Day 54

776 26 0
                                    


            THIRD PERSON'S POV

Tatlong araw na ang nakalipas mula nong pag-uusap nila Vince tungkol sa plano ng asawa ng Tito ni Xyion kay Ryianella.

May dalawang lalaki na laging nakasunod kina Xyion at alam naman ni Xyion yun. Akala siguro ng dalawang lalaki walang kaalam-alam si Xyion, pero nagkakamali sila.

Kaya nga todo higpit ang pagbabantay niya kay Ryianella baga mawala to sa paningin niya. Sa isip niya may pagkatanga pa naman si Ryianella.

Kahit saan magpunta sina Xyion at Ryianella ay nakasunod ang dalawang lalaki. Mapa-school man o sa galaan nila.

Katulad ngayon nagmamaneho si Xyion pauwi ng mansyon nila galing sa skwela, kita niya sa side mirror ang isang motorbike na nakasunod sa kanila kaya napamura nalang si Xyion sa kaniyang isipan. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa manubela dahil sa inis. Kung wala lang daw si Ryianella baka kanina niya pa hininto ang sasakyan at binugbog ang mga lalaking iyan na nasa 30s.

"Hello?" Sabi nong lalaki na nakaangkas sa motorbike. Sinusundan sina Xyion.

"Kamusta ang pagsunod niyo sa kanila?" Tanong ng babae na nasa kabilang linya.

"Lagi naming sinunsundan, Sunny. Hindi kami makahanap ng tyempo para kunin ang babae. Lagi kasi tong nakadikit kay Xyion" sagot ng lalaki

"Okay. Basta lagi niyo lang sundan. At kapag mag-isa na yang babae na iyan agad niyong dakpin." Sabi nito.

"Nasaan kayo ngayon?" Tanong ni Sunny.

"Sinusundan namin ngayon." Sagot ng lalaki.

"Sige. Balitaan niyo nalang ako" sabi ni Sunny at ibinaba na niya ang tawag.

"Bilisan mo, tol!" Sabi nong lalaking nakaangkas sa kaniyang kaibigan na nagmamaneho.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

                    XYION'S POV

Kanina pa ako nagpipigil ng galit. Naiinis na ako sa dalawang lalaki na laging nakasunod na sa amin. Tuwing nasa school kami nakikita ko sila sa labas ng school gate. Iiwas pa sila ng tingin at kunwaring naglalakad o tumatayo habang nagbabasa eh baliktad naman ang binabasa. May pataghoy-taghoy pa sabay tingin sa langit. Ano? Nagtatawag ng hangin? Ganon?! Naiinis na ako. Bwesit talaga. Akala nila hindi halata yung kinikilos nila? It's fucking obvious! Ginagago talaga ako eh. Agad kaming pinagbuksan ng gate at pinark ko na ang sasakyan.

"Xyion? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ryianella sa akin at nginitian ko lang siya.

"Pasok na tayo sa loob" sabi ko sabay lingon sa labas at tumango nalang siya.

"Hi sa inyo!" Masiglang bati ni Ryianella sa mga katulong na sumalubong sa amin.

"Hi din po sa inyo, Maam Ryianella. Ipaghahanda ko po kayo ng snacks" sabi ng katulong. Sa naalala ko siya yung Head Maid dito. Simula bata close ako sa kaniya pero ngayon hindi na.

"Sige po. Magbibihis muna ako. Hehe" sabi niya sabay lakad papunta sa kwarto.

"Ikaw Sir Xyion? May kailangan po ba kayo?" Nakangiting tanong niya.

"Uh--Clubhouse Sandwich nalang" sabi ko at umalis na siya papuntang kusina. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Vince.

"Vince!" Tawag ko sa pangalan niya pagkasagot niya sa tawag.

"Bakit bro? May problema?" Tanong niya sa kabilang linya.

"May sumusunod sa amin. Tatlong araw na!" Sabi ko.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon