PROLOGUE

2.6K 68 11
                                    

Third Person's POV

MAY mga bagay na mahirap man paniwalaan ngunit batid ng ilan at naniniwala na sila'y totoo. Bawat mga tao sa mundong to ay mga mga guardian angel. Katulad ng mga tao, may masamang guardian angel at mabuting mga guardian angel.

Ano ba ang ginagawa nila?

Well, sila lang naman ang nagbabantay at ginagabayan tayo sa buhay. Binabantayan tayo at tinutulungan na mag-desisyon ng tama at nilalayo tayo sa kapahamakan.

Isang ubod na malawak na paligid, puno ng mga ulap at may bahaghari. Sa pinakataas ng langit ay nandon ang mga anghel ng bawat tao. Pinagmamasdan nila ang kanilang mga alaga. Minsan nga ay bumababa sila sa lupa at sundan, bantayan ang kanilang mga alaga. Hindi man sila nakikita ng mga tao ngunit nasa tabi lang sila.

Isang kastilyo na nasa langit, nakapatong sa ulap. Sa isang silid ay nandoon si  Anghel Ryianella.

Pinatawag siya ng kanilang PINUNONG ANGHGELO.

"Bakit niyo po ako pinatawag, Pinuno?" Tanong ni Ryianella sa kaniyang pinuno habang ito ay nakatingin sa isang puting tablet, samantalang siya ay nakayuko lamang, paraan ng pagbibigay galang nila sa nakakataas, pero may mas mataas pa talaga sa kanilang pinuno, ang tinatawag nilang BOSS

"Kamusta ang iyong alaga?" Tanong ng pinuno na di man lang siya tinapunan ng tingin.

Busy parin ito sa pagtingin sa kung ano man ang kanyang tinitignan.

"Nagiging malala na po , pinuno. Ginawa ko na po ang lahat ngunit napakalayo ko po sa kaniya"

Sa bawat pagkakamali na ginagawa ng isang tao ay kahirapan para sa mga guardian na mapalayo sa kanilang alaga. Nagiging malayo kasi sila sa taong binabantayan nila sa bawat mali at sa masamang gawain nito, hanggang sa mahirapan na silang bantayan, gabayan at protektahan ka.

"May misyon ka Ryianella, sa misyong to ay mapalapit ka na sa kaniya ulit.."

"....magiging tao ka sa loob ng 100 araw"

"Po?"

"Gaya ng sinasabi mo ay palala na siya ng palala. Unti-unti na niyang pinipili ang pulang daan, baka pag maging ganyan na siya ng tuluyan ay maaari na siya kunin at alagaan ng masamang anghel..."

"...madagdagan na naman ang mga masasamang tao. Binibigyan ka lang ng 100 araw, Ryianella" sabi ng kaniyang pinuno na nakatitig sa kaniya ng seryoso.

"Gagawin ko po, pinuno. Ayaw ko siyang maligaw ng landas. Sabay na kaming lumaki. Ako ang guardian niya kaya obligasyon ko na gabayan siya muli sa tamang landas at ipakita sa kaniya kung gaano kaganda ang buhay at makilala muli si BOSS. Tatanggalin ko ang sakit, galit at puot sa puso niya. Ipapakita ko sa kaniya na kung gaano ka ganda ang buhay, na hindi lang don umiikot" ngiting sabi nito sa kaniyang pinuno at tumango-tango lang ang pinuno niya at tumayo.

"Pinuno? Kailan po  ako magsisimula?" Tanong niya.

"Ngayon na sana eh"

"Ha?*takipsabibig*. S-seryoso po?"

*tango*

"Pero pinuno, feel ko di pa ako handa at tsaka pa po di pa ako nakapag-paalam sa mga batang anghel, sa mga kalaro ko *pout* "

"Wala ng oras Ryianella. Sundan mo ako. Pupunta tayo sa MEETING HALL"

(MEETING HALL- isang silid na kung saan lahat ng mga anghel ay nagtitipon dito upang ilahad ang kanilang mga report patungkol sa mga inaalagaan nila. Isang purong puting silid at pabilog ito, maraming mga upuan na nakapalibot at may puting board. Sa gitna nito ay ang mesa ng kanilang pinuno.) 

Nasa Meeting Hall na sila. Pinagtitipon ang lahat ng mga angel maliban sa mga bata pa. Pagpasok palang sa silid ay dumiretso sa gitna ang pinuno at si Ryianella ay nakatayo rin sa gitna. Maraming bulungan ang naririnig.

"Bakit nandiyan siya?"

"Isang guardian na may masamang alaga"

"Hahaha dapat naging masamang guardian nalang siya."

"HAHAHAHA"

"Oo nga.!"

"Tss!"

Biglang tumahimik ang lahat sa pagbubulungan ng biglang sumigaw ang pinuno nila.

Nakayuko lang si Angel Ryianella. Everyone hates her, siguro may iba na hindi pero mas marami ang ayaw sa kaniya.

Why? Dahil may alaga siyang masama. At maliban don kinaiingitan siya dahil sa kaniyang taglay na kagandahan na halos lahat ng mga lalaking angel ay gusto siya. Para siyang bullied because of the bullies.

"Tumahimik kayo!"

"Nandito ngayon upang saksihan natin ang pag-baba ni Ryianella sa lupa upang simulan ang kaniyang misyon.."

"..pagkatapos ng 100 araw ay babalik ka na dito, Ryianella. Dapat nagawa mo na ang misyon mo sa alaga mo" sabi ng pinuno kay Ryianella.

Tumango lang siya kahit sa totoo ay kinakabahan siya. Wala siyang alam sa mundo ng mga tao. Oo, pumupunta siya don upang bantayan ang alaga niya. Ngunit hindi niya alam kung paano na siya pag naging tao na siya.

"Handa ka na ba Ryianella?" Tanong nito at tumango lang siya.

Biglang may lumiwanag na parang bola sa laki sa kamay ng pinuno. Itinapat niya ang kamay niya sa may dibdib ni Ryianella at napahiyaw nalang ito sa sakit. Lumabas ang pakpak nito at unti-unting naglalaho.

Nawalan siya ng malay at nakahandusay na siya sa puting sahig. Binuhat siya ng mga lalaking anghel. Nakasunod lang sila sa Pinuno papunta sa labasan at inihulog lang si Ryianella.

A/n: Yan na ang PROLOGUE. Salamat sa pagbabasa. Sorry sa typos and grammar guys.
Vote and comment pag-gusto niyo lang. Kbye!

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon