Day 20

1K 38 0
                                    

                   SOMEONE POV

Kaninang umaga pa di umuuwi ang anak ko. Kahit miyembro siya ng isang gang ay di parin mawala sa isip ko na baka mapahamak siya. Narinig kong may nag doorbell sa labas kaya pinatignan ko ito sa maid namin,bigla lang sumigaw yung katulong at tinawag ako. Dali dali naman akong pumunta sa pinto at nakita ko si Harold na nakahandusay sa labas, maraming sugat at pasa. Namimilipit din siya dahil sa natamo niya.

"Harold! Harold"  tawag ko sa pangalan niya at nilagay ang ulo niya sa lap ko.

"Anak! Gising" sabi ko sa kaniya at dahan-dahan niyang binuka ang mga mata niya.

"D-dad"

"What happen? Sabihin mo sinong may gawa sayo niyan?!"

"H-hindi k-ko kilala" nahihirapan niyang sabi.

"Ano! Walang hiya ang gumawa sa yo nito. Tulungan niyo ko ipasok ang anak ko sa loob!" Sigaw ko sa mga maid at nilapag sa sofa.

"D-dad, h-he did this d-dahil may kasalanan ka at a-ako ang na-nabuntungan."

"Kung galit siya sa akin dapat ako ang harapin niya!"

"Y-you k-killed his parents"  pagkasabi non ni Harold ay bigla akong kinabahan. Ramdam ko ang pagtulo ng malamig kong pawis.

"Gamutin niyo siya at tumawag ng Doctor!" Utos ko at dali-dali namang kumilos ang mga katulong at lumapit kay Harold.

Tumayo na ako at lumabas ng mansyon upang tawagan si Garry.

"Pick up the phone!"  Sabi ko habang hinihintay na sagutin niya.

"Hello"

"Garry, yung pamangkin mo"

"Bakit? Anong ginawa niya"

"Binubog niya ang anak ko! Akala ko ba di niya malalaman"

"Ano!? Hindi niya alam. P-pero pa-paano niya kayo nahanap. This is stupid!"

"Alam ko naghihiganti siya. Alam ko na kilala niya kaming lima. Alam mo ba kung sino pumatay kay Sam? Siya! At hindi impossible na di siya ang may gawa nito sa anak ko. Baka nga pupuntahan kami non."

"Are you afraid? Mahina yang batang yan. Hayaan mo ako na bahala. Wag kang magsasalita kung magtatanong siya kung sino ang nag utos sa inyo"

"Hindi siya titigil hanggat di niya kami nahahanap, pati kami nahanap niya.!"

"BASTA HUWAG KANG MAGSASALITA! Kung ayaw mo na ako na mismo papatay sayo!"

End call

Nakayukom lang ang mga palad ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Matagal narin akong inuusig ng konsensya ko pero mas namayani na hayaan nalang dahil inutusan lang kami. Pero sa pagkakataon to ay alam ko na kumikilos na si Xyion, isa siyang matapang at walang puso na bata, hindi siya titigil hanggat hindi niya kami napapatay.

**********

                            XYION POV

Kaunti nalang mapipikon na ako sa babaeng to.

"Xyion?"

"Hoy!"

"Saan tayo pupunta?"

"Tumahimik ka na lang. Sakay na" sabi ko sa kaniya at pinapasok na sa kotse.

Nagmamaneho na ako ngayon papunta sa school. Dinala ko si Ryianella upang pag-aralin din siya at di maging ignorante. Wala naman siya ginagawa sa bahay, yung mga tutor niya na hi-nire ko ay tuwing sabado at linggo lang siyang matuturuan.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon