Day 7

1.1K 30 1
                                    

                         XYION POV

Pagkatapos ng klase ay agad na akong umalis kasama ang babaeng to. Di na ako nakapaalam pa sa tatlo.

"Saan mo ko dadalhin? Ilalayo mo na naman ako sayo?" Tanong niya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Okay. Let's  mak--Shit! Makinig ka okay? Kapag mahanap mo ako, maniniwala na ako sayo na Guardian nga kita. Pag hindi mo ako nahanap, wala na akong paki-alam sayo kung maligaw o mapaano ka. Tatawag ako ulit sa mental hospital at ipahuli ka dahil isa kang sira. Did you get it?" Seryoso kong sabi sa kaniya at nakatitig lang siya sa akin at bumuntong hininga bago siya nagsalita.

"H-hindi ko kabisado ang mundo mo. Paano kapag hindi nga kita mahanap. Base sa itsura mo ang galing mong magtago. Ako na parati taya niyan."

Napa-face palm nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

Sumasakit ata ulo ko ngayon.

"Pero gagawin ko ang lahat. Mahahanap kita, matatagpuan kita. Pag nagawa ko, sana maniwala ka na at wag mo na akong ilayo sayo".ngiting sabi niya.

"Ang dumi mo. Tss. Sumunod ka" sabi ko sa kaniya at naglalakad kami papuntang parking lot.

"Yehey. Sasakay ulit kami sa kotse. Akala ko talaga halimaw to. Hahaha".tawang sabi niya at tinignan ko siya ng masama dahilan para tumigil siya.

Nagmamaneho kami ngayon papunta sa Public Bath. Pinark ko na ang sasakyan at binababa na siya.

"Baba na" sabi ko at dali-dali naman siyang lumabas ng kotse at lumabas na rin ako.

"Take my card at maligo ka sa loob." Sabi ko sa kaniya at napakamot naman siya ng batok niya.

"P-paano to gamitin? Hehe" tanong niya. Napahilot nalang ako ng noo ko.

"Isa pang ka-ignoratihan mo makakatikim ka na sa akin!" Inis kong sabi sa kaniya at ngumuso lang siya.

"Di ko naman talaga alam kung paano to gamitin. " bulong niya.

"Basta pumasok ka na sa loob. Yan ang pangbayad mo. May pera diyan, kaya pumasok ka na bago pa ako sumabog rito" gigil kong sabi sa kaniya at nagtitimpi ng galit.

"O-O sige".utal niyang sabi at dali-dali ng naglakad papasok.

Such a ignorant!

Pumasok ako sa kotse at pinaandar to, tinawagan ko na rin ang isang staff sa Boutique ng Ate ni Rodjan.

"Basta katamtaman lang ang katawan. Hindi mapayat, hindi rin mataba. Just prepare anything there at pagpunta ko diyan, kukunin ko na agad.!" Inis kong sigaw sa baklang bwesit na yun.

********

                    RYIANELLA POV

Pagpasok ko sa loob may babaeng agad na sumalubong sa akin.

"Hi. Ikaw ba si Ryianella?"

"Ako nga po? Kilala mo ko? Waah. Ang galing mo naman. Di ko pa sinasabi sayo pangalan ko alam mo na" sayang sabi ko at ngumiti lang siya sa akin.

"Handa na po yung Shower Room niyo" sabi niya sa akin. Sumunod lang ako sa kaniya. Pagpasok namin sa silid ay may mga tao na nakahiga sa sahig. Gawa sa kahoy yung sahig dito at may makapal na mabalahibong kulay pula sa ilalim ng mga higaan nila. Sa bawat gilid ng silid na ito ay may mga pinto. Nakita ko ang isang babae na kakalabas lang sa isa sa mga pinto na basa ang buhok. Pinupunasan niya ang sarili niya.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon