Day 83

549 17 0
                                    

                                                                               VLER'S POV


Nandito kami sa labas ng silid ni Ryianella habang si Herea at iyong mga nurse ay nasa loob para linisin ang sugat ni Ryianella sa likod.

Nakaupo kaming apat dito sa bench na nasa labas.

"Gandang nurse, bro!" -Rodjan. Ngumuso si Rodjan sa Nurse na kakalagpas lang sa akin. Kinilig naman ito.

"Nag heart-heart na naman yang mata mo basta babae.-___-! Pero....mas maganda iyong Nurse na nakilala ko kanina. Isang kindat ko lang tili na ng tili sa akin. Nakuha ko pa number niya" mayabang na sabi ni Vince.

Mga sira!

"Aish! Ang daya naman"-Rodjan

"Pfft! Mas gwapo kasi ako sayo"-Vince

"Tumahimik nga kayo! Ako ang pinakagwapo no. Nahiya naman ang nananahimik na gwapo sa inyo"
Cerian

"Suntukin natin?" Bulong ni Rodjan kay Vince na narinig ko.

Tumayo si Vince at sinakal si Cerian habang si Rodjan naman sinusuntok ang tiyan, pingot sa ilong at batok ang ginagawa niya.

Biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa. Nilabas ko to at agad na tinignan kung sino. Si Garry lang pala.

"Tumahimik kayo!" Pasigaw kong sabi dahilan para tumigil sila sa katarantadohan nila.

"Hello? Vler?"

"Yes?"

"Nasaan si Xyion? Tinatawagan ko siya para kamustahin pero hindi siya sumasagot. Magkasama ba kayo?"

lunok

"Amf, No. But I already told him that you called. He's in a vacation with her wife. "

"Ah ganon ba. Hahaha"

"Amf- Mr. Machkor can you tell me about your family. Specifically, Xyion's father"

"Bakit naman? May problema ba? Bigla ka ata nagka-interesado sa Daddy ni Xyion."

"May bagay ba kayo na hindi sinabi kay Xyion?"

"W-What? Wala naman"

"Tell me!*sigh* I want to know"

I have a thought in my mind based from what Cerian's said about bloodline or kagustuhan lang. Sa tingin ko kasi parang konektado lang ang lahat. Naririnig ko kasi kay Daddy , since bestfriend ng Daddy ko si Tito Xandrei. He said to me that Xyion's father was once a devil and reborn because of love. Nong una hindi ko naiintindihan ang sinabi niya pero ngayon alam ko na.

Xyion's father was bad. But the question is, why and how?

"Vler, Kuya Xandrei is a great Kuya in the World kahit na sinasaktan niya kami ni Mic noon kapag nagkakamali kami. Pero minsan hindi namin naiintindihan si Kuya, minsan mabait siya pero dumadalas iyong pagiging masama niya. Pero, alam ko na mabait si Kuya. Ginagawa niya lang iyon para matuto kami. Nong nag 10 na ako at 8 si Mic, hiniram kami ni Lola at Lolo samantalang si Kuya Xandrei ay naiwan kina Papa at Mama para tumulong. Nong High School na ulit kami nagkita. Parang hindi niya nga kami kilala non. Parang hangin lang kami ni Mic. Si Mama at Papa halatang lagi namomoblema sa kaniya non. Noon iniisip ko na ganon talaga ang mga kabataan, pumapasok sa gulo at masakit sa ulo. Nong College na ako at 4th year na si Kuya, biglang nagbago ang lahat nong nakita ulit namin siya. Sobrang laki ng pagbabago ni Kuya nong nakikila niya ang babaeng mahal niya. Sobra ngang saya ni Mama at Papa. Kuya strived so hard to have a easy life. Yumaman siya dahil sa pagiging matiyaga at masipag. Nakaranas kami ng magandang buhay. Yumaman kami. Doon na pumasok ang inggit at galit ko. Nong dumating si Xyion sa buhay nila, si Kuya Xandrei halos sobra-sobra ang tuwa. Mas lalong dumoble ang inspirasyon ni Kuya para gawin ang mabuting bagay para sa ikabubuti ng pamilya niya...."

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon