Day 38

917 29 2
                                    

                        XYION POV

Pagkatapos ng kasal namin ay dumiretso agad kami dito sa mansyon. Naabotan namin sila na nag-uusap. Parang seryoso pa ata ang pinag-uusapan ng mga iyon.

Seeing their faces when they saw me, looked shocked. Well, they don't expect this things to happen. Ang sarap sa pakiramdam na biguin sila sa   plano nila.

Agad na umupo ang mga to sa sofa. Feel at home ang mga gago.

"Congrats sa inyo. Yieee!" Kilig na sabi ni Herea

"Dapat e-celebrate yan ngayon. Di lang sa kasal nina Xyion kundi pati na rin sa pag-alis ng nga Tiyo niya sa mansyon niya. At ang kanilang pagkabigo. Hahaha" tawang sabi ni Rodjan.

"Tama ka diyan Rodjan. Let's party!" Sabi ni Cerian

"Xyion? Punta muna ako sa taas. Magpapalit lang ako ng damit" ngiting sabi ni Ryianella sa akin at tumango lang ako. Tumayo na siya at naglakad papunta sa taas. Naiwan na lang kaming lima dito.

"Kayong tatlo, pupunta tayo sa ReCage mamaya" sabi ko sabay sandal ng likod ko sa sofa.

"Grabe ka naman dapat mag-hone-" putol na sabi ni Rodjan dahil nagsalita ako.

"Tumahimik ka gago!" Sabi ko

"Magluluto lang ako" biglang sabi ni Vler

"Sige Chef!" Sabi ni Cerian sabay saludo.

********

                 RYIANELLA POV

Nasa silid na ako ni Xyion. Umupo ako sa kama na narito at nag-isip.

Tama ba tong ginagawa ko? Alam kong mali pero gusto ko siyang tulungan.

Flashback..

"Pinuno? May sasabihin po ako"

"Alam ko na ang sasabihin mo Ryianella. Pero alam mo na isa kang anghel"

"Nais ko lang pong tulungan si Xyion. Napansin niyo naman na may pagbabago na sa kaniya. Kailangan ko lang talaga pinuno. Hindi naman panghabang buhay."

"Sige na Ryianella. Pero sinasabi ko sayo na bawal yan. Ayos lang siguro dahil isa ka namang tao pero dapat ka paring bumalik dito."

"Salamat po, pinuno."

"Mag-iingat ka diyan, Ryianella. Hindi ako parati na nakabantay sayo"

"Pinuno? Mapapahamak po ba si Xyion?"

"Yun ang nakikita ko sa salamin kaya gawin mo ang lahat na parehas kayong maayos."

"Ako po ba ang magiging dahilan?"

"Hindi ko alam. Basta ang sinasabi ko ay mag-iingat ka. Ingatan mo ang alaga mo. Kunting pagkakamali ay ikapapahamak niya."

End of Flashback..

Alam ko naman na hindi ko hawak ang lahat na mangyayari sa buhay niya. Ngunit bilang guardian niya ay gagawin ko ang lahat upang di lang siya mapabilang sa masasama. Mabait naman kasi si Xyion. Nabubulagan lang siya sa ngayon.

Pero sa napapansin ko ay may kaunting pagbabago na kay Xyion at sobrang natutuwa ako don. Alam ko na sinusubukan niya ang lahat.

Kung mapapahamak man ako, ayos lang sa akin kung siya naman ang dahilan upang di siya mapahamak. Mas okay na ako lang basta wag lang siya. Guardian niya ako at gawain namin yun.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon