Day 60

745 28 0
                                    

          PINUNONG ANGHELO'S POV

Mas pinili ni Ryianella na maging tao, na manatili sa tabi ng kaniyang minamahal. Ngunit hindi ko alam kung ano ang kahihinatnat nito. Lalo pa na alam ko na mapapahamak ang isa sa kanila. Hindi ipinakita ng malinaw ang nais iparating ng salamin. May mangyayari kay Ryianella. Bilang isang tao, maaari siyang mapahamak sa mga taong nalalason na ang mga puso at isipan, ng dahil sa kagagawan ng mga masasama.

Tao na si Ryianella, ang kapangyarihan niya ay di na niya magagamit kahit nasa loob niya lang to. Babawiin rin ito ng kataas-taas at sana hahayaan siya na gamitin ito sa sitwasyon niya ngayon.

Naglalakad ako patungo sa sagradong silid na kung nakakausap ko ang kataas-taasang pinuno. Ang may likha ng lahat ng bagay dito sa mundo. Binuksan ko na ang puting pinto na may kulay ginto na disenyo. Agad akong pumasok na nakayuko. Lumuhod ako nang nakayuko ang ulo saka pumikit.

"Panginoon, kataas-taasang pinuno. Ako po'y nagsusumamo sa inyo. Sana walang mangyaring masama sa kanilang dalawa. Alam ko na nababalutan na ng kasamaan ang mundong nilikha niyo. Natatakot ako na baka ano ang magiging kahahantungan sa mga mangyayari. Pinili niya na maging tao, at sinunod niyo ang kagustuhan niya at nang kaniyang alaga. Nais ko lang sana hingin sa inyo na hayaan si Ryianella sa paggamit ng kapangyarihan niya sa mga oras na kinakailangan"

"Aking tapat na alagad, nasa kamay nila ang mangyayari sa buhay nila. Bilang may likha sa kanila ay binibigyan ko sila ng kalayaan sa kanilang gusto. Rinig ko ang bawat oras at minuto ang dasal ni Xyion, lalo na sa mga oras na to. Si Ryianella ang guardian niya at mas piniling maging tao. Ang dalawang nilalang na ito ay may malakas na koneksyon sa isa't-isa. Anuman ang haharapin nilang dalawa ay makakaya nila. Ang kapangyarihan ni Ryianella ay  akin ng babawiin pero hindi muna sa mga oras na to. Sapagkat alam ko ang mangyayari sa ngayon at tinitiyak ko sayo ang dalawang taong nagmamahalan ay isang malakas na kapangyarihan na kayang harapin ang anumang pangyayari."

"Kung ganon po ay wala na akong dapat ipag-alala sapagkat kayo ang may alam sa lahat, ang may kapangyarihan. At alam ko na naisusulat niyo na ang mangyayari sa dalawa at hindi sila mapapahamak dahil sa iyong proteksyon at pagmamahal"

"Hindi ko hahayaan na may mangyari sa mga tapat at mabuti kong likha. Mga likha ko na di nabulag at nawala sa landas. Ang mga likha ko na kilala ako, mga likha ko na hindi nakakalimot sa pagtawag ko. Mga problema na ibinibigay ko sa kanila ay pawang pagsubok lamang at kung gaano kalalim ang pananampalataya nila sa akin. Hindi ko sila pababayaan, kayong lahat."

Bilang isa sa mga likha niya ay dama ko ang lalim at walang katapusan niyang pagmamahal. Naniniwala siya na lahat ng nilikha niya ay mga kabutihan sa kanilang mga puso dahil ginawa niya ang bawat nilalang na may pagmamahal at kabutihan sa puso. Sadyang nabubulag at nalalason lang ang kanilang isipan sa mga bagay na tinatawag na mga temptasyon, pagkainggit, mga di kuntento sa buhay, kasakiman at kung ano-ano pa.

Alam ko na walang mangyayari sa kanilang dalawa. Natatakot kasi ako na kapag may mangyari na isa sa kanila ay mawawala sila sa landas na dapat nilang tahakin. Mismo ako, kita ko at ang panginoon kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Kaya sana lang maging ligtas sila.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

                 THIRD PERSON'S POV

Naglalakad na palabas si Ryianella. Nakatungo ito habang naglalakad kaya di niya batid na may sumusunod sa kaniya.

Ang dalawang tauhan ni Sunny. Una-una pa lang ay nakapasok na sila at nagpanggap bilang guro dahil sa suot nilang uniporme sa ibang school. Kaya hindi ito nahalata ng mga gwardiya. Lalo pa't maraming tao kaya hindi na halos mababantayan at mapapansin kung may masama bang magaganap.

Nakahanda na sa kanilang kamay ang panyo na may pampatulog. Dahan-dahan silang lumapit hanggang sa, sinakal patalikod ng lalaki si Ryianella sabay takip sa panyo sa kaniyang bibig at ilong. Nagpupumiglas man siya ngunit wala siyang nagawa hanggang sa unting-unti nalang siya nilamon ng pampatulog. Binuhat nila si Ryianella na parang sako. Ang isa naman ay tinawagan si Sunny.

"Hawak na namin siya" nakangiting sabi ng lalaki kay Sunny.

"Mabuti naman kung ganon. Dalhin niyo siya Gambrige. May kutob kasi ako na may mangyayari na di maganda. May itim na van, paglabas niyo sa school. Agad kayong bumiyahe papunta rito."

"Okay. Dadaan na kami sa likod ng building. Nandon na ba sila? Medyo mataas ang pader na nakapalibot sa school na to."

"Huwag na kayong mag-alala. Ayos na ang lahat."  Sabi ni Sunny na may nakakalokong ngiti sa mukha.

Sa isip nito 'Sa wakas makakalaya na kayo Kuya Garry at Mic. Nasa kamay na namin ang babae ni Xyion.'

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

                   XYION'S POV

Nakita namin si Herea na papasok sana sa horror booth. Malayo na to kaunti sa kinatatayuan namin kanina. Agad akong lumapit sa kaniya at nakasunod lang sina Vler sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinanong siya..

"Herea? Nasaan si Ryianella?"  Kabado kong tanong. Parang natatakot kasi ako sa maririnig kong sagot sa kaniya.

"Ah-eh Xy--"

"Where the fuck is she?!" Galit kong sigaw dahilan para magulat siya sa akin at sina Vler.

"Don't shout at her" seryosong sabi ni Vler sa akin sabay tanggal ng mga kamay ko sa pagkakahawak sa balikat ni Herea.

Nagising naman ako sa ginawa ko.

"I'm sorry. I'm really sorry. I'm just worried for Ryianella. Hindi ko kaya na may mangyari sa kaniya. Kaya please, Nasaan siya?" Pagsusumamo ko sa kaniya.

"Xyion, pumasok siya sa loob ng Horror Booth. Lumabas na ang ibang estudyante diyan, dapat kanina pa siya lumabas pero wala parin. Kaya naisipan ko na pumasok diyan kahit natatakot ako para hanapin siya. Baka nandiyan pa siya sa loob" nakayukong sabi ni Herea sa akin.

"Bro? Based from here, nasa likod ng school building si Ryianella. May nangyari sa kaniya." Biglang singit na sabi ni Vince kaya agad naman kaming tumakbo papunta run.

Please. I beg you. Huwag niyong hayaan na may mangyari sa kaniya. Nakikiusap ako sayo. Sana gabayan niyo po ako sa tama. Hindi ko po kasi alam kung ano ang magagawa ko kung sakali may mangyari sa kaniya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon