Day 18

1K 40 0
                                    

                RYIANELLA POV

Umiyak lang ako ng umiyak pagkalabas niya. Desidedo na talaga siya sa gusto niyang gawin. Nong umalis siya kanina ay di na ako mapakali. Kanina pa ko paikot-ikot sa silid niya. Habang padilim ng padilim at mas lumalalim pa ay nadadagdagan ang kaba ko.

Hanggang sa nagpakita ulit sa akin ang masamang anghel na magiging guardian niya kapag maging masama na siya ng tuluyan.

Flashback...

"Hindi mo na mababago ang isip niya"

"Pero hindi mo siya maaagaw sa akin"

"Huwag ka ng magpumilit pa, Ryianella. Mapapasaakin siya at ako na ang magiging Guardian niya."

"Hindi ko hahayaan yan! Naintindihan mo?. Mabait siya!. Sobra.! Nagkakaganyan lang siya dahil sa mga nangyayari sa buhay niya.!" Iyak kong sabi, nakayukom narin ang mga kamay ko.

Di ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na talaga ako. Nakangiti lang ng nakakaloko ang lalaking masamang anghel na ito.

"Kahit ano pa ang dinanas ng mga tao, mapasama man o mabuti kapag pipiliin niyang maging mabuti sa kabila ng nararanasan niya ay magiging mabuti siya at hindi dapat mawalan ng tiwala sa Boss niyo. Pero tignan mo naman, pinili niya ang maghiganti, nakapatay na rin siya, gawain ba iyan ng mabuti?" Sabi nito at napayukom lang ang mga kamay ko. Naiinis na ako sa kaniya. Ang sarap niyang suntukin.

"Sumuko ka nalang, Ryianella. Sumuko ka nalang. Isang mabuting gwardiyang anghel na katulad mo ay dapat sumuko na sa alaga mo. Mabuting anghel na may alagang masama. Nababagay siya sa amin, sa akin. Hahaha"

"Tumigil ka! Hindi ako susuko. Tandaan mo yan. May pag-asa pa siya. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa dati."

"Sana nga may pag-asa pa siya. Sana nga hindi siya gagawa ng masama ngayon lalo na ang pumatay dahil tuluyan ko na siyang makukuha sayo! Hahaha"  tawang sabi niya saka naglaho na lang.

Pagkalaho niya ay naglaho na rin ako para puntahan si Xyion.

End of Flashback...

Ano ang dapat kong gawin.? Ano? Bakit ayaw niyang makinig at sundin nalang ako.? Xyion, ang tigas ng ulo mo! Huhuhu.

Bumukas ang pinto at niluwa si Xyion na may dalang tubig. Sinabuyan niya ng tubig ang lalaki dahilan para gumising ito.

Bigla rin sumulpot ang masamang angel sa tabi ko. Nakangiti siya sa akin at lumayo ako sa kaniya.

"Parang gusto ko ang mangyayari ngayong gabi" nakangiting sabi niya sa akin. Mapunit sana pisngi mo! Kainis na! Wengya!

"Umalis ka na!" Sabi ko sa kaniya sa isip. Nag-uusap kami sa isipan namin ngayon.

"Kita mo? Nababalutan siya ng galit at poot, lalo na paghihiganti. Ang saya panoorin"

"Nang-aasar ka ba? Dahil kong Oo. Asar na asar na ako sayo! Umalis ka dito"

"Mabuti naman gising ka na" sabi ni Xyion sa lalaki.

"Xyion! Tumigil ka na pakiusap!" Sigaw ko sa kaniya ngunit tinutukan niya lang ako ng baril.

"Labas! Doon ka sa taas!"

"Ayaw kong umalis dito"

"Hahaha. Hindi mo siya mapipigilan. Sige lang, Xyion. Patayin mo na para mapapasaamin ka na"

"Ano bang kailangan mo?!" Tanong ng lalaking nakatali ngunit sinuntok niya ito sa mukha dahilan para dumugo ang ilong at labi nito.

"Kailangan ko? Hmm. Buhay mo".sagot niya sa lalaki

"Ano bang ginawa ko sayo!?"

"Wala naman. Pero ang tatay mo..Meron! Kaya papatayin kita para maranasan niya kung paano mawalan ng mahal sa buhay. He killed my parents with no mercy and hesitation and I will do it to you also, double."

"Ano bang pinagsasabi mo?! My Dad will never do that."

"He did. And if he didn't mapupunta ka ba rito ngayon? Of course hindi. Pero meron eh. May ginawa siya at isa na ang ama mo sa pagpatay sa parents ko." galit niyang sabi at sinikmuraan ang lalaki. Napapikit nalang ako ng mga mata dahil hindi ko kaya ang nakikita ko.

Nakarinig na naman ako ng pag-aray kaya pati tenga ko tinakpan ko na.

"Manood ka. Ang saya kaya"

"Tumahimik ka!"

"Hmm sige sasabihin ko nalang sayo ang ginagawa niya..."

"...sinuntok niya ng sinuntok, kumuha siya ng kutsilyo at hiniwa-hiwa ang mga braso nito kaya puno na to ng sugat, kinuha niya ang alak at binuhos sa mga sugat ng lalaki pagkatapos ay uminom siya. Ang sarap ng ingay ng lalaki. Kitang-kita talaga na nasasaktan siya at nahihirapan na. Nagmamakaawa na it--"

"TUMIGIL KA NA!"sigaw ko sa masamang anghel na to at pati si Xyion ay tumigil sa pagpapahirap sa lalaki. Galit akong tumingin sa anghel na nasa tabi ko at itinaas niya lang ang mga kamay at itim niyang pakpak.

"UMALIS KA NA DITO!!" Galit ko paring sigaw

"Umalis ka kung ayaw mong labanan kita. Nagagalit na ako!"

"Hmm. Nakakatakot talagang magalit ang ubod na mabait. Kapag mapuno kasi sumasabog. Kailangan ko na bang matakot sayo? Hahaha. Sige, aalis na ako pero tandaan mo Ryianella nasa tabi-tabi lang ako" sabi niya sa isip ko at napapikit nalang ako ng mata upang magtimpi ng galit.

"Sinong kinakausap mo diyan?!"

"WALA KANG PAKI AT HUWAG KANG MATANONG. TUMIGIL NA SA GINAGAWA MO! TIGIL NAAA!" Galit kong sigaw sa kaniya sabay tulo ng mga luha ko. Nagulat siya sa inasta ko pero wala akong paki, nagagalit na ako sa kaniya at sa masamang anghel na yon. Ang ayaw ko sa lahat ay magalit. Kahit ang mababait na mga nilalang ay nagagalit din at mas nakakatakot pa iyon at ito ang nararamdaman ko ngayon.

"Sinasabi ko sayo na itigil mo na pakiusap. Huwag mo siyang patayin. Ayos na yang ganyan. Pakiusap Xyion" mahinahon kong pakiusap at lumalapit lang siya sa akin at hinigit ang kamay ko at hinila paakyat sa taas.

"Masyado ng gabi. Halika na"

"Hindi ka na babalik don para patayin siya?"

"Hindi na." Sagot niya at napayakap nalang ako sa kaniya.

"Salamat Xyion. Maraming salamat talaga. Pasensya na sa pagsigaw ko sayo hindi ko sinasadya. Ginagalit kasi ako ng masamang anghel na yun eh" iyak kong sabi habang yakap-yakap siya. Siya naman nakatayo lang

"Bitaw na" seryoso niyang sabi at agad naman akong napabitaw.

"Dito nalang tayo magpahinga"

"Paano siya don?"

"Wala akong paki. Hindi pa iyon mamamatay" sabi niya sa akin.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon