ko talaga kaya na pigilan ang sarili ko na di lumipad dahil sa tuwa. Parang gusto ko ngang lumipad ngayon eh. Kapag masaya ka o tumatawa ka lumalakas kasi ako, gumagaan ang pakiramdam ko. " sabi niya na may ngiti sa mukha.

I slowly place her both hands on my face. I can feel the warm from her palm on my face that soothing my soul and smiled to her before I speak.

"Gusto kong tumawa habang buhay kasama ka, Ryianella." Nakangiting sabi ko. Ilang inches nalang ang pagitan sa aming dalawa. Maling galaw ko lang ay mahahalikan ko siya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon