Day 76

594 18 0
                                    


                      XYION'S POV

Nagising ako sa isang lugar na ubod ng liwanag. Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa sinag.

Tumayo ako habang nakaharang ang mga braso ko sa mga mata ko.

Maya-maya lang ay unting-unti humihina ang liwanag. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata hanggang sa nakakita na ako ng maayos.

Inilibot ko ang aking mata sa purong puting silid.

'Nasaan ako? Patay na ba ako?'

"Xyion?" Tawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa paligid upang hanapin kung sino ang tumawag sa akin

"Who are you?"

"Ako ang iyong panginoon."

"Panginoon? Ikaw ba talaga yan? Anong nangyari sa akin?"

"Mahal kong anak, nakalimutan mo na ba? Kinitil ang iyong buhay."

"Hindi. Hindi maaari. Paano na si Ryianella. Ayaw ko siyang iwan. Panginoon, nakikiusap ako sayo, ibalik mo po ako" naiiyak kong sabi.

Si Ryianella. Hindi ko siya pwedeng iwan.

"Huwag kang mag-alala, Xyion. Ang iyong guardian ay papunta na rito. Hindi ka mamamatay."

"Paano? Ano po bang nangyayari? Sinaktan ba siya ng masamang guardian ko?"

"Ayos lang siya, Xyion. Hindi siya nasaktan. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan na hindi ko pinahihintulotan, gumana lang ang kapangyarihan niya sa loob ng dahil sa kaniyang pagmamahal sayo. Pinatay niya ang masamang guardian para sayo. Hindi ako magtataka kung bakit sa kabila ng ginawa mo ay nandiyan parin ang butihin mong guardian upang, alagaan, protektahan at gabayan ka. Ngayon ginagawa nga lahat para ibalik ka sa katawan mo"

"Kaya nga nahihiya ako sa inyo. Sa kabila ng mga ginawa ko sa buhay ay binigyan niyo ako ng katulad niya. Binigyan mo ako ng isang anghel na nagparamdaman sa akin ng tunay na pagmamahal. Minsan iniisip ko kung nararapat ba talaga ako sa kaniya. Naisip ko na sa sobrang bait mo at puno ng pagmamahal, nagawa mo akong tanggapin ulit." Iyak kong sabi. Nakaluhod ako sa puting sahig habang pinakikinggan ang boses.

"Lahat ng nilalang sa mundo na aking ginawa ay mahal ko. Na minsan nakakalimutan niyo na ako dahil sa kasiyahan na nabibigay ko sa inyo, nakalimutan niyo na ako na may ama kayo na naghihintay na kausapin ng kaniyang mga anak. Mga paghihirap at pagkamatay ng iyong magulang ay isang pagsubok na ibinigay ko sayo kung gaano ba kalalim ang pananampalataya mo sa akin, ngunit naging dahilan pa iyon upang ika'y nagbago at lumihis ng daan. Si Ryianella ay isang batang ubod ng bait at masakitin..."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Si Ryianella ay dating batang katulad mo. Limang taong gulang siya nong namatay siya dahil sa sakit. Kinuha ko siya dahil ang katulad niya na ubod ng bait at puno ng pagmamahal ay hindi nararapat sa mundong aking ginawa na nababalutan na ng dilim dahil sa mga desisyon na pinili ng mga tao. Kinuha ko siya at ginawa anghel. Pinili ko siya na maging guardian mo. Katulad mo rin siyang mabait, ubod ng bait. Nang dahil sa nangyari sayo, ang pagsubok na ginawa ko sayo ay dinala mo bilang masamang bagay sa buhay mo, pero nong nakilala mo siya ay nagbago at bumalik ka sa dati. Hinayaan ko na maging tao si Ryianella dahil una palang, alam ko na si Ryianella ang para sayo. Itinadhana ko kayo sa isa't-isa"

"M-Maraming salamat sa lahat-lahat panginoon. Patawarin mo ako sa mga bagay na ginawa ko sa buhay. Sana mapatawad mo ako" iyak kong sabi

"Pinapatawad na kita, mahal kong anak. Sana maintindihan mo na ang nangyayari sa inyong buhay ay may ibig sabihin. Mag-isip ka at humingi ng tulong ko kung anong desisyon ang pipiliin mo sa buhay. Parati akong nakikinig sa inyo."

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon