Day 64

780 28 0
                                    

BAD GUARDIAN ANGEL'S POV

Naiinis ako sa sitwasyon ngayon. Kanina ko pa binubulungan si Xyion na barilin na ang babaeng yan. Yung kasamahan ko rin na guardian ng babae ay naglalaban ngayon sa mabuting guardian nito.

Inis akong napasabunot sa aking maitim na buhok.

"Huwag kang tumunganga diyan! Sa tingin mo ibibigay niya ang babaeng mahal mo? HINDI!"

"Mabuti naman nakapag-isip ka na. Untie her!" Sabi ng kaibigan ni Xyion.

Bakit ba ang daming mabuting guardian dito? Dapat ang mga kaibigan ni Xyion ay may guardian na masasama. Ang layo naman nila.

"Hoy! Gumawa ka ng paraan. Huwag kang papatalo sa mabuting guardian" sabi ko sa kasama ko na guardian ng babae.

Tinanggal nito ang tali sa kamay ni Ryianella at sa paa nito. Tinanggal rin ang tela na nasa bibig niya kanina. Mas sinusunod na ng babae ang mabuting guardian niya at yung kasamahan ko ay palayo ng palayo.

Sawa na ako sa pasulok-sulok lang. Sawa na ako sa pagiging talo. Kailangan ko na gumawa ng paraan.

Pagmamahal! Puta talaga! Yan ang kapanguarihan ng mga tao. PAGMAMAHAL!

"Ryianella" seryosong tawag ni Xyion kay Ryianella. Agad itong tumakbo papunta kay Ryianella at niyakap ito ng mahigpit. Rinig ko ang tibok ng puso nilang dalawa.

Nakakarinding pakinggan!

Nanatili ako sa sulok ng silid na ito. Nakayukom ang mga kamao ko kasabay sa paglakas ng apoy sa pakpak ko na maitim. Inis ko silang iniwan don at naglaho.

Nandito na ako sa Underworld. Pupunta ako sa pribadong silid at hihingi ng tulong sa kataas-taasang pinuno. Naglalakad ako sa pasilyo. Sa mga nakikita ko, masaya ang ilang mga guardian. Siguro dahil gumawa na naman ng masama ang mga alaga nila at natatalo nila ang mabuting guardian. Ako lang ang walang kwenta!

Sa ilang taong naging masama si Xyion. Kahit naging masama man siya ay di ko magawang maging tuluyang malapit o dikit sa kaniya dahil malakas ang kapit ni Ryianella. Siya yung tipo na hindi sumusuko. Siya yung tipo na puno ng kabutihan sa puso at isipan na ikinaiinis ko. Kahit mapalayo man siya at lumalapit ako kay Xyion, sinusubukan niya parin na dumikit kay Xyion.

Sa araw na pumapatay si Xyion ay ang araw na labis ang tuwa ko. Mas nakikinig na siya sa akin sa oras na nawala ang magulang niya. Naging malapit ako sa kaniya ngunit di ganon kalapit. May pagitan sa dalawa namin. Si Ryianella? Hindi siya sumuko. Napalayo siya at ang tanging nagawa niya ay umiyak at panoorin si Xyion sa mga masasamang bagay na ginagawa nito. Hanggang sa naglaho na siya at sa di ko inaasahan ay mas pinili niya maging tao at bumaba sa lupa para gabayan at protektahan ito. Walang kwenta!

Si Xyion ay isang mabuting nilalang. Kaya ganon nalang ang nais ko na bahiran siya ng kasamaan. Pasalamat nalang ako dahil natupad ang insidenteng yun na nagpabago kay Xyion ng tuluyan.

Nasa silid na ako na napapalibutan ng apoy. Lahat ng mga bagay na nakikita mo rito ay parang nasusunog pero hindi talaga nasusunog. Isang nagbabagang karpet patungo sa trono ni Boss. Isang trono na may nag-aapoy na estatwa na hugis tao at may mahabang sungay na nakaupo sa trono. Siya ang Boss naming masasama.

Lumuhod ako at iniyuko ang ulo bilang pagbibigay galang sa kaniya.

"Makapangyarihang panginoon, humihingi po ako ng isa pang pagkakataon upang gawin ang mga plano ko. Humihingi po ako ng karagdagang kapangyarihan upang maagaw ko ang dapat sa atin." Sabi ko sa aking isipan.

Ramdam ko ang pag-init ng paligid ngunit walang kaso yun sa akin.

"Bibigyan kita ng karagdagang kapangyarihan.Gawin mo ang dapat mong gawin sa pagkakataon na ito"

Ipinikit ko ang mga mata ko. Ramdam ko na lumalakas ako. Mas naging malakas ang apoy sa aking itim na pakpak at may itim na ugat na gumuguhit sa aking mga kamay.

"AAAAAHHHHH!!" Buong lakas kung sigaw kasabay sa buklat ko sa aking pakpak na nagbabaga sa apoy.

"Katapusan mo na, Ryianella!" Sabi ko at agad ng naglaho papunta sa kinaroroonan nilang Ryianella.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

XYION'S POV

Now playing: You are the Reason by Calum Scott.

I'm happy that's she fine. I thank Him for not letting Ryianella be in danger. She ran toward me at agad ko siyang niyakap. My heart beats like there's no tomorrow. Ang saya ko na walang nangyari sa kaniya ng di maganda. She's the reason why I'm acting this way at di ko alam ang gagawin ko kapag may mangyari sa kaniya.

"Xyion. Huhuhu. Patawad dahil lumayo ako kanina. Nadala lang ako sa saya ko kanina sa Fair Day kaya napalayo ako at nangyar--" iyak niyang sabi. Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.

I hugged her so tight and kissed the top of her head.

"Galit ka ba?" Sabi niya sabay kumawala sa pagkakayakap sa akin.

"Bro, kami na bahala dito" singit ni Vince at tumango lang ako.

"It's getting late. Uwi na tayo" sabi ko kay Ryianella at hinawakan ang kamay niya. Magkahawak-kamay kaming naglalakad patungo sa kotse ko.

Nasa tapat na kami ng kotse ng binawi niya ang kamay niya sa akin.

I looked at her seriously. She was bowing her head. It's getting cold as the night went deeper and deeper. The moon shines so bright and the stars covered by the clouds.

I heard her take a deep sigh.

May sasabihin ba siya?

"Xyion..." panimula niya.

"Patawad dahil nag-alala ka sa akin. Patawad dahil muntik ka ng makagawa ng masama kanina. Nagpapasalamat ako dahil hindi mo ginawa. Sana huwag kang gumawa ng bagay na ikasama mo, lalo pa't ako ang magiging dahilan. Dapat ako ang gumagawa non para sayo." Nakayuko niyang sabi.

I took one step closer to her. I hold her chin and lift it up. Nagkatitigan na kaming dalawa ngayon.

"Hindi mo maalis sa akin ang di mag-alala sayo. At sa pagkakataong to, ako na dapat ang proprotekta sayo dahil hindi ka lang guardian ko, parte ka na ng puso at buhay ko. Sa tingin mo ba, hahayaan na lang kita?..."

"...para akong baliw kanina kakaisip kung maayos ka lang ba. Halos hihimatayin na tong puso ko sa pagtibok nito ng mabilis. Iniisip ko pa lang na may nangyari sayo, ikamamatay ko na. Mahal na mahal kita, Ryianella. Kaya sana huwag mong paandarin yang kaignorantihan mo para di ka mapahamak." Seryosong sambit ko na ikinanguso niya.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Kaya napatingin to sa akin. Napangiti naman ako ng tipid sa reaksyon niya.

"Don't pouted, Ryianella. You're tempting me" sabi ko sa kaniya at pinagbuksan na siya ng pinto.

Sa dalawang oras ng biyahe ay tulog lang siya.

"Napagod ka talaga." Sabi ko sabay bukas ng pinto at kinarga siya. Nasa mansyon na kami ngayon.

Hindi ko hahayaan na maulit ito muli. Ayaw ko na madanasan mo kung gaano karumi ang mundong to. Kailangan kitang protektahan. Kung kinakailangan na itali kita sa tabi ko ay gagawin ko. Mahal na mahal kita.

Inilapag ko siya ng dahan-dahan sa kama. Kinumotan ko ito sabay halik sa noo. Pinagmamasdan ko siya habang natutulog na ikinabilis na naman ng pagtibok ng puso ko. Yung tibok na masarap sa pakiramdam. Sa napansin ko wala siyang kahit anong sugat o pasa. Dahil siguro nasa kaniya pa ang kapangyarihan niya.

"Di man lang nag-shower. Tss! Tulog mantika pa naman to" sabi ko sabay higa sa tabi niya at niyakap siya. Bigla siyang gumalaw at sumiksik sa dibdib ko. Pinikit ko ang aking mga mata at tuluyan ng nilamon ng antok na may saya at magaan na pakiramdam sa dibdib.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon