Day 24

983 33 2
                                    

                       VLER POV

Nakita ko si Ryianella na pababa ng hagdan. Nakangiti itong lumapit sa amin at tumabi sa akin.

"Kumain ka na Ryianella. Nag-order lang kami" sabi ni Rodjan

"Hi Ryianella!" Ngiting sabi ni Vince sabay kaway ng kamay niya.

"Hi sayo, Vince" nakangiti niya ring bati.

Habang nag-uusap sila ay palihim akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili. I've been acting weird for the past few days.
Biglang nagbago ang sarili ko lalo na ang puso ko.

Her smiles that makes me smile also na para na akong nasisiraan ng ulo. Yung maamong mukha niya na nakakahawa ang kabaitan nito.

Aaminin ko na humahanga ako sa guardian angel ng kaibigan ko. At alam kong hindi maganda to dahilisa siyang anghel at tao lang ako.

At ang pokus niya ay ang kalagayan ni Xyion. Si Xyion lang at wala ng iba.

Flashback...

Habang may kausap si Xyion kanina ay pinauna siya sa amin. Nakatingin lang to kay Xyion. Lumapit ako sa kaniya at tumayo sa tabi niya habang kinakausap siya.

"Ryianella? Ayos ka lang?"

"Hindi"

"Bakit naman?"

"Kinakabahan kasi ako para kay Xyion."

"Naririnig ko kasi siya. At alam ko ang plano niya. Natatakot ako Vler baka kung ano ang gawin ni Xyion at baka mapahamak siya"

Wala akong masabi sa kaniya. Nanatili lang akong tahimik at pinakikinggan siya. Wala naman akong maisasagot sa sinasabi niya.

"Paano ko siya mapipigilan sa mga balak niya?"

"Kilala ko si Xyion, kung ano ang gusto niya ginagawa niya. Walang kahit sino ang makakapigil sa kaniya lalo na sa misyon niya na patayin lahat ang pumatay sa mga magulang niya." Seryosong sa sabi ko sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya at yumuko.

"Gagawin ko ang lahat para mapigilan siya. Gagawin ko talaga. Ayaw ko na mapunta siya sa baba, ayaw ko na kunin siya ng masamang anghel para gamitin sa paghasik ng kasamaan dito sa mundo ng mga tao kahit ikalalaho ko pa" seryosong sabi niya at nakatitig lang ako sa mukha niya. Hindi ko talaga mapigilan na humanga sa babaeng to, hindi ko rin mapigilan ang kung anumang kakaibang bagay na ginagawa ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya.

"Mahalaga talaga siya sayo?"

"Syempre naman. Guardian niya ako. Responsibilidad ko siya. Gawain namin yan, at ganon rin ang ginagawa ng Guardian mo." Nakangiti niyang sabi sabay tingin sa likod ko.

Kumunot naman ang noo ko saka lumingon.

"At ang ganda ng guardian mo. Hehe"

"Really? May lalamang pa pala sa kagandahan mo ?" Sabi ko sabay tawa ng matipid at binatukan niya lang ako. Honestly speaking, she is really pretty, inside and out. Her pesonalities and looks, it's so different. But it is so hard to accept that she's a guardian, and not a woman that you're going to love and make her yours, sa nakikita ko rin kasi, Xyion have feelings for her. Nakikita ko sa mga mata niya, at sa ibang paraan niya lang pinapakita.

"Aray ko naman!" Reklamo ko sabay himas ng batok ko. Ang pandak niya pero naabot niya yung batok ko.

"Hindi ako maganda. Huwag mong sabihin yan dahil naririnig ka niya. Tss."

"I will say this million times that you are beautiful. You really are, and a different woman I've meet. Xyion must be really lucky to have you in his life" sabi ko at ginulo ko na lang ang buhok niya saka naglakad papunta kina Rodjan.

End of Flashback...

***********

Kahit kailan talaga ang ingay ng mga tatlong kumag na to. Habang kumakain kami ay nagtatawanan naman sila pati na rin si Ryianella.

Napangiti nalang ako ng palihim ng di ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Ryianella habang tumatawa. Napansin naman ako ni Cerian kaya binato niya ako ng buto ng manok.

"Hoy!matutunaw yan!" Tawang sabi niya at tinignan ko lang siya ng masama.

"Nakakatawa ka talaga Vince" rinig kong sabi ni Ryianella.

Kailan ba naging clown ang isang to

"Ang ganda mo talaga Ryianella. Hihihi. May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Vince na parang kinikilig sa tanong niya.

"B-boyfriend? Ah e--" putol na sabi ni Ryianella dahil nagsalita na ako.

"Hoy tanda! Don't ask her like that!" Seryosong sabi ko.

"Hay nako. Ayan na naman si 'Don't ask Boy' Bwahaha. Pero uuyy! Ang haba ng sinabi niya." Pang aasar sa akin ni Rodjan at tumawa lang si Vince at Cerian.

Mga gago! Tss.

Maya-maya ay bumaba na si Xyion kaya naging pormal na ang tatlo, si Ryianella kain parin ng kain.

Umupo siya sa tabi ni Ryianella so bali napapagitnaan namin siya.

"Bro, kain ka na" sabi ni Cerian at walang imik lang ito.

Ano na naman kaya ang iniisip nito? Minsan talaga ang hirao basahin ng mokong na iyan.

"Ang saaaaraaaapp!" Sabi ni Ryianella sabay himas sa tiyan niya at sinusubo subo ang mga daliri niya. Natawa nalang ako sa isip ko.

"Aish! Hugasan mo kamay mo don, huwag mong dilaan ang mga yan para kang pusa!" Nakakunot-noong sabi ni Xyion at ngumuso lang to si Ryianella at maya maya at binelatan siya.

Natawa naman ang tatlo sa inasal ni Ryianella kay Xyion.

Tumakbo na si Ryianella papunta sa taas bago makatayo si Xyion kaya sumigaw nalang ito.

"PUPUTULIN KO YANG DILA MO BABAENG IGNORANTE!" Sigaw niya at napatakip nalang kami ng tenga.

"Problema mo bro?" Cerian

"Ang init ng ulo eh" Rodjan

"Hayaan niyo na yan. Hindi pa kayp nasanay" sabi ni Vince sabay tayo at kumuha ng alak.

"Tss!" Pag tss-ed niya sa kanila.

Ewan ko sa inyo. Ako lang ata matino sa grupong to. Hays.

"Naguguluhan lang ako" biglang sabi niya at tumahimik lang sila, para bang hinihintau nila ang susunod na sasabihin ni Xyion.

"Maybe I'm crazy! " sabi niya ulit.

"Bakit ba?" Tanong ni Rodjan.

Huwag na kayong magtaka kung bakit di ako nagsasalita. Tahimik talaga akong tao. Akala niyo wala ako sa eksena pero nandito lang talaga ako. Tinatamad lang akong magsalita at kausapin sila.

"This past few days, I'm a-- Geez! Never mind.!" Sabi niya sabay inom ng alak na nasa baso niya.

"I don't know what to choose. Naguguluhan talaga ako" sabi niya ulit.

Your just confuse, Xyion. Kung sino at ano ang pipiliin mo. Alam ko na may namumuong kakaibang bagay diyan sa puso mo pero mas namayani parin ang galit at poot sa puso mo. Sana manalo ang anumang bagay na nagpapagulo sayo kaysa sa galit na nasa puso mo.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon