Day 26

973 37 0
                                    

Dedicated to @Kim_Myra_Soo

XYION POV

Nandito na kami sa School. Naglalakad kami ni Ryianella papunta sa classroom namin.

Maya-maya lang ay nandito na kami.

Pagkapasok namin ay tumahimik bigla ang buong klase at nakatitig sa amin.

"Stop staring at us!" Malamig kong sabi sa kanila. Umupo na kami ni Ryianella. Agad ko namang sinuot ang headset ko at nakinig ng music.

Now playing:Demonyo by JK Labajo.

(A/n: Pakinggan niyo guys. Yan ang themesong nila. Bagay talaga sa kanilang dalawa yan.Hehehe.Maganda yang song.^___^)

Tahimik akong nakikinig ng kanta sa phone ko ng may kumalabit sa akin. Tinignan ko si Ryianella ng seryoso.

"Bakit?" Tanong ko sabay tanggal ng headset ko sa tenga.

"Ano yan?"

"Headset. Nakikinig ako ng kanta rito wag kang magulo" seryosong sabi ko sa kaniya.

"Pakinig rin ng kanta" sabi niya

"Tss. Asa ka pa!" Sabi ko at binalik ulit sa tenga ko at nakinig ulit habang nakapikit ang mga mata.

*********

RYIANELLA POV

Grabe ang damot-damot niya! Gusto ko lang makinig eh. Ang galing kasi dahil may kanta daw sa puting lubid na yun na may bilog sa dulo, headset daw tawag niya don. Gusto ko ring subukan eh!

Dahil hindi niya ako pinahiram non ay nagguhit nalang ako. Tinignan ko ang mukha niya.

Yung mahabang pilik-mata at medyo nakapal na kilay, matangos niyang ilong, mapulang labi niya. Basta ang perpekto ng mukha niya.

Ginuhit ko yun isa-isa. Maya-maya ay dumating na ang guro at agad rin siyang napadilat. Sakto pagdating ng guro nagising na siya.

Agad ko namang tinago ang ginuhit ko sa bag ko na kulay brown.

"Good Morning class. I have an announcement, each of the class are require to submit your plans for the upcoming Fair Day and the Opening the Gate..."

"You need to submit it until friday, ONLY. And no extension. The officers of this class must assist your classmate and help one another. Is that clear?" Sabi ng guro ng di ko masyadong naiintindihan.

Ano? Anong sabi niya? Waah. Bakit may tumulo sa ilong ko.

Tinusok ko ang ilong ko gamit ang hintuturo ko. Pagkakuha ko nito may dugo na yung dulo ng hintuturo ko.

"Shit!" Rinig kong sabi ni Xyion

"Huwag kang mag mura" sabi ko kay Xyion na nakatitig parin sa hintuturo ko.

Alam ko na nagmumura siya dahil pinalista ko kina Rodjan nong isang araw ang iba't-ibang klase ng mura.

"Anong nangyari? Bakit mo tinusok ang ilong mo!? Dumugo tuloy!" Inis niyang sabi at napalingon ang mga tao sa amin.

Kahiya.

"Hindi ko alam. Nong nagsalita si guro sa harapan, nakaramdam ako na may tumutulo sa ilong ko. Pagtusok ko, may dugo na." Pagpaliwanag ko. Ang sama kasi makatingin sa akin eh.

"Nag nosebleed ka lang." Sabi niya sabay tampal ng noo niya.

Agad naman siyang may kinuha sa bag niya na maputing bagay at tinapak ang ilong ko.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon