Day 4

1.2K 37 1
                                    

                        XYION POV

Umagang-umaga nagagalit na ako. Who the hell is that woman? Kagabi pa siya. Insisting that she my guardian angel. Ano ako? Bata na nauuto niya. Shit! Kagabi iniwan ko siya sa daan dahil nasa kotse ko siya, ng bigla boom! Nasa kwarto ko na. Maligno ata yung babaeng yun eh. Ang dumi pa ng itsura niya, yung bagsak na puting damit niya ay madumi na rin. Nakalugay pa ang buhok niya.

Tapos bigla nalang sumigaw dahil sa nakita niya sa magasin, pinuna pa talaga yung akin. Kainis.

Pumunta na ako sa shower at naligo dahil papasok na naman ako. Ayaw ko namang pumasok but the attorney warned me na kailangan kung mag-aral dahil ako na rin daw ang papalapit  at magpapatakbo sa business namin, at isa pa di daw magugustuhan ni Mom and Dad ko na di pumapasok. Kaya no choice ako at nag-aral. Ako nalang ang aasahan sa mga business ng parents ko. Sa mga pinaghirapan nila.

Sinuot ko na ang robe at lumabas. Nakita ko siya nakaupo sa sofa habang nilalaro yung pusa na sinasabi niyang aso.

Angel ba talaga yan? Tss. Hindi ako maniniwala sa kaniya. I need to get rid of that woman. Baka kung sino pa yan. Mahirap magtiwala. At wala akong pinagkakatiwalaan kundi ang sarili ko lang. And no way akong magtiwala sa babaeng baliw na yan!

Pumunta na ako sa walk in closet ko at nagbihis ng uniporme.

"Aso! Wag malikot." Sabi niya sa pusa.

"Pwede ba! Throw that cat away!"  Inis kong sabi sa kaniya ngunit kinunotan niya lang ako ng noo.

I can't believe this!

"Ano sabi mo?"

"Fuck!" Sabi ko nalang saka kinuha ang bag ko at sinuot ito.

"Nagmura ka ba?" Tanong niya at di ko siya pinansin.

"Sa bintana ka dumaan" sabi ko at binuksan ang sliding window sa kwarto ko. May puno naman, don sa kumapit.

Lumapit naman siya sa bintana at tumingin sa baba. Sarap itulak para matapos na.

"Grabe! Me-medyo mataas kaya yan. Bakit diyan pa ako dadaan palabas? may pinto naman" sabi niya na nakanguso.

-____-

"Anong gusto mo? Makita sa mga tao na nasa baba?" Tanong ko naman

"Hindi nila ako makikita. Angel ako. Ikaw lang ang makakakita sa akin" sabi niya ng nakangiti saka nag-puppy eyes.

"Titigil ka ba sa angel-angel thingy mo na yan? O hihilahin ko dila mo para tumigil ka?" Seryosong sabi ko.

Dumaan na siya sa bintana. May maaapakan naman siya. Kaya nakadikit ang sarili niya sa pader. Nakahawak parin yung mga kamay niya sa bintana at inaabot ng isang paa niya yung sanga ng puno.

Ang bagal! Sabi ko sa sarili at tinanggal ko ang mga kamay niya sa pagkakahawak kaya ayun, nahulog siya. Narinig ko pa siyang umaray.

Bahala ka diyan! Ang bagal mong bumaba eh. Buti nga di ko tinulak. Tss.

********

                     RYIANELLA POV

Ang sama niya. Grabe! Tinanggal ba naman mga kamay ko kaya ayun sarap ng bagsak ko sa damuhan.

Ang sakit ng paa ko at yung balakang ko. Huhuhu. Ang bad mo Xyion!

Paika-ika akong naglakad. Yung dalawang kamay ko nasa likod ng balakang ko.

"A-aray."

"Sumunod ka sa akin" sabi niya at pumasok siya sa itim na bagay na yun.

Bigla pang umilaw ang dalawang bilog na nasa harapan nito.

"Ayoko!" Sabi ko.

"What? Get in!" Seryoso niyang sabi.

"Ganon ka na ba kasama? Ipapakain mo ako sa halimaw na yan?" Sabi ko sabay turo sa itim na bagay na yun.

"Such an ignorant. Kotse yan!" Singhal niya sa akin.

"Papasok ka ba diyan o papasok ka diyan?"

"P-papasok na. May pagpipilian ba ako." Sabi ko at pumasok na. Umupo ako sa likod nito samantalang siya nasa harapan. Nakahawak sa bilog na bagay at bigla lang itong tumunog.

"Galit na siya oh! Huhuhu Galit na siya dahil pumasok ako" sabi ko at bigla niya lang hinampas ang kamay niya sa bilog na yun.

"Shut up! Shut it. Okay? Kung saan ka mang planetang nanggaling, pwede ba na tumahimik ka? Hindi ito halimaw, KOTSE ito. At hindi ito galit dahil pinaandar ko lang ang makina.!" Seryoso niyang sabi sa akin at dahil don tumahimik na ako.

Kotse pala to? Malay ko ba kung ano ang tawag rito. Hindi ko naman to nakikita, dahil siya lang nakikita ko at ang paligid ay puro puti na. Tanging siya lang at wala ng iba. Sa langit wala rin ito. Mga ulap, meron. Doon pa nga kami sumasakay at tumatalon.

Infairness ang ganda nito. Astig! Hehe

*********

Maya-maya ay huminto na ang kotseng to. Bumaba siya at ganon rin ako. May itim na malaking gate at matataas na pader. Binasa ko iyong nakaukit.

"Mental Hospital? Bakit ako nandito?" Ngiting tanong ko.

"Nandiyan ang mga katulad mo" walang gana niyang sagot.

"Waaaah! Talaga? Nandiyan rin ang mga guardian angel na katulad ko? Akala ko kasi ako lang mag-isa dito. Ang gandang palasyo. Ang bait mo naman pala eh" sayang sabi ko at pumalakpak pa.

Xyion's Mind: Baliw nga ang babaeng to. Tss.

Biglang bumukas yung gate na yun na katulad sa amin na kalaki kaso ginto lang yun, ito itim. May tatlong lalaki at isang babae na nakaputi.

Waaah! Parehas ko ba sila?

"Kayo na bahala diyan" sabi ni Xyion at pumasok na sa kotse niya.

"Teka?! Iiwan mo ako?" Tanong ko ngunit umalis na siya.

"Hi po. Mga angel po ba kayo katulad ko?" Ngiting tanong ko.

"Baliw nga yan"

"Oo nga"

"Tara pasok na natin"

"Kunin niyo na siya"

Bakit nagbubulungan sila? May sekreto ata sila. Diba kapag may sekreto kang gustong sabihin ibubulong mo para walang makarinig.?

Tinakpan ko yung tenga ko para wala talaga akong marinig ng biglang hinawakan nila ang dalawa kong kamay.

"Saan tayo?"

"Sa loob. Wag kang makulit, okay.? Nandon ang mga kasamahan mo" sabi ng babaeng to. Ang ganda niya.

"Okay po" ngiti kong sabi sa kaniya at nginitian niya rin ako.

Waah! Ang galing! May angel rin pala na katulad ko sa loob. Akala ko ako lang mag-isa sa mundong to. Ikaw pinuno ah! Akala ko ako lang? Ang sama mo nagsinungaling ka! Buti nalang may kasama na ako. Kakausapin ko lang sila at aalis na rin para balikan si Xyion. Pero hala! Saan kaya naman siya. Saan ko iyon hahanapin?. Hay! Ang tanga ko naman. Magpapahatid nalang ako sa kanila. May pakpak naman siguro mga kasama ko don at hihingi ng pabor na hanapin kung nasaan siya. Ang galing!.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon