Day 27

938 32 0
                                    

                     XYION POV

Nasa cafeteria na ako at hinihintay nalang namin si Vler at Ryianella. Nag cr din kasi si Vler.

Nainip na ako sa paghihintay sa dalawa. Kaya tumayo ako at iniwan ang dalawa. Naglalakad na ako papunta sa Cr. May narinig akong babae na nagsasalita sa loob ng Cr na panglalaki. At may lalaki na umaango-ngol sa sakit.

Bigla akong kinabahan kaya sumilip ako sa pinto. Nakaawang lang kasi ito. Nakita ko yung lalaking nakahandusay na duguan sa sahig at si Vler na nakaharap samantalang si Ryianella ay likod niya lang ang nakikita ko.

Vler immediately hugged her. I decided to leave them there at bumalik nalang don sa cafeteria.

Naging abnormal na naman kasi ang puso ko. Hindi ko talaga maintindihan ang puso ko  ngayon. Nagiging abnormal na kasi to paminsan-minsan. Ipabunot ko talaga to eh! Tss.

"Saan ka nagpunta bro?" Tanong ni Rodjan sa akin

"Shut up!" Malamig kong sabi at umupo na. Sakto rin sa pag-upo ko nandito na ang dalawa.

"Magkasama kayo?" Tanong ni Rodjan.

"Nabwebwesit na ako sayo ah! Isn't obvious?!" Inis kong sabi kay Rodjan.

"Don't ask!" Biglang sabi ni Cerian at umupo na ang dalawa kaharap namin ni Cerian, si Rodjan nasa gilid.

Sinamaan lang ng tingin ni Vler si Cerian.

"Inunahan lang kita" tawang sabi ni Cerian at nakitawa na rin si Rodjan.

"Speak!" Sabi ko kay Ryianella at nagkatitigan kaming dalawa. Seryoso lang akong nakatitig sa kaniya. Palagi naman.

"What happen? Bakit ang tagal mo?"  Seryosong tanong ko.

"Huwag kang yumuko. Tumingin ka sa akin" utos ko sa kaniya. Nakayuko lang kasi siya.

Kaya dahan-dahan niyang inangat ulit ang paningin niya.

"E-eh kasi X-Xyion nagkamali ako na pinasok na Cr, sa pang lalaki.." sabi niya na nauutal at napahilot nalang ako ng ulo ko at bumuntong-hininga.

Kahit kailan talaga sakit ka sa ulo!

"May lalaki kasi na pumasok sa CR don sa Ladies Comfort Room kaya akala ko lalaki yun don. Nakalimutan ko na kasi."

Tahimik lang ako nakikinig sa kaniya.

"May nag-chug chug ah ah don" biglang sabi ni Rodjan at binatukan lang siya ni Vler. Tinadyakan ko lang yung paa niya kaya napatalon siya sa sakit.

"Ayan kasi. Tsk tsk" sabi ni Cerian sabay iling-iling

"T-tapos ayun pumasok ako sa Cr na panglalaki pala. May nadatnan akong lalaki don tapos sabi niya titikman niya raw ako eh hindi naman ako pagkain kaya tinulak ko siya. Natakot talaga ako baka kainin niya ako, lalapit pa sana siya sa akin ng biglang dumating si Vler at iniligtas ako" sabi niya sa amin at natawa lang ang dalawa sa mga sinasabi niya.

"Sakit ng tiyan ko kakatawa" Rodjan

"Pambihira talaga! Haha Saan planeta ba yan galing? Walang alam" Cerian

"Tumahimik kayong dalawa!" Galit kong sabi.

Napaka babaw ng kaligayahan ng mga to. Bwesit! Hays.

"Pero grabe. Hero pala to si Vler"  Cerian

"Kung kami rin yun ililigtas karin namin Ryian" Rodjan.

"Oo nga! Kaibigan ka kaya namin. Bubugbugin talaga namin yun ni Rodjan" sabi ni Cerian at ngumiti lang si Ryianella sa dalawa.

"Salamat" ngiting sabi niya.

"Tss!" Pag tss-ed ko

"Kumain ka na" sabi ko at iniwan sila don.

Ewan ko ba! Basta naiinis ako sa sinasabi ng dalawang kumag na yun. Tss.

Nandito ako sa likod ng skwelahan. Tahimik akong nakasandal dito sa puno. Pinikit ang mga mata ko ng may narinig akong yabag ng paa papalapit sa aking pwesto kaya agad akong napadilat.

"Hi, Xyion" sabi ni Herea Venice Kim

Nagulat ako na nakita ko siya rito. Sinabi rin naman nina Rodjan na dito na daw nag-aaral si Herea.

Kaibigan namin si Herea. Kaibigan namin ni Vler noong elementary pa kami. Sa tuwing binubogbug kami ay siya ang tig gamot sa amin. Lage rin siyang binubully non dahil isa siyang nerd. Alam niyo naman si Vler, ayaw niyang nakakakita ng babae na inaapi o kinakawawa, kaya tinulungan niya to at binugbog yung mga lalaki.

May gusto siya kay Vler kaya naiinis ako sa kaniya dahil sa akin to nagpapatulong. Bwesit.!

"Bakit ka nandito?"

"Nakita kota na pumunta rito. Hindi ka parin nagbabago ang sungit mo parin" sabi niya sa akin na tumatawa.

Si Herea ay asal bata. Si Ryianella, ignorante, walang alam, inosente at asal bata. PAREHAS SILANG SAKIT SA ULO. Kaya sure ako pagmagsama ang dalawang to ewan ko na lang. Hindi ko kayang imaginin.

"Hmm. Bakit ka lumipat dito?"

"Hays. Alam mo na business matter." Sagot niya lang.

"Ah" simpleng sabi ko nalang. Tinatamad ako.

"Hindi niyo ba ako na miss.? Dapat kahapon ako magpapakita sa inyo kaso ang daming dapat gawin." Sabi niya ng nakanguso.

"Hindi kita namiss. Baka si Vler" sabi ko at namula naman ang pisngi nito na parang kamatis.

Tss.! Basta Vler nangangamatis ang mukha. Gez!

"Huwag ka nga! Kinikilig tuloy ako" sabi niya sabay ayos ng eye glass niya.

Hmm. Hindi na siya mukhang nerd. Hindi na makapal ang kilay, wala na rin yung braces niya.

"Eh di mabuti" sabi ko

"Xyion naman. Wala kang pasalubong sa akin galing US"

"Hindi rin kita ilalakad kay Vler." Walang ganang sagot ko.

"Eto naman! Joke lang. Tara puntahan natin sila" sabi niya   at hinila na niya ako patayo.

"Bitaw nga! Tss" sabi ko sa kaniya at tumawa lang siya.

"Haha. Sorry. Ayaw mo pala na hinahawakan ka." Sabi niya at nauna ng naglakad.

************ 

Nakasunod lang ako kay Herea. Maya-maya lang sa paglalakad nasa loob na kami ng cafeteria. Agad na kumaway si Herea kina Rodjan.

May nakita akong mga grupo ng lalaki papalapit sa kanila.

Dali-dali akong naglakad papunta sa kanila.

Panger Boys.

Ano na naman kaya problema ng mga to?

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon