Day 74

622 16 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Habang gumagawa ng apoy si Xyion ay bigla lang itong lumakas. Muntik na ngang matamaan ang mukha niya. Agad namang lumapit si Ryianella sa kaniya at inilayo sa apoy.

"Lumayo ka nga diyan" sabi ni Ryianella.

"Wala lang iyon, Wife." Sabi ni Xyion sabay lagay ng kahoy sa apoy.

Binalewala lang iyon ni Xyion ang pagsiklab agad ng apoy. Kanina nahihirapan pa siyang gumawa ng apoy gamit ang dalawang pinagkuskos na bato, ngayon bigla lang iyong sumiklab at muntik pa siyang matamaan.

Sa isang malaking puno, sa di kalayuan mula sa kanila ay ang masamang angel na nakatayo habang nakamasid sa kanila. Hindi alam ng dalawa na kanina pa may umaaligid sa kanila. Hindi na rin naman mararamdaman iyon ni Ryianella dahil wala na siyang kapangyarihan dahil pinili na niya talaga ang maging tao nalang. Kung kaya't ang masamang gwardiya ni Xyion ay nakakakilabot na tumingin sa kanila.

Ang itim na pakpak at suot nito ay nakakadagdag ng kakilabot sa kaniya. Ang itim na suot at pakpak nito ay kasing itim ng sulok kung saan siya nakatayo, yung tipo hindi ka masisinagan ng liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Nilalamig ka pa?" Tanong ng binata sabay yakap sa dalaga. Nakapatong ang ulo ng dalaga sa kaniyang balikat. Kaharap nila ang apoy.

"Gusto mo ng bumalik sa hotel?" Tanong ng binata.

"Sige. Uuwi pa tayo bukas diba?" Sabi ng dalaga at tumango lang ang binata. Inalalayan ng binata ang dalaga na makatayo.

Ang masamang gwardiya ni Xyion ay bigla nalang naglaho.

"Tignan mo Xyion! Ang ganda. Maliliit na ilaw na lumilipad o" manghang sabi ng dalaga at sinusundan ang isang alitaptap.

"Alitaptap yan." Sabi ng binata ng nakangiti.

"Hindi parin talaga ganon katakot ang gabi dahil may mga bagay pala na maganda sa gabi. Katulad nito. Munting ilaw na nagbibigay ganda sa gabing madilim." Sabi ng dalaga sabay hawak sa kamay ng binati.

"At ikaw yung magandang bagay sa katulad ko na madilim, Ryianella. Ikaw yung nagsisilbing liwanag sa mundo kong madilim. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag mawalay ka sa akin, na may mangyari sayo. Mas mabuti pa na ako nalang. I will protect you like how you protected me" buong pusong sabi ng pinatay.

"Alam ko po, mahal ko." Sabi ng dalaga.

Nakalabas na sila sa gubat. Kita na nila mula sa kinatatayuan nila ang gusali. Sa gilid naman ay mga bato na nasa buhangin ang ang kalmadong dagat. Hinubad ng dalaga ang tsinelas nito na ipinagtaka ng binata.

"Hubarin mo rin yang iyo, Xyion. Maglalakad tayo sa tabi ng dagat na magkahawak kamay. Ang ganda ng dagat o" sayang sabi ng dalaga na ikinangiti naman ng binata.

Hinubad na ng binata ang tsinelas nito. Makahawak kamay silang naglalakad ng di gaanong mabilis habang bit-bit sa kabilang kamay nila ang kanilang mga tsinelas.

"Ang saya-saya ko sa araw na to. Pero mas higit pa ang kasiyahan ko sa bawat araw na nasa tabi kita, Xyion. Akala ko talaga hindi posible ang lahat ng to, lalo na tayo. Guardian Angel mo ako tapos nagkagusto ako sayo, nagkagustuhan at nagmamahalan tayong dalawa, iniisip ko palang iyon na hindi tayo pwede, nalulungkot na ako. Buti nalang ay pinayagan ng may taas ang pagmamahalan natin." Sabi ng dalaga.
Samantala, nananatili lang na tahimik ang binata. Nais niya lang pakinggan ang mahal niya. Para kasing musika sa kaniyang pandinig ang boses nito.

My Ignorant Guardian Angel-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon