Day 62

736 27 1
                                    

    
             THIRD PERSON'S POV

Padabog na tumayo si Sunny sa kaniyang kinauupuan at iniwan ang apat niyang kaibigan sa sala. Pinuntahan niya sa silid na kung saan nandoon si Ryianella na nakagapos ang mga kamay at paa. May puting panyo sa kaniyang bibig.

Nakaupo lang si Ryianella sa silya. Nagsusumamo ang mga mabubuting mata kay Sunny na pakawalan na siya at alam niya na nag-aalala na ang mahal niya sa kaniya. Ayaw niya na may gawin ito na sinasabi ng masamang guardian na siya ang magiging dahilan na kung bakit ito'y mapapahamak.

Lumapit si Sunny sa kaniya at inis na tinanggal ang puting panyo na nasa bibig ni Ryianella.

"How are you dear?! Haha. Nahihirapan ka na ba diyan sa sitwasyon mo? Well, higit pa ang aabutin mo diyan kung hindi gagawin ni Xyion ang nais ko.!" Inis nitong sabi kay Ryianella.

"Ay-ayos lang s-sa akin n-na a-ako nalang. P-pahirapan m-mo ko at s-saktan. W-wag lang siya." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ryianella. Basag ang kaniyang boses dahil sa kaniyang pag-iyak.

Hinila ni Sunny pataas ang kaniyang buhok. Ang maamo at mala-anghel na mukha ay bakas dito ang sakit, lungkot, kaba at takot na halos hindi niya maipaliwanag.

"Tama na. Pakiusap. Nasasaktan ako" pagmamakaawa ni Ryianella. Kahit na ginaganyan siya ni Sunny ay walang kahit kaunting bakas ng galit si Ryianella kay Sunny.  Siguro dahil ay isa siyang anghel. Na ang kapangyarihan niya ay nasa kaniyang kaloob-looban. Hindi niya naman ito magamit dahil mas pinili na niyang maging tao, pwera nalang kung pahihintulutan siya na gamitin ito upang makabalik kay Xyion at di para saktan ang mga tao, lalong-lalo na si Sunny. Kahit na ginagawan man siya ng masama ay mabuti parin ang isusukli niya.

"Tama lang yan sayo.!" Sigaw ni Sunny sa kaniya.

"Hindi ito ang solusyon. Hindi dapat ganitong landas ang pinipili mo. Makinig ka sa mabuting guardian mo. Wag mong hayaan na lasunin ng masama ang iyong puso at isipan. Ang iyong puso na may kabutihan. Ang iyong puso na ginawa at hinulma ng panginoon na   puno ng pagmamahal at kabutihan. Tigilan mo na to at magbalik loob. Pakiusap. Gawin mo ang tama. Itigil mo na to. Hinahanap na ako ni Xyion" mahinahon na sabi ni Ryianella. Sa boses nito ay mababatid mo ang kabutihan at pagmamahal. Nginitian niya pa to pagkatapos niyang sabihin kay Sunny ang mga katagang yun.

"Ha-ha-ha! Nagpapatawa ka ba?! Hahahaha. Nyemas! Nakakatawa ka nga.! Hindi ko akalain na ang isang tulad mong babae na nagkukunwaring inosente at mabait ay nakakatawa pala. Ipakita mo kaya ang tunay mong kulay?" Parang baliw na sabi ni Sunny habang tumatawa.

"A-anong t-tunay na kulay? Wala naman akong ibang kulay na ipapakita sayo. Itong dress ko kula-" putol na sabi ni Ryianella na bakas sa mukha ang walang alam sa sinasabi. Nalilito rin kasi siya kung anong kulay ba na dapat ipakita na wala naman daw siyang dala na mga krayola.

"Tumahimik ka! Pag hindi gagawin ni Xyion ang gusto ko. Ipaliligpit kita!" .sigaw ni Sunny na may nakakarinding boses na pwedeng pangbasag ng salamin.

Yumuko nalang si Ryianella habang si Sunny ay umupo sa kama at dina-dial ang number ni Xyion.

Samantala, sina Xyion ay tahimik na naglalakad papunta sa main door ng bahay. Walang kaalam-alam si Sunny na nandito na pala sina Xyion at ang kaniyang mga kaibigan.

"Vince! You knock!" Bulong ni Rodjan kay Vince. Inis na tinitigan  ni Xyion sina Vince at Rodjan dahil nagsisikuhan pa ang dalawa. Si Rodjan naman kasi ang inutusan. Balak pa sanang batukan ni Xyion ang dalawa ng biglang si Vler nalang kumatok. Tinignan nito ang mga kaibigan ng tinging nababagot sa mukha mo o isa kang walang silbi sa paningin niya.

*knock*

*knock*

*knock*

"Sino yan!"

"Baka yung dalawa"

"Buksan mo, tol"

"Aish! Sige na nga!"

Rinig nilang sabi sa loob at agad namang puwesto at nakahanda na ang baril ng lima. Si Rodjan at Cerian ang bahala sa magbukas ng pinto.

Naglalakad na ang lalaki papalapit sa pinto at pinihit nito ang doorknob. Pagbukas niya ay humakbang siya ng isa dahilan para nasa labas na siya ng bahay. Si Rodjan at Cerian nasa gilid lang ng lalaki. Nang nakalabas ito ay agad itong binatukan ni Rodjan. Sinalo naman ito ni Cerian para hindi ito babagsak sa sahig na gawa sa kahoy para di makalikha ng ingay. Pinagtulungan ito ng dalawa ng buhatin yung lalaki at tinago sa damuhan.

Pumasok na sina Vince, Vler at Xyion sa loob ng bahay. Agad namang pinagbabaril ni Vince ang tatlong lalaki gamit ang makabagong baril niya. Yung bala nito ay yung parang sa dart na kapag natusok to sayo ay bagsak ka agad at tulog ng limang araw. Pagkagising mo ng limang araw ay paralisado ka na na halos di maigalaw ang iyong katawan.

"Ang galing talaga!" Manghang sabi ni Cerian.

"Bro! Akin na lang yan o. Gagamitin ko sa mga bebs ko. Sigurado akong tulog agad sila. Bwahaha" walang ka-kwenta-kwentang  sabi ni Rodjan na ikinakunot ng noo ni Xyion at Vler.

"Manigas ka diyan. Baby ko to. Ang mahal kaya nito!" Sabi ni Vince sa mga kaibigan sabay yakap sa baril niya.

"Tss! You guys stay outside. Wait for the police to come and make sure those jerks will be send to jail. I can handle this now." Seryosong sambit ni Xyion sa mga kaibigan niya na ikinatahimik nila.

"Are you sure, bro? Alam mo naman na may pagkabaliw yang si Sunny".sabi ni Rodjan.

"At bobo pa!" Segunda ni Vince.

"Bahala kayo. Vince and Vler, You guys come with me. Kayo mga dalawang itlog, sa labas kayo. Nandon na ang mga pulis. Ikulong niyo ang mga lalaki. Just wait us outside." Seryoso na sabi ni Xyion sabay titig ng nakakamatay sa dalawa niyang kaibigan na ikina-salute naman nila agad.

Naglakad na ang dalawa palabas samantala ang tatlo ay inikot ang bahay at pinagbubuksan ang dalawang silid. Hindi naman ganon kalaki ang bahay. May kulumaan na nga ito at dos andanas  yung bahay.

May narinig sila ng sigaw kaya naging alerto naman si Xyion. Halos sumikip ang dibdib niya sa pwedeng mangyari at sana nga walang mangyari na di maganda kay Ryianella dahil pinapangako niya na papatayin niya kahit saan pa magtago ang taong magpapahamak sa babaeng mahal niya. Hindi niya kaya na may mangyari na masama sa babaeng mahal na mahal niya ng buong puso. Mas mabuti pa na siya na lang. Total, sabi ni Xyion sa kaniyang sarili na siya na at oras na siya ang proprotekta at magsasakripisyo. Buong buhay niya si Ryianella ang gumagawa non sa kaniya na di niya pa nga binigyan ng halaga.

Pero ngayon, iba na. Iba na ang lahat. Ibang-iba na talaga lalo na ang pagkatao niya, ang buhay niya at ang puso. Ang lahat ng yun ay dahil kay Ryianella.

"Parang mula yun sa baba" sabi ni Vince kaya dali-dali naman silang bumaba sa hagdan at hinanap kung saan galing ang boses na yun.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon