Day 87

581 25 13
                                    

         THIRD PERSON'S POV

Napuno ng iba't-ibang sasakyan ang kalsada. Mga ingay at sigaw ng mga tao ay umaalingangaw sa gabing malamig. Hindi namalayan nina Rodjan ang paglabas ni Ryianella sa sasakyan. Nakaramdam si Ryianella ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang dibdib. Hindi siya mapakali sa loob ng sasakyan kaya lumabas. 

Bawat tao ay nahihirapan pagtakbo dahil sa sasakyan na nakaparada at iniwan ng mga may-ari sa gitna ng daan. Nababangga na siya ng ilang tao dahilan para maramdaman niya ang hapdi sa kaniyang likod.

Sa kasamaang palad, si Xyion at ang mga taong may maiitim na budhi ay naghasik ng lagim at takot sa mga tao. Isa-isa nila pinasabog ang mga gusali at simbahan. Binabaril ng mga lalaking nakaitim ang mga taong nalalagpasan nila. Nakatayo lang si Xyion habang suot niya ang walang emosyon na mukha. Naging malalim ang kaniyang mga mata at puno ng guhit na itim ang kaniyang leeg papunta sa kaniyang pisngi.

"Boss? Saan tayo sa susunod?" Tanong ng isang lalaki kay Xyion.

"Iyong masasamang tao ay kunin niyo, iyong mabubuti at hindi sasama sa atin ay patayin niyo. Sisirain natin ang mundong to. Ipapalasap natin sa kanila na hindi ang nasa taas ang kinatatakotan nila kundi ang nasa baba" malamig at seryosong sambit ni Xyion. Ang mga masasamang guardian angels ay nasa likod niya lang. Masayang-masaya sa kanilang nakikita. Ang pinuno ng masasamang anghel ay nanonood lang sa kanila sa apoy na lawa.

~~~

Ang apat ay busy sa paghahanap kay Ryianella. Minsan napagkakamalan pa nila ang iba. Napasabunot si Vler sa kaniyang buhok at huminga ng malalim. Pinakakalma niya ang kaniyang sistema dahil unti-unti na siyang nadadala. Kabadong-kabado at nag-aalala na siya kay Ryianella, ganon din ang tatlo.

Nagkasalubong sina Vler at Vince. Umiling nalang si Vince bilang pagsabi na hindi niya nakita si Ryianella.

"Cerian? Rodjan? Nakita niyo na si Ryianella?" Tanong ni Vince sabay hawak sa maitim na bagay na nasa tenga ni Vince.

"Hindi parin namin siya nakikita" sagot ni Cerian.

"Same. I still didn't find her" sagot naman ni Rodjan.
"Saang simbahan ba ang pinasabog?" Biglang tanong ni Vince

"Sa unahan pa. Pero may kalayuan . Paano tayo pupunta roon kung lahat ng sasakyan nakaharang?" sagot naman ni Rodjan. Bigla nalang tumakbo si Vler. Tinatalon niya lang iyong sasakyan. Nataranta naman si Vince at sinabihan silang Rodjan na magkita nalang sila kung saan iyong simbahan bago lang pinasabog.

Samantalang si Ryianella naman ay tumatakbo rin ngunit huminto siya para magtanong sa isang binatang lalaki.

"K-Kuya? Ano pong nangyayari?"

"May biglaang pagsabog, Miss. Mas mabuti pa umalis ka na rin dito baka mapahamak ka pa"

"Salamat po, Kuya."sagot niya. Bigla nalang siyang kinutoban. Parang may tumutulak sa kaniya na pumunta roon. Nagdadalawang isip pa siya kung pupunta ngunit di nalang niya namalayan na tumatakbo na siya sa gilid ng kalsada upang iwasan ang mga sasakyan na kung saan-saan nalang napupunta. May sasakyan pa na nabangga sa boutique at nabasag ang salamin.

~

Tahimik lang na nanonood si Xyion sa kaniyang mga kasama na masayang pinagbabaril ang katabing gusali ng simbahan. Masaya nilang inangat sa ere ang kanilang mga kamay na may hawak na baril.

"Saan tayo sunod, Boss?"

"Sa Headquarter na tayo" sagot ni Xyion sa kaniyang kasama.

"Boss! Paano tong mga babae? Ang babango pa naman?" 

"Kayo na bahala diyan"

"Galing!"

Papasok na sana si Xyion sa itim na sasakyan ng biglang may sumigaw sa isa niyang kasamahan. May kinakaladkad itong babae. 

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon