Day 79

627 18 3
                                    

                                                                                 XYION'S POV



"Hindi. Hindi maaari. Paano na si Ryianella. Ayaw ko siyang iwan. Panginoon, nakikiusap ako sayo, ibalik mo po ako" naiiyak kong sabi.

Bakit ang dilim? Nasaan ako?

"Huwag kang mag-alala, Xyion. Ang iyong guardian ay papunta na rito. Hindi ka mamamatay."

"Paano? Ano po bang nangyayari? Sinaktan ba siya ng masamang guardian ko?"

"Ayos lang siya, Xyion. Hindi siya nasaktan. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan na hindi ko pinahihintulotan, gumana lang ang kapangyarihan niya sa loob ng dahil sa kaniyang pagmamahal sayo. Pinatay niya ang masamang guardian para sayo. Hindi ako magtataka kung bakit sa kabila ng ginawa mo ay nandiyan parin ang butihin mong guardian upang, alagaan, protektahan at gabayan ka. Ngayon ginagawa nga lahat para ibalik ka sa katawan mo"

Ryianella?

"Kaya nga nahihiya ako sa inyo. Sa kabila ng mga ginawa ko sa buhay ay binigyan niyo ako ng katulad niya. Binigyan mo ako ng isang anghel na nagparamdaman sa akin ng tunay na pagmamahal. Minsan iniisip ko kung nararapat ba talaga ako sa kaniya. Naisip ko na sa sobrang bait mo at puno ng pagmamahal, nagawa mo akong tanggapin ulit." Iyak kong sabi. Nakaluhod ako sa puting sahig habang pinakikinggan ang boses.

"Lahat ng nilalang sa mundo na aking ginawa ay mahal ko. Na minsan nakakalimutan niyo na ako dahil sa kasiyahan na nabibigay ko sa inyo, nakalimutan niyo na ako na may ama kayo na naghihintay na kausapin ng kaniyang mga anak. Mga paghihirap at pagkamatay ng iyong magulang ay hindi ko kagagawan, kundi ng nasa baba. Hindi pa katapusan ng iyong magulang sa araw na iyon. Ngunit sa nangyaring iyon ay naging dahilan ng iyong pagbabago at lumihis ng daan. Isa ka sa may mabubuting puso at nakatadhana na maging gabay at ikalat ang kabutihan, ngunit nagbago ka dahil sa nangyari sa iyong magulang. "

"Patawarin mo ako panginoon"

"Mahal kita, Xyion. Mahal ko kayo. Si Ryianella ay isang nilalang na para sayo"

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Si Ryianella ay dating batang katulad mo. Limang taong gulang siya nong namatay siya dahil sa sakit. Kinuha ko siya dahil ang katulad niya na ubod ng bait at puno ng pagmamahal ay hindi nararapat sa mundong aking ginawa na nababalutan na ng dilim dahil sa mga desisyon na pinili ng mga tao. Kinuha ko siya at ginawa anghel. Pinili ko siya na maging guardian mo. Katulad mo rin siyang mabait, ubod ng bait. Nang dahil sa nangyari sayo, ang pagsubok na iyon ay dinala mo bilang masamang bagay sa buhay mo, pero nong nakilala mo siya ay nagbago at bumalik ka sa dati. Hinayaan ko na maging tao si Ryianella dahil una palang, alam ko na si Ryianella ang para sayo. Itinadhana ko kayo sa isa't-isa"

"M-Maraming salamat sa lahat-lahat panginoon. Patawarin mo ako sa mga bagay na ginawa ko sa buhay. Sana mapatawad mo ako" iyak kong sabi

"Pinapatawad na kita, mahal kong anak. Sana maintindihan mo na ang nangyayari sa inyong buhay ay may ibig sabihin. Mag-isip ka at humingi ng tulong ko kung anong desisyon ang pipiliin mo sa buhay. Parati akong nakikinig sa inyo."

May mga alaala sa aking isipan na aking nakikita. Sa bawat alaala ay binabalotan ng itim na usok. Ang kasunod ay nong kay Paginoon, yung pag-uusap namin.

"Panginoon? Tulungan niyo po ako. Alam kong naririnig niyo ako. Ialis niyo ako sa kadilimang to! Ayaw ko nito."

"A-anong nangyayari. Ang s-sakit ng ulo ko.! Urgh!"

Ang alaalang iyon ay dahan-dahan ng nawawala sa aking isipan.

"PANGINO--"

"Urghh! Bakit wala akong naaalala!"

Ang kasunod na lumabas sa aking isipan ay ang maamong mukha ni Ryianella na nakangiti sa akin. Ang babaeng mahal ko.

Napaiyak ako sa aking nakikita sa aking isipan.

"Ano ba ang nangyayari!?"

"Ryianella? Ryianella? Wife? Please, kung nasaan ka man sana ayo--"

"HINDI! HINDI MAAARI!" Sigaw ko.

Ang mukha ni Ryianella ay unti-unting kinain ng usok. Unti-unti siyang nawawala sa aking isipan.

"MGA WALANG HIYA KAYO! KAYO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY ANG MAGULANG KO! ANG SASAMA NIYO. PAKI-USAP! Paki-usap. Huwag niyong idamay si Ryianella. Huwag niyong kunin ang alaala ko kay Ryianella!" Iyak kong sabi at nagmamakaawa sa kawalan. Isang lugar na ubod ng dilim. Ni hindi ko nga makita ang mga kamay ko kahit itinaas ko ito.

Para akong sinasakal ng kadiliman. Ramdam ko ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi.

Ryianella? crying

"XYION? KAHIT ANONG GAWIN MO AY MAPAPASAAKIN KA NA. BABALUTIN NG KADILIMAN ANG IYONG PUSO'T ISIPAN. DAPAT SA IYONG AMA KO ITO GAGAWIN NGUNIT NAGBALIK LOOB SIYA SA PANGINOON NIYA. NGAYON, HINDI KO HAHAYAAN NA MAKUHA KA NILA. IKAW ANG MAGIGING KABAYARAN SA KALULUWA NG IYO AMA NA DAPAT SA AKIN. NAKAKATUWA LANG DAHIL NONG NAMATAY ANG MAGULANG MO NA KAMI ANG DAHILAN, AY NAPALAPIT KA SA AKIN. ANG MGA MASASAMANG TAO NA KATULAD MO AY DAPAT SA AMIN NA. HINDI IYONG GUMAGAWA KAYO NG MASAMA AT BABALIK SA KABUTIHAN AT TATANGGAPIN NIYA, DAHIL SA PAGPAPATAWAD AT PAGMAMAHAL. MAHINA! HAHAHA WALANG KWENTA!. NGAYON, IKAW XYION, IKAW ANG AKING MAGIGING ALAGAD UPANG SAKUPIN AT MAGHASIK NG KASAMAAN AT LAGIM SA MIDDLE WORLD!"


"HINDI! HINDI AKO PAPAYAG. HINDI AKO MASAMA! MABUTI AKO. KAYO LANG ANG MAY DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAGING MASAMA NON. HINDI RIN MASAMA ANG AMA KO. MABAIT SIYA. MABAIT AT MATULUNGIN ANG AMA KO. BAKIT MO SINASABI NA MASAMA ANG AMA KO! "Galit kong sigaw kahit wala akong nakikita dahil madilim. Tanging boses lang na umaalingaw-ngaw ang ang naririnig.

"HAHAHA. XYION, ANG AMA MO AY MASAMA. BATA PA LANG, KAHIT WALA NAMAN SIYANG ANUMANG PINAGDAANAN. SABIHIN NALANG NATIN NA MAHINA ANG MABUTING GUARDIAN NIYA AT ANG MASAMANG GUARDIAN NIYA AY ANG AKING ALAGAD, ANG PINUNO NG MASAMANG GUARDIAN. SA TINGIN MO, PAANO KAYO NAGING MAYAMAN?. MAHIRAP LANG ANG PAMILYA MO XYION, GUMAWA ANG AMA MO NG MASASAMANG BAGAY PARA GUMANDA ANG BUHAY AT DAHIL IYON SA TULONG NAMIN. HINDI MO KILALA ANG AMA MO XYION. NAGBAGO LANG SIYA NG DUMATING ANG INA MO AT LALO NA IKAW. AT BUMALIK LOOB SIYA SA TAAS! WALANG KWENTA! WALANG UTANG NA LOOB"

"SA TINGIN MO BA NAKAKATAWA ANG GINAGAWA MO?! HINDI! ANG IMPORTANTE SA ISANG TAO AY MATUTO SILANG HUMINGI NG TAWAD AT MATUTO SA MGA MALING BAGAY NA NAGAWA AT GAWIN KUNG ANO ANG NARARAPAT! AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAGMAMAHAL AY MAS MALAKAS PA SA KUNG ANONG MERON KA. OO, NAGKAMALI AKO NGUNIT NATUTO AKO SA MGA MALING IYON. ! "

"HULI NA ANG LAHAT, XYION. HAHAHA. DAHIL HINDI KO HAHAYAAN NA ANG MGA TAO NA NAGKAMALI AY DAPAT SA AKIN, KAHIT PA NAGBAGO PA ITO. DAHIL KAPAG NILIKHA KA NG TAAS, DAPAT PURO KABUTIHAN LAMANG ANG LAMAN NG PUSO'T ISIP NIYO. HINDI IYONG KAUNTING PAPEL LANG NAMIN AY NADADALA AGAD KAYO. ANG MAS NAKAKATAWA, KAHIT KAGAGAWAN NAMIN, SINISISI NIYO SA KANIYA. ALAM MO BA NA NAKAKATAWA IYON? HAHAHA. OO, NAGBIBIGAY SIYA NG PAGSUBOK, YUNG PAGSUBOK NA KAYA NIYO LANG LAGPASAN. MGA MAHIHINA!..."

"NGAYON, LAHAT NG ALAALA MO AY MAGLALAHO. MGA IMPORTANTENG TAO SA BUHAY MO AY MAKAKALIMUTAN MO NA. ANG SAYA DIBA?" Sabi niya at unti-unting nawawala ang mukha ni Ryianella. Lalo na ang mga alaala naming dalawa.

"HUWAAAAGGGG!!" Tanging sigaw ko at tuluyan ng bumagsak ang sarili ko sa malamig na sahig.

Third Person's POV

Bumagsak si Xyion malamig na sahig. Pero ang totoo niyan ay nag-aapoy ang sahig kung saan siya nakahilata. Tahimik ang lahat ng mga masamang guardian at ang Pinuno, habang naghihintay na magising si Xyion. Si Xyion, na balot na balot ng kasamaan. Ang Xyion na hindi inakala at magbibigay ng bangongot sa bawat isa.

~~

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon