Day 5

1.2K 34 1
                                    

      
                      XYION POV

Nasa school na ako. Pinark ko
lang ang kotse ko bago pumasok. And I'm late because of that crazy woman earlier. Bagay lang sa kaniya na mapunta sa mental hospital. Itsura palang halata don na galing. Lalo na ang kaniyang pag-iisip, bagay lang doon.

Nadatnan ko na busy ang professor sa pagtuturo kaya pumasok lang ako na di man lang kumakatok at pabagsak na inilapag ang bag ko sa upuan ko. They all stared at me even the professor na nakakunot ang noo.

"What?" Seryoso kong tanong sa kanila at bumalik lang sila sa kanilang ginagawa.

Sana kaklase ko ang tatlong yun. Nandito kasi ako sa Business samantalang sila Engineering.

Nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa di ko namalayan na tapos na pala ang unang subject sa umaga. Tahimik ng klase kahit wala pa ang susunod na guro. Alam kasi sila na ayaw ko ng maingay.

Sa bandang kaliwa ko sa may unahan, may grupo ng mga babae na nakatitig sa akin.

They all taste good but not in the mood right now.

*********

RYIANELLA POV

Madaming nakasuot na mga puti rito. Naglalakad ako sa hallway kasama itong tatlong lalaki at itong magandang babae. Kaliwa't kanan ay may mga silid kaming nadadaanan at nalalagpasan.

Huminto kami sa kulay abo na pinto. Binuksan ito ng isang lalaki at tinulak ako papasok.

Kailangan pa ba itulak? Papasok rin naman ako no!

Pagharap ko nakita ko ang mga katulad ko na nakabestida ng puti kaso itong akin madumi na.

"Hi" bati ko sa babae na busy sa pagkain ng buhok niya.

"Ay! Bakit mo kinakain yang buhok mo? Isa rin pala akong anghel. Bakit kayo nandito?" Tanong ko ngunit di lang ako sinagot. Napa-pout tuloy ako. Naglakad ako uli at tinanong rin yung isang babae na nakaupo sa kama habang binabangga ang ulo sa may kama niya.

Problema ng mga angel rito?

"Hi! Ako pala si Angel Ryianella. Nagagalak ko kayong makilala mga katulad kong anghel kaso ang wierdo niyo" ngiting sabi ko sa kanila at kumaway pa ako. Pero di lang ako pinansin. Yung iba nagkukulay sa pader na puti, mukha na tuloy bahag-hari tong silid, yung iba naman pumapatong sa upuan sabay wagayway sa kamay, may tinutusok ang pader gamit ang hintuturo, may tawa ng tawa at nagkakantahan na wala naman sa tono.

Bakit iba silang kumilos? Hala! Nabaliw ba sila dahil naging tao rin sila katulad ko. Bakit ako hindi nabaliw? Anong gagawin ko sa kanila.? Siguro nagkaganito sila dahil kinulong sila dito, di na sila makalipad. Kailangan ko silang tulungang makatakas.

Lumapit ako sa pinto at binubuksan ito ngunit ayaw mabuksan.

Hala! Pati ako pala nakulong rin. Mababaliw na rin ba ako? Huhu ayaw ko non.

"Hello po! Pakibuksan yung pinto" sigaw ko sabay tapat ng bibig ko sa butas na pa rectangle sa taas. Malaiit lang siya pero okay lang.

Walang sumagot at di binuksan ang pinto. Napagod na ako kakasigaw. Kaya lumapit nalang ako sa riles na narito. Pumatong ako sa kama at tinignan ang labas.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon