Day 25

1K 33 2
                                    

  A/n: I  Dedicate this chapter to @Kim_Myra_Soo. Maraming salamat sa pagbabasa. Hehehe.^____^*

                   XYION POV

Umuwi kami ng umaga kanina dito sa mansyon. Pagpasok namin ni Ryianella ay tulog pa sila, tanging mga katulong pa ang gising. Dumiretso na agad kami sa taas para magbihis at kumuha ng ilang gamit para sa headquarter nalang muna kami mag ste-stay ni Ryianella.

"Waah! Aso namiss kita" sabi niya habang nilalaro ang pusa niya.

"Tss. Aso ang gusto ko ipangalan sayo, ayaw ko sa Grey!" Parang bata niyang sabi. Kinakausap niya pa talaga ang pusa niya.

Naglagay ako ng ilang damit sa bag pack ko na medyo malaki. Kay Ryianella naman, hmm, AKO ANG NAG-AAYOS NGAYON! BWESIT! Inuna ba naman ang pusa niya. Dadalhin daw eh.

"Aso ka nga eh! pambihira ka naman eh"

"Anong pusa? Aso ka. Aso ang pangalan mo. Hindi Pusa, hindi Grey"

"Tigilan mo na yang pusa, Ryianella. May pasok pa tayo maligo ka na don!" Inis kong sabi sa kaniya.

"Huhu. Isa ka pa eh! Aso kasi hindi pusa" parang naiiyak niyang sabi. Napabuntong-hininga nalang ako ng malalim.

"Fine! Whatever you call that. Aso! Okay na? Tigilan mo na si Aso" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin pagkasabi ko non.

Sira!

Pumasok na siya ng banyo at naligo.
Ilang minutos ay tapos na siya.

"Ang basa ng buhok mo! Ayusin mo nga yan. Tumutulo sa sahig o!" Inis kong sabi

"Tapos na kasi ako. Atsaka napagod na ako kakapunas sa kanila isa-isa" nakanguso niyang sabi.

Sira talaga ang utak nito.-_____-'

"Tss!"

Hinila ko siya at pinaupo sa silya kaharap ang salamin. Kinuha ko yung blower sa drawer.

Hindi ako makapaniwala na nagpapatuyo ako ng buhok ng isang babae.

"Ang galing naman yan.!" Manghang sabi niya.

"Huwag kang malikot diyan. Putulin ko tong buhok mo ngayon." Banta ko sa kaniya at tumahimik na lang siya.

Hinawi ko yung buhok niya sa kabilang side, sa kaliwa. Ngayon kita ko na ang maputi niyang batok.

*gulp*

Maya-maya ay tapos na kaya sinuklayan ko na siya.

"Ang gaan naman ng kamay mo. Sana suklayin mo ko palagi ha?" Sabi niya

"Asa!" Simpleng sabi ko

"Magbihis ka na don! Bilis." Sabi ko sabay turo don sa walk in closet. Ako naman ay pumasok na sa banyo at naligo na.

********

Bumaba na kaming dalawa. Pagkababa namin at lalabas na sana ay nakita kami sa asawa ni Mic.

Bruha!

Sa totoo lang kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang mukha niya. Feeling sosyal at mayaman. Pera naman namin ang pinaggastos niya sa mukha niya. Fuck you ka!

"Good morning my pamangkin" bati niya sa akin. Kinuyom ko na lang ang kamao ko. Napahigpit pa ata ang paghawak ko sa may pulso ni Ryianella.

Hindi ako umimik hanggang sa nagsalita siya ulit at tinignan mula ulo hanggang paa si Ryianella.

"So?.is she your girlfriend?"

"Kung ayaw mong mawalan ng mga mata. Don't looked at her like that!" Gigil kong sabi sa kaniya at tinignan siya ng seryoso.

"And yes! She's my girlfriend, my fiancee and soon to be my wife. Any problem with that woman?!" Seryosong tanong ko sa kaniya at nginitian niya lang ako ng pilit at peke.

Dip*ta! Gigil mo na ako babae. Ayaw ko talaga sa pagmumukha mo.

"Of course there's no problem with that. Mainit kaagad ang ulo ng pamangkin ko." Sabi niya

Ang plastik mo, bwesit ka!

"Pwede ba! Get your fake face out of my sight if you don't want me to bring back your ugly face.!" Seryoso at malamig kong sabi sa kaniya at hinila na agad si Ryianella palabas ng mansyon.

Tss. Yeah! Get mad at me. I really love to see your ugly face getting pissed off. It so fucking priceless.

***********

SUNNY POV
Asawa ni Mic na tito ni Xyion

Sumasabog ako sa galit ngayon. Kaya sa lahat ng katulong na narito ang nasabugan ko.

Walanghiyang batang yun! Argh! Nakakainis talaga siya. Akala niya ba madali sa akin na pakisamahan siya ng mabuti? Hindi! At nasusuka ako sa tuwing ginagawa ko yun. AAAAHHHHH! I hate that bastard! Walang galang! Nakakagigil.

"BILISAN NIYO NGA!ANG PINAG-UUTOS KO SA INYO!?" Galit kong sigaw sa kanila. Nandito kasi ako sa dining area. Hinihintay ang kape ko.

"Hon, ang aga-aga ganyan na ang mukha mo. Bakit ba?" Tanong ng husband ko na si Mic

"Anong nangyari, Sunny? Narinig kita na nagsisigaw diyan" tanong ni Kuya Garry.

"Tss! Sino bang hindi magalit kay Xyion. Ang bastos ng bibig. Walang galang!"

"Ano pala ang sinasabi sayo Hon?! Bwesit na batang yan. Buti pa namatay na rin yun!"

"Tumigil kayo! Yang bibig mo Mic!"

"Eh bakit ba kuya! Mas mabuti na yun para sa atin na ang kayamanan ni Kuya Xandrei. Tss"

"Baka may makarinig sayo! Umayos ka Mic"

"Bwesit talaga yang Xyion na yan!" Galit kong sabi sabay punit sa magasin.

"Kasama niya ba yung babae?" Tanong ni Kuya Garry.

"Yes Kuya, kasama niya. Sabi niya girlfriend niya yun, tapos fiancee pa and soon to be his wife daw" sabi ko kay kuya sabay napairap sa hangin.

"Parang kumikilos na talaga siya laban sa kayamanan niya, laban sa atin" sabi ni Kuya Garry ng seryoso

"Hindi parang kuya! Kumikilos na talaga siya. Hindi ba halata? Pag makasal na siya kahit bukas maaari na niyang makuha ang kayamanan niya agad. Dapat sa atin kuya dahil tayo ang kapatid.!"

"My husband is right kuya, hindi left. We need to do something" sabi ko sabay kagat ng toasted bread.

"Anong balak mo Mic?" Tanong ni Kuya.

"Ako na bahala kuya. Marami akong kakilala na mga tambay nong nasa squatter's area pa kami..."

"...ilalayo natin ang babae sa kaniya. She has three choices.First, we need to pay her para iwan si Xyion, Second, takutin yung babae. Kung hindi niya iiwan si Xyion, mapapahamak siya, or the easiest way is to kill her" sabi ni Mic at tumango-tango lang ako sa mga sinabi ng hubby ko.

"Okay, sayo ko ipagkakatiwala yan. Marami pa akong ibang bagay na gawin. " sabi ni Kuya.

"Ako na bahala dito Kuya."

"Sige. Basta ayusin mo yan ah. Dapat hindi niya malaman. Huwag kang papalpak!" Sabi ni Kuya Garry at tumayo na ito at iniwan na kami ni Mic dito sa mesa.

"Mas gusto ko yung patayin siya".sabi ko sa hubby ko at hinalikan siya sa pisngi. Napangisi lang ito bago uminom ng kape.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon