Day 22

1K 35 0
                                    

                          GARRY POV
                        XYION'S TITO

Nandito ako ngayon sa hideout namin. Pagpasok ko dito ay nakita ko na ang apat na nakaupo at may kaniya-kaniyang ginawa. Nang nakita na nila ako ay umayos na sila ng upo.

"Garry?"

"Mabuti naman dahil nandito na kayo"

"Ano ang ginagawa namin ulit dito?"

"Pinatatawag ko kayo dahil sa pamangkin ko. Hinahanap na niya kayo..."

"Kaya ang gusto ko ay magpakalayo-layo na kayo. Mag-iba kayo na lugar baka di natin alam ay nahanap na niya kayo"

"Nahanap na niya kami at binugbog pa ang anak ko."

"Gangster na anak mo diba? Bakit napuruhan ng pamangkin ko? Basta sinasabi ko sa inyo ay wag kayong magsasalita. Ayaw ko na malaman niya na may pakana kami sa pagkamatay ng magulang niya."

"Walang makakaalam boss!"

"Hindi kami magsasalita"

"Maaasahan mo boss"

"Walang lihim na di nabubunyag, Garry"

"Dino? Papatayin kita kahit sino sa inyo! Kapag nagsalita kayo! Dapat hindi niya malaman! Inihanda ko na lahat ng pag-alis niyo!" Sabi ko sa kanila at tumango lang ang mga ito.

Kailangan di sila mahanap ni Xyion. Masisira lahat ang plano ko na wala sa oras. Kailangan namin mag doble ingat. Akala niya di ko alam na pinanonood nila kami. Buti nalang nasira ko agad sa isang magaling na hacker at sinira ang CCTV na kung saan kita kami. Buti nalang nasira bago ako pumunta don. Pero yung iba hindi. Kumikilos na talaga siya.

"Sana nagkakaintindihan tayo. " sabi ko sa kanila at lumabas na sa gusaling yun at sumakay na sa likod ng kotse.

Nagmamaneho na ang driver at ako naman ay kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan.

"Hello?"

"Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko?"

"Hindi madali ang pinaggagawa mo Garry. Bigyan mo pa ako ng ilang araw"

"Dalian mo ang paglipat sa lahat ng kayamanan ni Xyion bago pa mahuli ang lahat."

"Alam mong masama to Garry."

"Huwag ka ng kumontra diyan. Basta gawin mo na lang."

"Ang anak ko ang attorney na ni Xyion, baka malaman niya rin to"

"Kapag makikipagtulungan ka sa akin ng mabuti at mag-iingat ka ng maigi ay di niya malalaman. Di rin malalaman ni Xyion. Ilipat mo na lahat sa akin ang kayamanan niya sa pangalan ko. Naintindihan mo?"

" *sigh* Oo, naiintindihan ko. " sabi niya at binaba ko na ang tawag.

Hindi ako papayag na mapunta sayo ang kayaman ng kapatid namin Xyion. Kapatid niya kami dapat binahagian njya rin kami ng malaki. Oo, naghirap si kuya non, kaya sa pagiging mahirap at pagtiya-tiyaga niya ay umangat siya, ako?! Kahit anong pagtiya-tiyaga ang ginagawa ko ay ganon parin ako. Naiinis ako. Sa akin lang dapat ang pera't kayamanan mo!

**********

                       XYION POV

Uwian na kaya naglalakad na kami ni Ryianella ngayon papuntang parking lot. Nandon narin sila Rodjan. Biglang tumunog ang cellphones ko. Pagtingin ko si Vince ang tumatawag.

"Mauna ka na Ryianella. Nandon na sila Rodjan" sabi ko sa kaniya at kumunot lang ang noo niya.

"Wala akong gagawin na masama.!" Seryoso kong sabi sa kaniya at ngumiti lang siya ng malapad at naglakad na. Sinagot ko na yung tawag.

"Yes?"

"Bro? May balita ako"

"Ano?"

"Tungkol sa mga hinahanap mo?"

Pagkasabi niya non ay bigla nalang kumulo ang dugo ko. Napayukom nalang ang mga kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

"What's with them?"

"Nakita namin sila sa Kainon Street, namataan sila sa isa sa CCTV na nandon. Kitang-kita pa ang mukha nila. Siguro hindi nila alam na may hidden cam sa bawat poste ng daan. Kahit nasa loob sila ng kotse ay kitang-kita o. Nag match ang mukha nila. Bumaba sila sa isang gusali. Hindi nila alam na nakuhanan na sila"

"Bakit naman sila nandon at nagtipon-tipon pa talaga! Parang sila pa mismo ang lumapit sa kamatayan ah!"

"Hindi ko alam bro. Siguro dahil don sa binugbog natin. Na hacked namin kani-kanina ang systems ng lahat ng CCTV na nandon. Sabi ng isang kaibigan ko nakita niya yung pinahahanap natin papasok ng Kainon dahil bumaba muna sila sa Bernon bago tuluyang pumasok sa Kainon. Nalaman din namin na pupunta sila sa ibang lugar. Tatlong araw mula ngayon ay pupunta sila sa Wankun Airport"

"Paano mo nalaman lahat yan?! Sigurado ka ba diyan?"

"Oo naman bro. I have my ways you know that. Ginamit ko rin ang connections ni Dad. Hanggang ngayon pinapasok namin ang system ng Wankun para malaman natin kung saan sila pupunta"

"Sabihin mo agad sa akin kung nalaman mo na."

"Sige, bro. Kita nalang tayo sa headquarter mamaya. "

"Sige. Alamin mo rin kung bakit nasa Kainon sila. Kung bakit sila nandon"

"Basta pumasok sila sa isang gusali na parang hideout ata nila to o. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila don."

"Nandiyan pa ba sila?"

"O-- teka bro! Ibababa ko na parang may kumukontra. "

"Anong nangyari?"

"Sira na yung CCTV. Yung kita talaga ang gusali biglang naputol"

"Puta! Baka alam nila na may nagmamasid sa kanila."

"Hindi naman kasi patago yung CCTV kaya makikita lang. Tss! Hayaan na nga! Basta alam na natin!"

"Sige na, balitaan mo kami mamaya" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Naglakad na ako papalapit sa kanila at nakita ko si Vler at Ryianella na nag-uusap. Nang nakita na ako ni Ryianella ay lumapit siya sa akin.

"Sinong kausap mo bro?"

"Si Vince"

"Ah. Okay"  sabi ni Cerian

"Pupunta siya sa headquarter?" Tanong ni Rodjan

"Yeah" simpleng sagot ko at tinignan si Ryianella na nakatitig rin sa mukha ko.

"Tara na" sabi ko at hinila na siya at pinapasok sa kotse.

Agad na akong nagmaneho at sumunod na lang yung tatlo.

Habang nagmamaneho ako ay iniisip ko yung sinabi ni Vince kanina.

Bakit sila nagtipon-tipon. Silang apat pa talaga. Mas okay narin yun para madali na para sa akin na patayin rin sila isa-isa. Gusto ko talaga na patayin sila. Lahat sila. Baka may binabalak na naman sila? Tss. Kung ganon ay handa ako.

Pero ang tanong, ano ang ginagawa nila sa Wankun? Alam kasi lahat ni Vince yan dahil ang Dad niya ay isang Piloto, at may own airport sila na sobrang sikat, samantala ang Wankun, ay bago lang. Kaya ba don sila para hindi sila mamataan lalo na ng mga pulis, at kung sino man lalo na ako. Pero kahit ganon wala parin kayong ligtas. Feel ko talaga minamaliit nila ang kakayahan ko. Pwes! Diyan sila nagkakamali!

"Nababasa ko ang iniisip mo" biglang sabi ni Ryianella at agad akong napatingin sa kaniya.

"Xyion?"

"Bakit ba!?"

"Wala" nakayuko niyang sabi at tumingin sa bintana

Isa pa to. Ginugulo ang buhay ko. Bakit pa kasi nandito yan! Akalain mo yun ang isang tulad ko ay may mabait na anghel. Hindu talaga sumusuko na baguhin ako at ang pananaw ko sa buhay at sa mundo.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon