Day 36

931 33 2
                                    

                   XYION'S POV

Pagkatapos ng klase ay nagyaya sina Rodjan and Cerian na pupunta kami sa Wild Bar, ngunit naalala ko na kailangan ko palang pumunta sa XB Coffee Shop and Pastries.

"Susunod na lang kami ni Ryianella. May dadaanan pa ako" sabi kp sa kanila at ngumiti ng nakakaasar ang dalawa sa akin. Si Vler naman ay tahimik lang. Lagi naman.

Si Herea at Ryianella ay nag-uusap.

"Ikaw ha? Baka may something na sa inyo" pang-aasar ni Rodjan.

"Hahaha. Sabagay magan--" putol na sabi ni Cerian dahil tinadyakan ko siya.

"Fuck you!" Sabi ko sa kanilang dalawa. Tinignan ko sila ng matalim.

"Huhu. Aray ko po! Sorry na bro" sabi ni Cerian

"Vler? Alis na ako" sabi ko kay Vler at tinanguan lang ako. Lumapit ako don kina Ryianella.

"Tara na babae" sabi ko sa kaniya at hinila na siya.

"Una na kami, Herea" pahabol kong sabi at kumaway lang siya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Ryianella ngunit di ko siya sinagot bagama't tinulak ko nalang siya papasok ng kotse.

"Daming tanong. Tss!" Bulong kong sabi at nagmaneho na.

Alas kwatro na ng hapon. Mga 20 minutos lang ay nasa XB Coffee and Pastries na kami. Hawak-hawak ko ngayon ang kamay ni Ryianella. Mahirap na, baka anong kaignorantihan na naman ang gawin nito.

Nag-ring yung phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa at sinagot ang tawag.

Unregistered number!

"Where the fuck are you?!" Inis kong tanong

"I'm waving my hand" sabi ko at hinanap ko naman sa loob ng Coffee shop na ito kung saan siya.

Nang nakita ko na ay pinatay ko na ang tawag at lumapit sa kaniya pero nasaan na ang babaeng yun?

"Bwesit talaga!" Inis kong sabi nang nakita ko siya sa may counter. Tinitignan yung mga display na cakes at kung ano-ano pa. Nilapitan ko siya at kinilabit ang braso.

"Ryianella!" Inis kong tawag sa pangalan niya at humarap siya sa akin sabay ngiti.

"Halika nga! Don tayo" sabi ko

"Gusto niyan" sabi niya sabay turo sa mga pagkain.

"Tss. Mag-o-order tayo" sabi ko at hinila na siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya para di mapunta sa kung saan-saan.

"Ikaw ba yung tumatawag sa akin?" Malamig kong tanong sa lalaking to na naka-suit. Yung pang attorney talaga. Pormal na pormal. Mukhang bata pa to ah pero attorney na.

"Yes. Have a sit first" sabi niya at umupo kami ni Ryianella kaharap niya.

"Don't waste my time. Spill it!" Seryosong sabi ko.

"Chill. First I have to introduce myself formally. I'm Attorney Jayci Denstein, son of Attorney John, your parent attorney." Pagpapakilala niya.

"So? Anong sasabihin mo?" Malamig at nababagot kong tanong ngunit nginitian niya lang ako.

"Ang ganda po ng mukha niyo" biglang sabi ni Ryianella. Nakatitig siya sa mukha ng lalaki kaya tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang palad ko. Hinawi niya naman to.

"Xyion, hindi ako makakakita" reklamo niya.

"So don't stare that guy!" Sabi ko at nag-pout lang siya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon