Day 46

880 46 3
                                    

                  SOMEONE'S POV

"Ano na ang gagawin mo? Nagbabago na si Xyion.! Naging mabait na ulit siya. At higit sa lahat ang Guardian niya ay naging tao na at hindi natin alam kung may kapangyarihan pa ang Guardian, mahihirapan na tayong tuksuhin siya!"

"Pinuno? Ang mga kapangyarihan ng mga guardian ay maaari lang mawala kung babawiin ito ng mga boss. Wag po kayong mag-alala. Hindi pa po tapos. Mag tiwala po kayo sa akin. Mapapasaatin si Xyion, magiging alagad siya ng kasamaan." Sabi ko sa pinuno ng nakayuko.

"Siguraduhin mo lang! Dahil gusto ni Boss na dadami tayo at lamunin ang mundo ng kadiliman at kasamaan." Sabi ni Pinuno

"Magdidigma po ba tayo, Pinuno?" Tanong ko

"Alam mo naman na di padadaig ang AboveWorld. Sa nakikita mo, pasama ng pasama ang mundo. Klase-klaseng masamang gawain. Paunti-unti nalang ang mabubuti at tapat sa mabuting boss, samantalang tayo, padami ng padami. Dapat tayo na ang manalo at hindi na sila." Sabi niya

"Kawawa ang mga mabuting guardian, napapalitan na naming masasamang guardian. Mas pinakikinggan kami kaysa sa kanila. Habang lumalayo siya, palapit kami ng palapit. Sa tamang oras, makukuha ko rin si Xyion, at maglalaho ng tuluyan si Ryianella" nakangising sabi ko at nagpaalam na ako kay Pinuno.

Akala ni Ryianella, ayos na ang lahat. May mangyayari pa at magtatagumpay ang masasamang tao na may masamang balak sa kaniya at kay Xyion at dapat magtagumpay sila. Siya lang ang magiging dahilan upang mapasaakin si Xyion.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

                      XYION'S POV

Nagising ako dahil sa nakakarinding ingay. Ang sakit sa tenga, promise. Minulat ko ang mga mata ko at kumurap-kurap. Nakita ko si Ryianella na may hawak na kaldero at sandok.

Ang galing ah. Bagong alarm clock. Kainis.! Gusto ko pang matulog!

"Gising na. May pasok pa tayo." Sabi niya at napansin ko naka-uniporme na siya.

"Himala, ikaw ata nauna ngayon" sabi ko sabay unat ng katawan. Grabe ang sakit matulog sa sofa.

"Hindi kaya ako natulog" sabi niya

Hawak niya parin ang kaldero at sandok. Tss.!

"Bakit naman?" Tanong ko

"Hindi ko alam, nasa isip kasi kita" nakangiti niyang sabi.

Bigla naman akong umiwas ng tingin sa kaniya.

Parang kinilig ako.

"Sige, baba na muna ako" sabi niya at lumabas na sa silid.

Ewan ko talaga sayo, Ryianella. Masyado kang honest. Sabi ko sa sarili ko at pailing-iling na pumasok sa banyo habang may ngiting nakaukit sa mukha ko.

Bakit ba? Kinilig ako eh.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

"Xyion?"

"Bakit?"

"Anong meron sa Fair Day and the Opening of the Gate?"

"Hindi tayo sasali diyan"

"Bakit naman?"

"Kailangan ako ng kompanya" sagot ko sa kanya. Nagbubulungan kaming dalawa habang ang guro ay busy sa pagpapaliwanag kung ano ang gaganapin sa Fair Day. Last year kasi wala to, kaya halos estudyante ay excited. Gusto nga ni Ryianelle na pupunta pero hindi pwede.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon