Day 45

903 30 5
                                    

                       XYION POV

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na di matawa. Nakakatawa talaga siya kanina habang kumakain kami ng cotton candy.

Naglalakad ako ngayon at nakasunod lang siya sa akin.

"Xyion? Gusto ko sumakay sa kabayo, may mga batang sumasakay don. Umiikot lang sila. Ba't ganon? Pero gusto ko paring subukan"

Hahaha. Ewan ko sayo Ryianella. Dapat ba nagpunta tayo rito?

"Hey? My wife wants to ride that" sabi ko sa operator ng ride na to.

"Sir, I'm so sorry pero para lang po yan sa mga bata" sabi niya sa akin at tinignan ko si Ryianella. Halata sa mukha niya na gusto niya.

Now what, woman?

"Let her. I'll doble the payment. What about I'll pay 1000? Is that enough?" Tanong ko at wala na siyang nagawa. Kumuha ako ng pera sa pitaka at binayaran siya.

"Yehey! Salamat, Xyion" sabi niya at sandali akong niyakap at tumakbo na paakyat. Sumakay na siya, siya lang mag-isa. Pinaandar na ito ng operator at umiikot na ito. Kinuha ko ang phone ko at vinedeo siya. Kumakaway siya sa akin sa tuwing nalalagpasan ako. Nakataas ang kamay niya sa ere. Kita sa mukha niya na masaya siya at masaya na rin ako.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

"Ayan na! Malapit mo ng makuha" sabi niya at nahulog ko ulit yung stuff toy na gusto niya, teddy bear. Pero paano ko makukuha to kung ang ingay niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa kaniya.

"Ang sweet ng guy"

"Ang gwapo niya naman. Ang cool niyang tignan"

"Bagay sila no? Kainggit naman"

Naghulog ako ng coin at sinubukan ulit.

"Xyion? Ayusin mo naman"

"Ayan na, malapit na talaga"

"Shit!"

"Huwag kang mag-mura Xyion"

"Tumahimik ka kasi ang ingay mo"

"Oo na. Pero kunin mo yan."

Sa ilang ulit ko ay nakuha ko na sa wakas. Hindi pa naman ako marunong, naiinis tuloy ako. Ang ingay niya pa.

"Salamat Xyion. Ang ganda niya katulad mo. Hehe" sabi niya at sobra sayang tinignan ang teddy bear.

"Bwahaha. Ipagpalit ko na si Aso. Sayo nalang siya, Xyion" sabi niya

"Ewan ko sayo" nakangiting sabi ko. Hindi ko kasi mapigilan na di ngumiti eh.

"Namiss kita. Yung tawa mo, yung ngiti mo na gustong-gusto kong pagmasdan non" nakangiting malapad niyang sabi.

"Pasensya na sa lahat" seryoso kong sabi at ngumiti lang siya.

"Ano pa ang gusto mong gawin natin?" Tanong ko.

"Sakay tayo non" sabi niya sabay turo sa Ferris wheel.

Tumango lang ako at hinawakan ang kamay niya. Nakatitig siya don at sa akin.

"Bakit?"

"Y-yung puso ko kasi..."

"...ang bilis ng tibok nito ngayon" sabi niya at napangiti na lang ako pero di ko pinakita sa kaniya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon