Day 75

594 20 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"ANONG GINAWA MO SA KANILA!" Galit na sigaw ni Xyion. Humalakhak lang ang masamang guardian niya.

"Ilang minutos na lang ay mamamatay na iyang mga kaibigan mo" sabi ni to.

"Xyion?" Tawag ni Ryianella sa kaniya.

"Tumitibok pa ang puso nila pero mahina na iyong tibok" sabi ng dalaga at lumapit sa kaniya.

"Hindi lang yan, Xyion" sabi nito sabay tapon ng bulang apoy kay Ryianella na agad naman nitong ikinabagsak sa buhangin.

"RYIANELLA!" Alalang sigaw ng binata sabay luhod sa buhangin at hinawakan ang pisngi ng dalaga na namimilipit sa sakit.

"Tsk-tsk. Tao ka na pala. Paano mo na maililigtas ang mahal mo, Ryianella.? Paano mo ko malalabanan?"

"Aaarrgh!"

"Ryianella? Listen to me? Please"

"A-ayos lang a-ako" hirap na sagot ng dalaga. Pinilit nitong bumangon upang hindi mag-aalala ang mahal niya.

"T-tignan mo? N-nakabangon pa ako. A-ayos lang ako."

Tumayo si Xyion at sinugod ang masamang guardian niya. Sinuntok niya ito sa mukha pero parang wala lang sa guardian niya. Ramdam ng binata ang init sa kamao niya. Susuntok pa sana ito ngunit nahawakan ang kamao niya. Ginamit niya ang isang kamay niya at sinuntok niya ulit sa mukha ang guardian niya. Sinundan niya ito ng sipa na tumama sa gilid ng ulo nito. Pinaulanan niya ito ng suntok sa sikmura. Pero lahat ng ginawa niya ay walang epekto sa kalaban niya.

"Sa tingin ko matatalo mo ako sa ganong atake lang?" Tanong ng masamang guardian niya at sinakal siya nito.

"XYION!?"

"B-BITAWAN MO SIYA.!"

"KUNG HINDI SIYA MAPAPASAAKIN, MAS MABUTI PA NA MAWALA NALANG SIYA. HINDI NAMAN MAHIRAP HUMANAP ULIT NG BAGONG AALAGAAN, DIBA RYIANELLA? ANG PROBLEMA NGAYON, PAANO MO SIYA MAILILIGTAS AT MAPROPROTEKTAHAN NGAYON? Guardian angel ka niya diba? GAWIN MO ANG TUNGKULIN MO! KASO NGA LANG TANGA KA AT PINILI MONG ISUKO ANG KAPANGYARIHAN MO!"

"HINDI KO PA ISINUKO ANG KAPANGYARIHAN KO! PANGINOON--PAHINTULOTAN NIYO PO AKO NA GAMITIN SA HULING PAGKAKATAON ANG KAPANGYARIHAN KO!" Sigaw ng dalaga habang nakatingala sa langit.

Binitawan na ng masamang guardian si Xyion. Ibinagsak niya ito sa buhangin at tinapunan ng apoy sa may puso.

"XYIOOOONN!" Iyak na sigaw ng dalaga. Bigla nalang bumalot ang puting liwanag sa katawan niya.

Agad naman napatakip sa kaniyang mata ang masamang guardian dahil sa liwanag na nanggagaling kay Ryianella.

Unting-unti humina ang liwanag. Pagmulat ng mga nata niya ay nakita niya si Ryianella na naksuot ng puting kasuotan, ang kaniyang pakpak ay kumikinang sa dilim.

Hawak niya parin ang mukha ni Xyion na puno ng dugo ang bibig.

"Xyion! Xyion! Huwag mo akong iiwan." Iyak na sabi ng dalaga sabay tapik sa mukha ng binata upang magising ito.

"Hindi maaari!" Sabi ng masamang guardian na hindi makapaniwala.

"PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA MO SA KANIYA!" Sigaw ng dalaga na puno ng galit. Pumuti ang mata nito at may puting liwanag mula sa puso niya at tumama ito sa masamang guardian.

Pinag-ekis ng masamang guardian ang kamay niya upang protektahan  ang sarili nito. Pilit niya itong nilalaban ngunit malakas ang pwersa na tumatama sa kaniya.

"XYIOOOONN!"sigaw ng dalaga habang umiiyak.

Lumipad si Ryianella sa langit at pinagbabato niya ng puting kapangyarihan ang masamang guardian.

Gumawa ng shield na gawa sa apoy ang masamang guardian. Doon lamang tumatama ang kapangyarihan ni Ryianella.

Bumuo ng hugis bola na ubod ng laki si  Ryianella sa kaniyang kamay. Inangat nito ang kamay upang kumuha ng pwersa. Buong lakas niya itong itinapon sa baba, sanhi ng malakas na pagsabog at ng dahil don nabiyak ang pangharang na ginawa ng masamang guardian.

Lumipad ang dalaga pababa at tumayo sa lupa. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa masamang guardian na umiiyak dahil sa galit.

"Hinamak mo ang taong mahal ko. Pagbabayaran mo ito!" Sabi ng dalaga.

Hinang-hina na ang kaniyang kalaban. Hindi niya akalain na ganon pala kalakas ang kapangyarihan ni Ryianella. Ubod kasi ito ng bait, at kung mag-aaway man sila ay hindi gumaganti si Ryianella kaya hindi niya alam ang kapangyarihan nito. Ngayon lang na pinatay ang mahal niya.

Mas lalo pa itong lumakas dahil sa galit at pagmamahal niya kay Xyion.

"Maglalaho man ako, hindi mo parin maiaalis ang katotohanan na patay na si Xyion at maglalaho ka na rin. Hahaha--" putol nitong pagtawa dahil itinusok ni Ryianella ang puting kumikinang na dagger gamit ang kapangyarihan niya sa puso ng masamang guardian.

Unti-unti itong nilamon ng sariling apoy hanggang sa nawala na ito sa paningin niya.

Kasabay ng pagkawala ng masamang guardian ay nagising narin ang mga kaibigan niya. Gulat itong napatitig sa babaeng nakatalikod at may pakpak. Pero mas lalo silang nagulat na naglakad ito papalapit sa lalaking wala ng malay.

"S-si Ryianella yan diba?" Di makapaniwalang tanong ni Rodjan.

"Totoo ngang, Angel siya" sabi ni Cerian.

"Si Xyion!" Sabi ni Vince at tumakbo sila papalapit kina Ryianella.

"Ryianella?" Tawag ni Herea. Tumingala si Ryianella sa mga kaibigan niya na puno ng luha ang mga mata.

Agad siyang niyakap ni Herea at mas lalo pang naiyak si Ryianella.

"B-Buti g-gising na kayo."

"Ano bang nangyari, Ryianella? Anong nangyari kay, Xyion?" Tanong ni Rodjan.

"Pinatay siya ng masamang guardian." Sagot ng dalaga na umiiyak parin. Umiyak na rin si Herea. Ang mga kaibigan naman ni Xyion na mga lalaki ay naiiyak narin.

"Hindi ako papayag na mawala si Xyion. Ibabalik ko siya dito" sabi ng dalaga.

"Anong ibig mong sabihin, Ryianella?" Tanong ni Herea.

"Dadalhin ko siya sa taas. Ipapagamot ko siya. Kukunin ko ang kaluluwa niya." Iyak na sabi ng dalaga.

"Ryianella, hindi rin kami papayag na mawala si Xyion. Kaibigan namin siya, kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Kaya sabihin mo sa amin kung ano ang gagawin" sabi ng binata na si Vince.

Binuhat ni Ryianella si Xyion. Tumingin siya sa mga kaibigan nito.

"Mahal na mahal ko si Xyion. Sobrang sakit ng puso ko ngayon. Ngayon ko lamang ito naramdaman. Huwag kayong mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para kay Xyion. Ibabalik ko siya." Sabi ng dalaga sabay lipad sa madilim na himpapawid. Ginamit niya ang kapangyarihan niya at gumawa ng lagusan papunta sa langit.

"Sana magiging maayos rin ang lahat." Sabi ni Herea na nakatingala parin sa langit. Ganon rin ang mga binata.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon